HA-VE • SEVENTY-EIGHT

175 43 2
                                    


Ellaine

"SINO ka?"

Kumurap-kurap ang aking mata para maaninagan ang kanyang mukha. Kapansin-pansin ang hubog ng kaniyang katawan na talagang pamilyado sa akin. Kilala ko ang taong nasa harapan ko. Hindi ako nagkakamali dahil siya ang taong iyon.

"Ikaw si Knight in Shining Armor?"

Hindi siya kumibo, sa halip ay tiningnan niya lamang ako ng makahulugang tingin. Lumalakas ang tibok ng aking puso dahil sa makahulugang tingin niyang iyon. "Ikaw ba talaga 'yan?"

Hindi ako makapaniwalang siya ang taong nasa likod ng maskara ni Knight in Shining Armor. Kaya pala, pakiramdam ko ay kilala niya ako noong una pa lang.

But he did hurt me, many times. Kung siya pala ang taong hinahanap ko nang matagal, ganoon na lamang na siya ang taong nanakit sa aking puso. I don't think that I can able to face him right now.

Sinikap kong huwag tumulo ang aking luha sa tuwing naalala ko ang salitang namutawi sa kaniyang bibig. Naguguluhan na ako ngayon.

I suddenly felt that I need to run away from him. Kaya naman napatakbo ako palayo sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko.

Maya-maya ay biglang nag-vibrate ang aking phone dahilan para mapatigil akong tumakbo. Sabay sinagot ko ito at narinig ko ang kanyang boses.

"Don't worry I will not hurt you, I will never leave you hanging on, just believe in me and trust me. I will do anything just to give me a chance to love you. I love you, honey, I do and this is very true."

Napalingon ako at nagwika siya. "Can I love you?"

Napaatras ako ng lakad. "Sinaktan mo ako dahil sinabi mong hindi ka interesado."

"Why are you staying away from me?"

"Dahil masasaktan lamang ako sa 'yo!"

"I love you."

"No, you don't love me," sabi ko sa kanya. Umabot ba sa sukdulan ang aking emosyon. "Naaawa ka lamang sa 'kin. Kaya nga hindi ako umaamin sa 'yo noon, dahil natatakot ako sa rejection. But you rejected me! Kaya awa lang ang nararamdaman mo sa akin, Zander. Naaawa ka lang."

Napatalikod muli ako dahil ang hirap niyang harapin. Baka rin tumulo muli ang luha ko habang nakatingin ako sa kanya.

"I love you," sabi nito saka niya hinawakan ang balikat ko. "Paulit-ulit kitang mamahalin, mula noon hanggang ngayon, Ellaine. Sampung taon na ang nakaraan, pero mahal pa rin kita."

Napalingon ako muli ako sa kanya at tinanong sa aking isipan na . . . Nasa harapan ko na ba talaga ang taong hinahanap ko?

"Natatakot ako na baka hindi totoo ang nararamdaman mo sa akin. Ano ba naman ang mapapala ko kung masasaktan lang ako sa pagmamahal mo? Wala naman 'di ba? Sakit lang ang madudulot niyan sa akin! Kaya kita nilalayuan para hindi na kita magustuhan, pero pilit kang lumalapit sa akin!" buong tapang na sinambit ko ang lahat ng aking nararamdaman. "Madami ang masasaktan, dahil sa pagmamahal mong 'yan, Zander. Hindi ka ba nakakaramdam?"

"I love you."

"Ano ba ang alam mo sa love?"

"I love you."

"Hinanap kita sa Batangas at nagbabakasakaling nandoon ka, pero hindi kita nakita! Sinabi mong hahanapin mo ako, pero bakit sampung taon ang nakakalipas hindi mo man lang ako hinanap!"

Let Me Love You Then [ISWAH PART 2] On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon