Part 10

12 1 0
                                    

Nilagok nito ng tuluyan ang boteng hawak at napatayo siya upang pigilan ito.

"Mahaba pa ang araw. Bakit ka ba nagmamadaling ubusin yan?" wika niya habang pilit na ibinababa ang bote mula sa kamay nito. Nagtagumpay siyang ilapag iyon sa mesa at muli siyang naupo sa pwesto niya.

"Hindi ka naman iiwan ng mga alak mo. Wag kang masyadong magmadali," wika niya.

"Hindi rin naman ako nagmadali sa aming dalawa."

"Ha?" nagtaas siya ng noo at tiningnan ang lalaki. Hindi salubong ang mga kilay nito ngunit mababakas niya ang galit at lungkot sa tinig nito.

"Nagplano kami. Hindi kami nagmadali."

"A-ano? S-sino?" takang tanong niya rito.

"Pero iniwan niya pa rin ako sa bandang huli para sa ibang lalaki."

"Oh," she realized what he is talking about. Hinayaan niya na muna itong maglabas ng sama ng loob at nanahimik siya sa harap nito habang hawak-hawak ang hindi pa rin bukas na bote ng beer.

"Halos dalawang taon rin kami ni Eunice bago namin napagpasyahang magpakasal. Sobrang saya niya ng inaya ko siya ng kasal. Medyo kinabahan pa nga ako nun dahil akala ko ay tatanggi siya pero...pero pumayag siya," tumungga ito at nagpatuloy sa pagkukwento.

"Mabait siya, maalaga at maunawain. Naging tapat ako sa kaniya at minahal ko siya ng buong-buo kaya wala akong makitang dahilan kung bakit niya ako iniwan."

Dahil sa mga narinig ay pinili niya na ring buksan ang bote at tunggain ang laman niyon. Mapait at hindi niya nagustuhan ang pagguhit niyon sa kaniyang lalamunan. Habang naririnig ang lalaki na ikinukwento ang babaeng iniibig nito ay may kung anong kumikirot sa puso niya. Maliit lamang iyon ngunit pino ang sakit na ginagawa sa kalooban niya.

She felt like she's being choked with every word he's saying.

"Kung minsan naiisip ko, baka kasalanan ko rin kung bakit niya ako iniwan. Pero hindi ko lang talaga malaman kung ano iyon."

"You shouldn't blame yourself. Kahit ano pang nagawa mo ay hindi niya dapat yun ginawa sayo."

"Hindi ko siya masisi. Kilala ko si Eunice, hindi siya ang tipo ng tao na kakayaning mang-iiwan ng walang dahilan."

"Pero nagawa niya na," sabi niya sa medyo mataas na tinig.

Nagulat ang lalaki sa pagtataas niya ng boses kaya tumingin ito sa kaniya.

"I'm sorry," hinging-paumanhin niya rito.

Naging tahimik silang dalawa matapos ang usapang iyon. Hindi na muling nagsalita pa ang lalaki at siya naman ay ganun din. Nakakatatlong bote na ito ngunit siya ay ni hindi pa nangangalahati sa unang boteng kinuha niya.

Akala niya ay magtutuluy-tuloy ang katahimikang iyon subalit nag-ring ang telepono niya na ipinagpasalamat niya.

Hindi iyon local call kundi mula sa ibang bansa ang tumatawag.

"Hello," wika ng isang pamilyar na tinig mula sa kabilang linya.

"Hi, is this Mr. Clarke?" tanong niya. Nahuhulaan niya kasing ito ang financial director sa bangkong pinagtatrabahuhan niya bukod doon ay malapit niya rin itong kaibigan. Half- filipino ang lalaki kaya mabilis silang nakapagpalagayan ng loob.

"Yeah."

"Oh my god! Why are you calling? Is my vacation too long? Or is there something going on in the bank? Should I go back---"

"Hey, hey, hey. Easy lady. I just called to ask if you're doing great in the Philippines."

Nakahinga siya ng maluwag ng marinig iyon.

Always Always a FriendWhere stories live. Discover now