Part 8

13 1 0
                                    

"This place has over 700 steps. Sigurado ka bang kakayanin mong akyatin yan?" tanong niya sa lalaki ng makarating na sila sa huli nilang destinasyon para sa araw na iyon. Alas-singko na ng hapon at ang Mt. Tapyas ang pinaka-magandang lugar upang masilayan ang paglubog ng araw.

"Hindi ako baldado," iyon ang sagot ng lalaki na lubhang nagpatawa sa kaniya ng husto.

"Sigurado ka ha? Walang sukuan to. Kailangan nating marating yung tuktok kahit anong mangyari. Wag kang magrereklamo kapa---"

Naputol na ang sasabihin niya nang magsimula na itong humakbang paakyat ng hagdan.

"Hoy! Sandali, intayin mo ako."

Nagsimula na silang tahakin ang pagkataas-taas at pagkatarik-tarik na mga hagdanan. Habang nasa daan ay panay ang kuwento niya samantalang ang lalaki ay minsan lang kung sumagot at magkomento.

Hindi ganito ang Max na kilala niya noon. Masigla ito, kwela rin at makwento. Ngunit ngayon ay hindi lang ito tahimik, lagi ring malayo ang tingin. Parang parating may malalim na iniisip.

Siguro ay iniisip na naman nito ang babaeng iyon.

Hindi niya ito masisisi kung gayon.

Ilang araw pa lamang ang nakakalipas mula ng mangyari iyon. Hanga nga siya sa lalaki dahil nakakatayo at nakakahinga pa ito. Kung sa kaniya iyon nangyari ay baka matagal na siyang nagbigti.

"S-sandali Max," pigil niya sa lalaki. Nasa kalahatian pa lamang sila ngunit nararamdaman niya na ang hapo at pananakit ng mga tuhod niya. Kinakapos na rin siya sa paghinga at tagaktak na ang pawis sa buong mukha niya.

"Give me a second please. I think I'm gonna die."

Umupo siya sa bench na nasa tabi ng hagdan. May mangilan-ngilang bench sa gilid ng mga hagdan at bawat isang madaanan nila ay parang tinatawag siya upang magpahinga at matagal bago siya muling makatayo.

"Just a second more please. Hindi ko na kaya," pakiusap niya sa lalaki at nagpatuloy sa pamamahinga. Hindi ito nagreklamo at bagkus ay tinabihan siya sa pag-upo. Kung ito ang kakilala niyang Max noon ay tiyak na aasarin at pagtatawanan siya nito dahil siya pa ang unang napagod matapos niyang sabahin ang mga litanya niya kanina.

Ngunit hindi na nga ito ang dating Maximo.

Wala na itong ganang makipag-asaran.

"My god, this is killing me. Ilang steps pa ba bago tayo makarating sa tuktok?"

"724 steps ang kabuuan at naka 356 steps na tayo. 50.52% pa lang to ng bundok at may natitira pa tayong 368 steps."

"Wow! At talagang binilang mo yun? In fairness naman sayo, magaling ka pa rin sa computation. Hindi pumupurol ang utak mo."

Naalala niya pa, parehas nilang paborito ang subject na math noong nasa high school pa sila at nagsimula nga silang maging close noong napili silang lumaban para sa math quiz bee ng school nila. Sa sobrang kagustuhan nila sa math at dahil na rin sa may kaunting talento sila sa pagguhit ay pinlano nilang kumuha ng kursong architecture. Ngunit hindi niya nasunod ang pangarap nilang ito. Hindi kaya ng mga magulang niya na paaralin siya ng ganoong kurso at kahit na nakakuha siya ng scholarship ay mahirap pa rin ito para sa kanila dahil nasa kolehiyo na rin ang ate niya.

Sa bandang huli ay nag-accountancy siya, katulad ng sa ate niya at ang lalaki naman ay nagpatuloy sa kursong iyon. Ngayon nga ay isa na itong matagumpay na arkitekto sa lugar nila. Hindi niya lang ito na-congratulate noong nakapasa ito at maging isang lisensyadong arkitekto sapagkat nagsimula na nga siya noong iwasan ito.

Always Always a FriendWhere stories live. Discover now