Chapter 1

3 0 0
                                    

How many years does the people live in this world? 

No one knows.

All we know and it teach us generation by generation, we need to cherish every moment that we have in this world.

Especially if we are running out of time.


Sarah

Year 2018

"No way!"

"Yes way. Totoo talagang pupunta tayo sa concert ng Boyzone!!!!!!!!!!!!!!!!" tili ng kaibigan kong si Jess

"OOOOOOOMMMMMMMGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!"

Walang kaming tigil sa kakatili dahil talagang excited kaming makita ang idol namin na boyzone.

"My gosh! Hindi na ako makapaghintay! Thank you at kinuhanan mo rin ako. Pero teka bakit apat yang ticket mo? Eh dalawa lang naman tayong manonood."

"Bakit? Kayo lang ba ang fan ng Boyzone?"

Napalingon ako sa nagsalita. At yun, ang pinakagwapo at napaka-understanding kong boyfriend.

"Gray! Teka, bakit ka napadpad sa school namin? Akala ko ba ay may thesis kang tinatapos?" 

"Well.... masama bang bisitahin ang girlfriend ko?"

Tinignan ko siya na may hinala. "Wag mong sabihin na ikaw ang gumastos nitong mga ticket na 'to? Umamin ka. Talagang kukurutin kita kapag nagsinungaling ka?"

"Um, oo --- t-teka. Hindi naman lahat. Hati naman kami ni Karlo sa mga yan."

"At talagang gumastos pa kayo? At kumusta ang mga thesis niyo?"

"M-malapit naman yung matapos. Sorry na, hon." niyakap naman niya ako para lambingin.

"Ang ayoko lang ay yung mas uunahin yung mga bagay na hindi naman masyadong importante. You know how much I wanted what's better for you. At ayoko ring kinakawawa mo si tita. Hindi kaya madaling magturo no. Baka akala mo."

"Sorry na nga. Tsaka, inipon ko naman yung iba. G-gusto ko lang naman na makadate ang pinakakamahal ko sa concert ng paborito niyang banda."

"Hindi na talaga kita kakausapin kapag naulit pa ang ganito. Bakit nga pala napaaga ang pagdating mo dito? Tumakas ka ba sa klase mo?"

"Hindi, hon. Promise, mabaog pa si Karlo."

"Hoy! Wag mo akong idamay sa pagiging supot mo." banat naman ni Karlo.

"Yuck! Wag nga kayong magsalita ng ganyan. So gross!" maarteng tugon naman ni Jess.

"So gross..." panggagaya ni Karlo kay Jess.

"Ano bang problema mo sa akin ha?"

Naku, mukhang magsisimula na namang maggera ang dalawa. 

"Oo may problema ako sayo. Kailan mo kasi ako papayagang manligaw sayo?"

"H-He! A-Anong ligaw na sinasabi mo. Hindi mangyayari yun. Hindi kita type. Diyan ka na nga. Sarah, Gray mauuna na ako." paalam niya sabay irap kay Karlo saka umalis.

"Tol, una na ako. Sasabayan ko lang yung masungit na yun." paalam rin ni Karlo.

"Bilib din ako sa kaibigan mong yan ha. Mukhang wala sa bokabularyo niya ang sumuko." nakomento ko.

Ezekiel's Journey Book 2 of DestinyWhere stories live. Discover now