sapi

15 1 0
                                    

this was happened way back 2011. Like I said po dun sa nakaraan kong kwento, ako po ay naendo or should i say sadyang nagpaendo sa mall dahil tinawagan po ako ng dati kong Prof. at itinatanong po kung may work na daw po ba ako, kasi ay may friend daw siya na teacher sa high school na mag li-leave dahil manganganak. Bale nagpapahanap daw kay Sir Norman ng pwede niyang maging Sub. Maaaring nagtataka kayo kung paanong ang isang malokong tao na gaya ko ang tinatanong ng dating Prof. well ganito po iyon, kahit po maloko ako noong nag aaral pa ako ay nagkaroon pa din naman po ako ng sabit hindi po arenolang butas ha, kungdi medalya, cum laude po ang inyong lingkod di lang po halata dahil mas mukha po akong kakosa ng mga natotokhang dati. Iyon na nga po mabalik tayo sa aking kwento. Sa madaling salita po ay tinanggap ko ang inalok ni sir norman hindi lang po dahil sa kailangan ko ng work, kundi interesado po talaga ako sa mismong school na iyon dahil alam kong matatalino talaga ang mga estudyante doon. Pero ito po ay atin-atin lamang ha, noon pong nag entrance exam ako dito para dito ako makapag aral ng high school ay hindi po ako nakapasa., 😂😂

Iyon nga po kinahapunan ay pinagreport po agad ako ng may ari ng school, pinagpasa ako ng resume at na meet ko na rin ang sa-sub-ban ko, si maam edel at ang mga section na iha-handle ko. At kinabukasan din ay start na ako. Nakakapanibago at nakakakaba dahil its for real na talaga, ako ang nag iisang teacher na nasa unahan, di gaya noong intern palang ako na may iba pa akong teacher na kasama. Naging maayos naman ang unang araw ko, dahil may mga iniwan namang plan at mga activities si maam edel ako na nga lang ang bahalang mag execute. hindi maiiwasang may mga malolokong studyante pero kahit naman ganoon ay may mga respeto sila hindi na ko nagtataka dahil halos nasa higher section ang mga handle ko,. Madami kasing mga sections doon ang bawat year.

Malaki at napakalawak ng sakop na lupain ng school na iyon, kuya clark. Dahil pre-school to high school ang mga tinuturuan doon at hindi lang iisa ang section ng bawat baitang. Sa high school nga ang pinaka marami ay 20 sections iyong mga 1st year. Wala pang k-12 noong mga panahong iyan. Malawak din ang field at madaming mga matatandang puno sa buong school.

Nangyari ang nakakakilabot na sapian isang hapon ng byernes. Values education ang subject ko noon sa mismong advising class ni maam edel. Tahimik sa klase ko dahil meron akong activity na ipinagagawa sa kanila, kaya naman nagulantang kami ng mga studyante ko ng bigla bigla ay makarinig kami ng sigawan mula sa katabi naming kwarto. Maam red ano po kayang nangyayari sa kabila? Tanong ng isa sa mga studyante ko. Sinenyasan ko itong tumahimik at nakinig ako ng mataman sa ingay sa kabila. Nag uumpisa ng magbulungan ang mga studyante ko kaya muli ko silang sinaway para tumahimik. Tumayo na din ako para makiusyoso ng makita kong may ilang mga teacher na din ang papunta sa kabilang room. Binilinan ko muna ang klase ko na wag magiingay at tapusin na ang activity dahil pupunta lamang ako saglit sa kabila.

Agad kong tinanong si maam almendras, iyong teacher sa kapit kwarto ko kung ano ang nangyayari. Sabi nito ay may studyante daw na bigla na lamang nangisay sa gitna ng klase. Sabi ko naman e baka epeleptik iyong bata. Pero hindi daw dahil wala naman daw history ng pangingisay iyong studyante, sabi pa ni maam almendras ay kilala daw nito ang batang nangisay dahil mula pre school ay studyante na daw iyon dito. Hindi ko personal na nakita iyong bata dahil saktong labas ko sa room ko ay dinala na ang bata sa clinic.

Nasundan pa ng ilang mga pangingisay ng ibat ibang studyante sa school. Kaya naman lubha na iyong ikinabahala ng may ari. Isang hapon ay maagang ipinadismis ang lahat ng klase, bale half day lang lahat ng mga studyante. Pero pinaiwan sa school ang lahat ng mga teachers, gusto ko nang umuwi din ng mga oras na iyon dahil sa takot, ginamit ko na ngang excuse ang pagiging sub ko pero hindi pa din ako pinauwi. Hindi ko naman nakita ng live ang mga kisayang naganap sa mga bata pero base sa mga naririnig ko sa mga studyante ko at sa usapan ng ilang kapwa ko guro, sinapian daw ang mga studyanteng nangisay. Walang makapagsabi kung ano nga ba ang sumasapi sa mga bata, merong nagsasabing maligno o kapre daw dahil may ilan atang puno na ipinaputol para matayuan ng karagdagang kwarto. Meron ding nagsasabi na demonyo daw. Meron ding kaluluwa daw ng mga hindi matahimik na espirito. Puro "DAW" pero wala akong pakealam sa kung anuman ang katotohanan dahil sa totoo lang, kahit napakahilig ko sa mga kwento at panoorin na katatakutan ay ayokong-ayoko na mai involve doon ng personal. Duwag po akong numero uno.

Iyon mabalik tayo sa mga gurong pinaiwan ng may ari. Nasa hall kaming lahat at may pakain si mayora este ang may ari. Pinag lunch kami lahat ng libre, sa isip koy para naman kaming bibitayin iyon nga lang hindi last supper ang drama namin kundi the last lunch. Iyon nga matapos kumain ang lahat ay muli kaming tinipon wala akong ibang alam sa kung ano ba talaga ang gagawin namin basta ang sabi lang e, ipapabless ang buong school. Pinapila na kaming lahat by two's. Kapartner ko iyong isang magandang teacher na naging close ko na din. Binigyan kami ng tig iisang kandila at pinasindihan sa amin iyon. Dinadaan ko na lamang sa biro ang takot ko. Sabi ko pa kay maam ayla, mukha kaming mag pi fieldtrip o di kaya ay sasama sa prosisyon., pabiro pa nga akong kumanta ng ave, ave, ave maria 🎶🎶. Panay lamang ang hagikgikan namin ni maam ayla. Pero natigil kami ng bigla na lamang bumulagta at nagkikisay iyong isang lalaking teacher na nasa malapit lamang sa amin. Napayapos ako kay maam ayla, hindi para mananching kundi dahil natakot talaga ako. Agad na dinaluhan ng ilang mga guro iyong nangingisay. Tapos maya maya ay nagkagulo na din sa bandang una, dahil pati si maam almendras daw ay bumulagta at nangingisay na din. Madami ang mga lalaking teacher ang mga nag usong sa pagbubuhat sa dalawa para madala sa clinic.

Tapos ng wala na sina maam almendras ay pinagpatuloy na ulet ang pagbe bless. Hindi na ako bumitaw kay maam ayla. Lahat ng classroom at bawat sulok ng school pati mga puno at ang field ay ibliness ng tatlong pari na inusap ng may ari. Saktong 6pm ng matapos ang blessing at mass. Nagpahapunan ang may ari at gabi na talaga kami nakauwi. Good thing sabado kinabukasan.

After na ma bless iyong buong school ay hindi na naulit pa ang pangingisay ng mga studyante. Naging okey na din sina maam almendras at ng tanungin daw e hindi daw nito maalala na possess ito. Nagtaka pa nga daw kung saan nakuha ang malaki niyang bukol sa likod ng ulo. Hanggang sa bumalik na si maam edel at umalis na ako ay wala ng sapiang naganap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot HorrorWhere stories live. Discover now