Chapter 2

4 0 0
                                    

Gray

"Okay, that's a wrap people. Good job for today. Have a good weekend everyone. O, Gray. Sama ka ba sa'min? Dadaan kami sa bar ni Chris." tanong ni Josh.

"Hindi na muna. I need to finish this dahil may gagawin ako this weekend." 

"Hmm, let me guess. You are going there and you will secluded yourself throughout the weekend. I know you Gray. Akala mo ba hindi ko alam ang ginagawa mo tuwing 16th of every month?"

"Tantanan mo ako, Josh."

"Pare naman. Ngayon lang naman 'to. Mag-enjoy ka naman kahit minsan."

"Hindi pag-eenjoy ang sirain ang atay every weekend." bara ko sa kanya ng hindi nakatingin sa kanya.

"Grabe ka naman sa every weekend mo. Bakit? Ikaw ba hindi? Sus! Alam ko sinisira mo rin naman ang atay mo, gusto mo lang mapag-isa."

"Just go, Josh. Hindi mo ako mapapasama."

"Malala ka na. Sige, una na ako. Tumawag ka kung hindi mo na kaya."

"Ang drama mo talaga. Umalis ka na nga. Hindi ako nakakapagsulat dito dahil ang daldal mo."

"Nag-aalala lang naman ako. Bukod kay Carlo, ako na nag naging kaibigan mo dito. Kaya umayos ka. Alis na ako."

Tinignan ko ang pag-alis nito at napailing nalang ako. Mag-aalas nuebe na nang matapos ko ang sinusulat ko saka ko in-email kay Jessica. Editor-in-chief namin. Nang makalabas ako sa building ay may mga tao pang naglalakad. Magne-new year na kasi kaya marami-rami pa rin ang nasa daan.

Nang makarating ako sa bahay ko ay agad kong binuhay ang gramophone at pinatugtog ko ang The Scientist ng Cold Play. Naupo ako sa sofa at isinandal ko ang ulo ko sa sandalan at napapikit. Napakalungkot ng kanta. Gaya ng malungkot kong buhay.

Successful akong tao pero hindi ako masaya. Nawala ang sa akin ang pinaglalaan ko ng lahat ng pinaghirapan ko. Tama si Josh. I secluded myself from everyone and drown myself with alcohol whenever I'm alone. 

Well, tama naman talaga ang sabi nila na nakakatulong talaga ang alcohol para naman maibsan kahit sandali ang sakit na nararamdaman mo. Ito lang ang talaga ang tanging paraan upang hindi ka na masakatan.

"Wow, meron pa palang ganito. Ang astig nito."

Napamulat naman ako at tumingin sa pinanggalingan ng boses. Bigla naman akong napatayo saka pumunta sa may gilid pero nabangga ko pa ang center table ko at single sofa na ikinatumba ko. Nang nasa gilid na ako ay naghanap ako ng maipokpok ko sa lalaking nakaputi malapit sa gramophone.

"S-sino ka? P-papano ka nakapasok sa bahay ko." itinutok ko sa kanya ang payong na aking naabot kanina. Anong gagawin ko? Malayo pa naman ang cellphone ko sa akin.

"Chill, bro. Harmless ako. At hindi ako magnanakaw na gaya ng inisip mo ngayon."

"B-bakit naman ako maniniwala sayo. My house is far from the other houses. So bakit kita pagkakatiwalaan?"

"Oo nga pala. Bakit ang layo ng bahay mo sa iba? As in literally na nag-iisa ka talaga dahil ang layo mo sa iba. Pero na-amaze talaga sa gramophone mo. Mahal siguro ang bili mo nito."

"Kunin mo na lahat wag lang yan. Bigay yan sa akin ng fiancee ko." nanginginig kong sagot.

"Naku! Hindi nga ako magnanakaw. Pwede bang ibaba mo na yan. Ay, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Ezekiel. Your spiritual guide. At your service." pagpapakilala niya sabay yumuko.

"Spiritual guide? Niloloko mo ba ako?"

"Hay. I think I need to do this."

Humarap naman siya dingding at bigla nalang nawala siya ng naglakad siya doon. Bigla naman akong kinabahan. Impossible namang may multo dito. Matagal na akong nakatira dito. Lumapit naman ako sa sofa saka dali-daling kinuha ang cellphone ko at hinanap ang numero ni Josh.

Nabitawan ko naman ito nang tumunog ulit ang gramaphone na kinalingon ko at nandoon na naman siya. Napaatras naman ako.

"S-sino ko ba? A-anong kailangan mo sa akin? May nagawa ba akong kasalanan sayo at minumulto mo ako." matapang kong tanong sa kanya.

"Hay!" hinilot niya ang noo niya saka napailing. "Parang may naalala akong ganitong senaryo noon. Bakit ba ako tinatawag na multo? Hindi naman ako multo. Mukha ba akong nakakatakot, bro. I'm a spirit not a ghost. Sa gwapo kong 'to. Naku. Nakaka-offend ka na ha."

Okay. This is weird and he is weird. 

"Anywho, anyhow. May appointment pa pala ako. I'll see you tomorrow morning. Magba-bonding tayo bukas. Don't worry. I'll become a real person tomorrow para naman hindi ka parang baliw na nagsasalita mag-habang naglalakad tayo sa daan."

I look at him weirdly. What the heck is happening? Am I drunk?

"Hay! Basta bukas ha. At wala kang takas. Kahit saan ka pang lupalop magtago, mahahanap kita. So, have a good night sleep, bro. Sayonara!"

Nawala naman ito bigla at ginawa ko lang ang tumanganga sa nangyari kanina. Makakatulog pa ba kaya ako nito? Hay! Ano bang nangyayari sa buhay ko?



Ezekiel's Journey Book 2 of DestinyWhere stories live. Discover now