HA-VE • SEVENTY-SEVEN

143 42 0
                                    


Ellaine

"ARE YOU sure na okay ka lang, Ellaine?" tanong sa akin ni Jamie while we are in the comfort room. Sinadya kong isama siya rito para sabihin 'yung nangyari sa akin kahapon. Pakiramdam ko ay hindi ko nakakayanin na kimkimin ang lahat-lahat ng nararamdaman ko na ako lamang.

"No, I'm not okay Jamie, and that was the truth behind my smile," I answered and started to weep again. Sa pagkakataong ito hindi ko na mapigilan pang umiyak. "I confessed, but I got rejected."

Napakunot ang noo ni Jamie at pinukulan ako nang may pagdududang mukha. "Ni-reject ka niya?"

I nodded as my answer and compose myself. "But life must go on, kailangan kong maging matatag at huwag ipakita sa kanya na nasasaktan ako."

Tinapik ako ni Jamie sa balikat na kahit papaano ay nababawasan ang sama ng aking kalooban at sinabing, "You're maturing now, Ellaine. Noong una, inamin mo ang totoong nararamdaman sa kanya at noong ni-reject ka niya, you said that life must go on. Hindi ka na gumawa ng eksena."

Ngumiti ako kay Jamie at sinabing, "No, Jamie. I'm still immature." Iyon ang totoo, I know to myself that I'm still immature because deep in my heart, I can't accept the fact that I got rejected after what I've done.

"Fine! If you insist!" sabi ni Jamie.

I am still immature because I can't handle my feelings on my own. To the point that I blamed Zander for not liking me.

I'm still immature . . .

Um-attend ako sa meeting ng music club dahil mahalaga raw na um-attend kami, said Ma'am Janine. I am wondering, what will be the meeting all about.

“You need to perform a song duet with your partner after niyon, I'll be choosing the ones who will perform."

I gulp three times and looked at Zander, he's currently listening to our instructor while I feel the awkwardness between the two of us. Since we are partners, I have no choice but to go with this, kahit may part sa akin na masakit.

“I will give you ten minutes to prepare, after that wala ng mag-uusap.”

Pagkatapos mag-discuss ni Ma'am Janine, nag-isip na ako ng kantang maari naming kantahin mamaya. Napatingin ako kay Zander na nakatitig sa akin na animong binabasa anumang nilalaman ng pag iisip ko.

“Bakit?” I asked trying not to cry in front of him.

Umiling siya at sabay diretsong nakatingin sa akin.

When we have a song to sing, we started to practice. Napaka-awkward talaga ng ganitong set-up. Tapos parang wala lang sa kanya 'yung nangyari kahapon, I felt annoyed, masyado talaga siyang manhid.

When it is our turn, saka kami pumuntang unahan at nag-start siyang kumumpas ng gitara. I started to sing first before him.

"'Wag ka lang bumitaw, ayoko maiwan sa kawalan." he sung.

This song feels resembles us. Gusto kong maiyak dahil doon but I try not. I will lose my momentum to sing.

"'Di lubos matanaw,
Mas kaya ko pang ipagsapilitan,
Na isipin kong tama ang alam kong mali,
Ibigin lang sana,
Kahit kunwari."

After niyon, biglang nagpaalam si Zander kay Ma'am Janine while grabbing his phone. Napakunot naman ang aking noo because of that. Baka may nangyaring hindi maganda.

"Since ikaw ang nandito . . . " Pinukulan ako ng tingin ni Ma'am Janine. “Kayo ang napili kong magpeperform sa event bukas.”

“Eh? Talaga po?” tanong ko.

“Oo, I think si Zander ay kasali din sa sayaw, so paano ‘yan? Ikaw sana ang isasali ko at si Zander.”

“Opo, pipilitin ko po siya,” I assured.

Dati ay nahihiya akong ipakita ang pagkanta ko sa harap ng maraming tao, pero ngayon ay nag-boost na ang confidence ko kaya tatanggapin ko ‘yon.

“Okay, meeting dismissed na,” sabi ni Ma'am saka niya inayos ang gamit niya at lumapit sa akin. “Aasahan ko kayo ah.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon, umalis na siya at gayon din ako.

PAGKATAPOS ng klase ay kaagad akong umalis, bago umalis ay nagpaalam muna ako sa aking mga kaibigan.

Ayaw kong makita nila akong lubos na nasasaktan dahil makakahalata sila sa kung bakit ako ganito.

Pagkalabas ko, nakita ko si MJ na nakaabang para sa akin. Nalaman kong inaabangan niya ako nang kumaway ito sa akin. Lumapit naman ako sa kanya at ngumiti. "Ano iyon?" tanong ko.

"Can I go out with you for the last time? I-grab mo na ito! Please!" sabi ni MJ. Isa pa itong makulit na ito, sadyang kahit anong reject ko sa kanya, hindi na siya natatablan ng sakit.

Napataas ang kilay ko dahil sa alok niya. "I am not in a mood."

"Then we will boost your mood! Let's go!"

Hinigit ako ni MJ sa malapit na kwek-kwekan. Parang ayaw ko nang umalis because of of this. Hindi ko naman mahindian ang pagkain dahil masamang tumatanggi sa blessing.

"Tutulungan kita, Ellaine na pagselosin si Zander," sabi ni MJ at ngumiti. Napataas naman ang kilay ko nang dahil doon. How did he know? "Jamie ordered me to do this."

"Napaka-immature ng ganito MJ, ayaw kong gawin ito," sabi ko at magtatangka na sana akong tumayo ngunit hinigit ako nito pabalik. "Ano?"

"Please? Just this time," sabi ni MJ. "And please, sumakay ka na rito! Alam kong napaka-immature nito, pero gusto kong makatulong sa pamamagitan nito. Making him jealous will urge him to . . ."

I frowned and said, "Urge what?"

"Wala! Wala!" sabi ni MJ sabay bigla nitong ikinipit ang aking buhok sa aking tainga. "You're beautiful Ellaine," sabi ni MJ. "You don't deserve to be hurt."

Sinenyasan niya akong sumakay kaya naman sumakay na ako dahil nga sobrang kulit ni MJ. "Thank you. At least you appreciate me."

After kong sabihin iyon nakita ko si Zander sa malayo na nakaawang ang bibig na para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya. He said, he is not interested in me, but why? Why is he acting as if he cares?

Nagtama ang aming mata at bigla niya akong sinamaan ng tingin. Napatayo naman ako at tinawag siya, "Zander!"

Kaagad ko siyang hinabol para sabihin sa kaniya ang totoo. I am not that person he think of.

Sa kahahabol ko sa kanya, hindi ko na alam kung siya nagtungo at napapunta na ako sa pinaka-ayaw kong ruta.

Biglang bumalik ang trauma ko noong mga panahon na iyon. I felt scared and only Zander who always stays on my side, to conquer my fears. Nasaan na kasi siya? "Z-Zander . . ."

Maya-maya ay bigla akong nakaamoy ng pamilyar na pabango, a neat, mysterious, and attractive smell. I looked at this person, and he is the one who stands behind me. "Sino ka?"

Let Me Love You Then [ISWAH PART 2] On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon