Chapter Six

2.5K 49 0
                                    

Several years ago...

MATAGAL nang naririnig ni Acky na siya ang pinag-uusapan ng mga kaklase niyang lalaki. Wala pa ang professor nila sa minor subject na iyon kung saan iba't ibang estudyante mula sa iba't ibang kurso ang magkakasama. Karamihan sa mga kaklase ni Acky ay hindi niya kilala. Ayos lang iyon sa kanya dahil hindi rin siya masyadong umiimik kapag kinakausap siya ng ibang tao. Pero nang dumating si Zack sa kuwarto ay nagpatulong agad ang mga kaklase niyang lalaki kay Zack.

"What do you want me to tell her?" nagtatakang tanong ni Zack na para bang wala siya roon.

"Ipakilala mo naman kami sa kanya. Magkababata kayo, 'di ba?" sagot ng isa sa mga kaklase ni Acky.

Akala yata ng mga ito ay hindi siya nakakaintindi at nakakapagsalita ng Tagalog. Hindi alam ng mga ito na naiintindihan ni Acky kung ano ang nais ng kanyang mga kaklase. Nais siyang kausapin ng mga lalaki dahil interesado ang mga ito sa kanya. Hindi man narinig ni Acky ang buong pinag-uusapan ng mga kaklase niya ay halata iyon sa mga kilos ng mga ito. Tila nahihiya na kinikilig ang mga ito habang nakatingin kay Acky.

"Why don't you guys talk to her?" tanong ni Zack sa mga lalaki.

"Nahihiya nga kami, eh. Bihira lang naman kasi siyang makipag-usap sa ibang kaklase natin, kaya sige na ipakilala mo na muna kami sa kanya."

"Why don't you talk to them?" tanong ni Zack kay Acky.

"'Not in the mood," walang ganang pagdadahilan ni Acky, saka nag-iwas ng tingin.

Nang biglang humalakhak si Zack ay napatingin silang lahat dito. He obviously understood the situation. Alam nitong may topak si Acky. Binansagan si Acky ni Zack na "Topaking Acky" at alam na iyon ng ibang kaklase ni Acky. Pero wala siyang pakialam. Ang gusto lang ni Acky ay ang mapag-isa.

Sa dami ng mga lihim na natuklasan ni Acky sa pamilya niya ay nahirapan siyang tanggapin iyon lahat nang sabay-sabay. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magalit sa mga nalaman niya. At dahil wala siyang mapagsabihan noon bukod kay Zack ay mas pinili na rin ni Acky na maging mapag-isa. Pakiramdam din ni Acky ay masyado na siyang dependent kay Zack. Naiintindihan siya ni Zack kaya may ilang araw din na hindi sila gaanong nag-uusap o nagkikita. Bukod doon ay magkaiba rin ang kurso nila. Pero mukhang mas marami nang nakasundo si Zack kaysa kay Acky. Nagagawa na kasi nitong biruin ang mga kaklase nila at ganoon din ang mga ito kay Zack.

Inakbayan ni Zack ang isang kaklase nilang lalaki at bahagya pang niyugyog iyon. "Pare, nakakaintindi ng Tagalog 'yan," sabi ni Zack sa mga kaklase nila kaya gulat na gulat ang mga ito.

Inis na inis si Acky sa pambubuko ni Zack sa kanya. Dahil doon kaya may ilan ng nakikipag-usap sa kanya at may mangilan-ngilan na rin na nakikipagkilala kay Acky. Hindi kinibo ni Acky si Zack hanggang sa matiyempuhan siya nitong mag-isa na nakaupo sa isang bench.

"Galit ka?"

Wala sa tono at hitsura ni Zack na nagsisisi ito sa ginawa nito. Nakangiti si Zack at bale-walang umupo sa tabi ni Acky. Wala siyang nagawa kundi tingnan si Zack nang masama.

"What? Ba't ba ang sungit mo?" natatawang tanong ni Zack kay Acky. "Ikaw rin, 'pag ipinagpatuloy mo 'yan wala kang masyadong magiging kaibigan."

"I'm not a child anymore," naiinis na sagot ni Acky.

"Well then, stop acting like one."

Inirapan niya si Zack. "Bakit ang galing mo nang managalog ngayon?" tanong na lang niya para maiba ang paksa nila.

"Marami kasing nagtuturo sa 'kin, eh," nakangising sagot ni Zack kaya naunawaan ni Acky kung sino-sino ang mga tinutukoy ni Zack na tumulong dito. It was obvious anyway. The girls in their school would be more than willing to teach him everything he wanted to know about Filipino culture.

Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now