Part 22

9 3 0
                                    

Madilim na sa labas nang ihatid niya ang lalaki sa kanilang gate.

"It's a good thing you brought a car. Where did you get that?" tanong niya sa lalaki.

"From my uncle. I told him I'm gonna visit a friend. When he heard that, he became curious about that friend and he asked me to bring you to Lily's wedding."

"What? That's a family gathering. I can't possibly be there."

"Come on, don't give me that line. You know you're more than a family to me."

Ngumiti siya sa sinabi ng lalaki.

"I had a great time tonight. You're family is amazing."

"Alam ko. Kaya lang minsan ay may sayad."

Tumawa ito ng mahina.

"What are your plans for your stay here?"

"Why? You wanna join me?" balik-tanong nito.

"Well, let me hear it first. I know you're such an adventurer. I may not be able to keep pace with you."

"Nothing really dangerous. You'll love it."

"What is it?"

"Tandem skydiving, perhaps?"

"Woah!" napahawak siya sa kaniyang dibdib. Extreme kung extreme talaga ang trip ng lalaking ito.

"I'm not yet ready to die. I've got so much things to do."

"Like what? Have you told him yet?"

"No."

He shook his head in dismay.

"Why?" tanong nito.

"Tomorrow, sasamahan kita kahit saan wag lang basta skydiving," pag-iiba niya ng usapan.

"Kristin. Why are you changing the topic?"

"What will you do tomorrow?"

"I'll pick you up," sagot nito at pumasok na sa sasakyan.

"Ingat sa pagda-drive," sabi niya at sumungaw sa bintana nito.

"I will," tugon nito at hinalikan siya sa noo.

"You have a good night," sabi nito at binuhay na ang makina ng sasakyan. Pinagmasdan niya ang papalayo nitong kotse hanggang sa mawala na ang ilaw ng tail lights nito sa kaniyang paningin.

"Ate Kristin!" tawag sa kaniya ni Shielo mula sa loob ng bahay.

"Ano?"

"Tumawag si Max sa phone mo."

"Ha?"

Dali-dali siyang pumasok sa bahay at inabot ang phone na hawak-hawak ng kapatid.

"Hello," sabi niya ngunit wala siyang narinig na boses mula sa kabilang linya.

"Hello," ulit niya.

"Missed call na" sabi ni Shielo.

Nang tingnan niya ang screen ay wala na ngang tumatawag.

"Oh bakit hindi mo ulit tawagan?" tanong nito nang ipasok niya ang phone sa bulsa.

"Wala akong load," palusot niya.

"Eh? Ako may load, gusto mo?"

"Wag na."

"Weird," komento nito.

Nginusuan niya lang ito at pumasok na ng kuwarto.

"Sigurado ka bang kaibigan lang ang tingin mo sa kaniya?" tanong ng ate niya nang makapasok siya sa loob ng kuwarto nila.

Always Always a FriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora