inaswang nga ba

18 1 0
                                    

July 2007 po ng ma confirm ko na buntis talaga ako. Bale 4 months na po ang tiyan ko noon. Ang totoo po e may hint na talaga ako na buntis nga ako, pero indenial pa po ako. Natatakot po kasi akong umamin sa Lola at Mama ko dahil ex ko na po ang nakabuntis sa akin.

Fast forward po tayo sa kung paanong nalaman sa amin na buntis ako. Maaga po kaming naghapunan ng Lola ko nung gabing iyon. Mga alasais pa lang po siguro.  Pinadalhan po sa akin ni Lola ng niluto niyang ulam sina Mama na kalapit bahay lang po namin. Bale paglabas po ng kusina e kekembot lang po ng mga tatlo at ching! teris na po ng mga Mama ko.

Patay po ang ilaw sa teris ng mga mama ko pero maliwanag pa naman po. Napansin ko agad ang isang may katabaang pusa na kulay itim na nakatayo sa pasimano ng teris. Noong una e simple lamang itong nakatayo pero noong malapit na ako ay bigla itong sumingasing at saka linundag ako nito. Sa gulat at takot ko ay napaupo ako at naihagis ko ang tagayan. Lumanding po sa ibabaw ng tiyan ko ang pusa at umiilaw ang mga mata nito habang nakatingin sa tiyan ko. Naramdaman ko po ang bahagyang pagbaon ng mga kuko nito sa tiyan ko kaya po napasigaw ako.

Agad naman po akong dinaluhan nina Lola, Mama, at Tito na stepfather ko. Hinampas ng tito ang pusa kaya ito ay dalidaling umalis. Inalalayan ako nina mama na makatayo pero nananakit ang balakang ko at para ding biglang nanigas ang tiyan ko. Tapos ay may naramdaman akong mainit na likido na umaagos sa binti ko. Mula sa liwanag ng ilaw na lumalabas sa bukas na pinto nina mama ay nakita kong dugo iyon. Nakita na din nina mama at agad na nagpanic sila. Binuhat ako ng tito hanggang labasan at isinakay sa oner. Isinugod po nila ako sa ospital at doon na nga po nalaman na buntis ako.

Hindi po ako kinikibo at kinakausap nina mama at lola. Tahimik din lang po pati si tito. Alam ko naman po na galit sila, dahil sino ba naman po ang magulang na natuwa sa anak nilang nabuntis ng walang asawa. Pag uwi po namin sa bahay after pong i-assure sa ospital na ligtas na kami pareho ng baby ko ay pinadiretso po agad  ako ni lola sa kwarto ko. May katagalan na din po akong nakahiga sa kama ko ng may marinig po akong sinasaboy parang sa bubong namin. Hinawi ko ang kurtina at Binuksan ko po ang bintana. Nakita ko si tito at mama na may kung anong isinasaboy sa bubong at paligid ng bahay namin. Tinanong ko kung ano iyon. Bawang, asin, at abo daw, pangontra. Hindi ko na inalam kung para saan dahil sa hilig kong manood at magbasa ng horror e alam ko na kung para saan ang mga iyon. Late ko na nga lang narealize na baka aswang iyong itim na pusa na lumundag sa tiyan ko.

Hindi pa doon natapos ang "pang aaswang" sa akin kuya clark. Isang araw  ay ginabi ako ng pag uwi galing sa school dahil may ipinatapos na kung anek anek sa amin iyong isa naming Prof. Tapos ay natagalan pa ako sa paradahan dahil walang tricycle na gustong maghatid sa barangay namin dahil wala na daw silang maisasakay pabalik ng bayan. Mag aalas onse na ng makababa ako ng tricycle at nakita ko ang isang matandang babae na hindi pamilyar sa akin. Nakatayo ito sa may eskinitang dadaanan ko. Hindi ko na ito pinansin at naglakad na nga ako papasok ng matapat ako sa matanda ay bigla itong lumapit sa akin. Saka nagwika ng "Ang bango-bango mo naman, Ineng". Bukod sa nakakatakot nitong itsura ay nakakatakot din ang boses nito parang kaboses ng mga witch na napapanood ko. Paatras akong lumayo sa matanda hindi ko ito hinihiwalayan ng tingin, sa isip ko kasi ay mas madali akong makakalaban kung kita ko ang bawat ikikilos nito. Nasa may kalagitnaan na kami ng eskinita at nakasunod pa rin sa akin ang matanda nakangiti pa nga ito kaya kitang kita ko ang iilang ngipin nitong nangingitim na mamulamula. Mahigpit na ang takot ko noong mga oras na iyon pero hindi naman ako makatakbo sa hindi ko mawaring dahilan pero dahil na rin siguro sa sobrang takot kaya ganoon. Nakaharap pa din ako sa matanda habang humahakbang ako paurong at napatili ako ng may mayapakan ako at bumangga pa ako sa kung ano. Lalo pang lumakas ang tili ko ng may humawak sa magkabilang balikat ko. Pero kusa din akong tumigil sa pagtili ng  makita kong si tito pala iyon kasama si mama. Tinanong nila ako kung bakit daw ba paurong ako maglakad sabi ko ay may matanda kasing sumusunod sa akin. Muli kong hinarap ang matanda pero wala na ito. Nagtaka ako dahil ang bilis naman niyong nawala. Mas nagtaka pa ako ng sinabi ng tito na wala naman daw siyang nakitang kahit na sino sa eskinita bukod sa akin. Hindi ko nalang ipinilit iyong tungkol sa matanda, bagkus ay tinanong ko na lamang sila kung saan sila papunta. Pakalsada daw sila para abangan ako dahil gabi na nga e wala pa ako tapos  hindi man lang daw nila ako makontak. Hapon pa lang kasi ay lowbat na ako. Pagdating sa bahay ay muling sumakit ang tiyan ko.

Fast forward

Hindi na muna ako pinapasok nina mama noong 2nd semester para mas makapagpahinga daw ako. Wala naman na kong naranasang kakaiba hanggang sa isinilang ko na si Venn two days bago ang 20th birthday ko.

One Shot HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon