Prologue

8.3K 98 2
                                    

"Just in case you don't know, archery is about hitting your target using an arrow and a bow. Kaya kung puwede lang tamaan mo naman sana 'yang inaasinta mo," paliwanag ni Zack.

Kanina pa napipikon si Clint.

Nagpapaturo si Clint ng archery kay Zack. Kababata si Zack ng kapatid niyang si Acky. The two were actually like Apollo and Artemis, especially on that field. Ngunit imbes na payuhan si Clint ay pulos pagyayabang lang ang narinig ni Clint mula kay Zack.

Hindi kasalanan ni Clint kung sumasablay man siya sa pag-asinta. Baguhan si Clint sa larong archery pero hindi siya tanga. At kahit pa sabihing baguhan si Clint sa laro ay hindi na kailangan pang ipamukha iyon ni Zack sa kanya.

"Try it again. This time, concentrate," utos ni Zack.

Kung wala lang lakad si Acky nang araw na iyon ay si Acky sana ang kasama ni Clint. Nasa Bow and Arrow sila—isang archery club na kilala sa bansa. Si Acky ang humikayat kay Clint na maging miyembro ng nasabing club upang makakilala si Clint ng mga taong maaari niyang makasosyo sa eskuwelahang ipapatayo nila ng kanyang ama.

Hindi siya tulad nina Acky at Zack na kolehiyo pa lang ay miyembro na ng Bow and Arrow. Naroroon lamang si Clint dahil bukod sa mga taong posible niyang makilala at makasosyo ay napilitan na rin siyang pumunta roon para makapag-unwind kahit paano.

Walang problema si Clint sa kanyang trabaho. Sunod-sunod ang kliyente ng architectural firm na pinagtatrabahuhan ni Clint. Ang tanging pinoproblema lang niya ay si Elise.

Magkaibigan sina Clint at Elise noong nasa kolehiyo pa sila ngunit nagkahiwalay sila na may samaan ng loob. Kung hindi pa nakita ni Clint na nakikipagtawanan sa ibang lalaki si Elise ay hindi pa niya malalaman na mahal na pala niya ang babae. Pero hindi pa niya magawang makipagkita sa babae at aminin ang nararamdaman niya para dito. Naniniwala siyang may tamang panahon para doon.

Ngunit sa patuloy na pagmimintis ni Clint sa larong iyon ay nauubos lang ang kanyang pasensiya at nadadagdagan lang ang kanyang inis. Mas pinili niyang manahimik na lang at ihanda ang sarili sa panibagong insulto na maririnig niya mula kay Zack.

Zack was about to say something to Clint when a girl with black, short, straight hair, wearing sunglasses and a biker's outfit, passed near them. Clint couldn't help but notice and be amazed by how love hit Zack in a split-second. Hindi nito nagawang alisin ang tingin sa babaeng kadaraan lang.

Looks like it's my turn to teach him a lesson, Clint thought as he saw Zack run after the girl who caught his attention.

Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now