HA-VE • SIXTY-SIX

608 82 8
                                    


Ellaine

KASALUKUYAN akong naglalakad patungo sa bar, kung nasaan siya ngayong gabi. 'Yung feeling na excited ka sa regalong ibibigay mo sa espesyal na tao. Ang explosion box na punong-puno ng mensahe sa kanya, 'yung confession ko sa kanya.

Ngunit nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Kaba, kakaibang kaba. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip. Paano kung hindi niya 'to tanggapin? Sayang naman ang effort ko.

Hindi ko namamalayang malapit na pala ako sa bar at para bang may nag-uudyok sa aking huwag na lang tumuloy, pero may parte rin na gusto ko. Noong papalapit na ako, may nakita akong isang lalaki at isang babae sa labas ng bar.

Bakit parang pamilyar sa akin ang nangyayari ngayon?

Habang papalapit ako, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko, na hindi ko mawari kung ano ang dahilan nito.

Noong malapit na ako sa kanila, tumambad sa akin si Zander. Si Zander na nakikipaghalikan sa ibang babae. Noon kay Katherine, ngayon naman sa iba at talagang sakto pa talaga sa pagdating ko?

De .

Para tuloy tumigil ang mundo ko at parang unti-unting nadududrog ang aking puso. 'Di ko kayang huminga sa sobrang sakit. Mapapatanong na lamang ako sa aking sariling, totoo ba ito?

Napatingin ako sa babaeng kasama niya at nakatingin din ito sa akin na animong inaasar pa ako sa pamamagitan ng kanyang pag-ngisi.

Sabay tumingin muli ako kay Zander at nagkatitigan kaming dalawa. Kapag sinubukan kong magsalita ay tutulo ang luha ko kaya nananatili itong nakatikom.

Walang ekspresyon ang kanyang mukha na animong binabasa kung anuman ang sinasabi ko sa aking mga mata. For the second time, sinaktan niya ulit ako. Mali. Ako pala ang nananakit sa sarili ko. Ako. Dahil umasa na naman ako.

Kaya ayaw kong magkagusto, dahil sa huli masasaktan na naman ako, dahil sa huli magsisisi ako.

I hate him . . .

Habang nakatitig ako sa kanya bigla naman siyang ngumisi.

Takot. Kaba. Hayun ang naramdaman ko ngayon.

Natakot ako, hindi ko alam ang dahilan, pero tila ang taong nasa harapan ko ay ibang tao at hindi si Zander. Sa sobrang takot at kaba na aking nararamdaman, sumisikip ang dibdib ko.

At . . .

Bigla na lang nagbago ang mukha ni Zander patungo sa patungo masamang nilalang. Si Adamiyn na naka-cap. Hindi man malinaw sa akin ang mukha niya'y kitang kita ko ang pagngisi niya. May isa pa siyang kasama, isang lalaki na hindi rin malinaw sa akin ang mukha at ang babaeng kaninang kasama ni Zander na biglang naglaho.

Lahat sila, hindi malinaw ang mukha kaya naman napaatras ako palikod.

I was shaking right now.

Sinusubukan kong tumakbo, pero hindi ko magawang tumakbo.

Napaiyak na lang muli ako dahil doon. Sino ba sila? Anong kailangan nila sa akin?

"T-Tulong! Tulong!" sigaw ko.

Pero kahit anong sigaw ko, wala pa rin akong magagawa dahil kami lang apat ang narito. Kaya naman napilit ko ang sarili kong tumakbo kung saan man, ngunit tanging dilim lang ang nakikita ko sa paligid at kahit anong takbo ko, hindi pa rin ako makakita ng liwanag at mga taong tutulong sa akin.

Napatigil ako ng saglit at umagos muli ang luha sa aking mga mata. "Zander," tanging naisual ko.

Siya lang ang taong alam kong makakaligtas sa akin ngayon, siya lang ang naiisip kong tao.

Siya lang . . .

"Pssst."

Bigla akong napalingon ako sa taong sumitsit at iyon ay ang taong humahabol sa akin.

N-Naabutan niya ako!

Sinubukan kong tumakbo, pero hindi na ako makatakbo pa. Para bang nag-yelo ang aking mga paa. Bigla na lang nanginig ang mga kamay ko at sumobra pa ang takot na nararamdaman.

"Psst," tawag niya ulit sa akin.

Habang nagsisitsit siya, lapit siya nang lapit sa akin.

Kaya naman pinikit ko na lang ang aking mga mata nang napakariin. Sabay niyon ang pagtigil ng kanyang pagsitsit, matapos niyon ininulat ko muli ang aking mata.

At biglang . . .

"Boom."

Matapos akong magulat ay sinakal ako ni Adamiyn.

Sana . . . sana . . . panaginip na lang ito. Sana . . .

"Ellaine!"

"Ate!!!"

"Hoy! Gising! Gising!"

Napabalikwas ako ng bangon at sabay niyon ang paghawak sa aking dibdib na ngayo'y mabilis na mabilis ang tibok. Ramdam ko ang tagaktak ng aking pawis. Malalim ang aking mga paghinga at nakakaramdam ako ng takot at kaba.

Isa lang talaga siyang panaginip . . . isang masamang panaginip na ayaw ko na ulit mapanaginipan, yeah, it's a nightmare.

Let Me Love You Then [ISWAH PART 2] On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon