Chapter Five

2.4K 55 0
                                    

Kung hindi lang kilala ni Acky ang mga kasama niya at kung hindi lang din kilala ng mga ito si Danny ay hindi magpapaliwanag si Acky tungkol sa sinabi ni Zack.

Kaibigan ni Ate Elise si Danny at minsan nang nagpanggap ang dalawa na magpapakasal na para maitago ang kasarian ni Danny na noon ay inililihim ng dalawa. Pero kinakailangang "maghiwalay" ng dalawa dahil sa Kuya Clint niya na mapapangasawa ni Ate Elise.

Magkaklase naman noon sina Pheony at Danny. Malaki ang paniniwala ni Pheony na hindi talaga bading si Danny dahil saksi ito sa mga naging nobya noon ni Danny. At ayon kay Pheony ay may malaking dahilan kaya sinasabi ni Danny ang kasinungalingang iyon tungkol sa pagkatao nito.

Si Eva ang masasabi ni Acky na pinakamahalaga sa plano niya at si Zack ang dakilang panggulo. Si Eva ang nais niyang mapangasawa ni Danny. Pero sa nakalipas na mga buwan habang nagtatrabaho si Eva kasama si Danny sa iisang kompanya ay hindi na alam ni Acky kung may naging pagbabago sa nararamdaman nito.

Pagkatapos ng madugong paliwanagan kung bakit siya naisipang ipagkasundo ng lolo at lola niya sa nag-iisang anak ng mga Fajardo ay sinabi rin ni Acky ang kanyang plano. Wala na siyang pagpipilian kundi ang isiwalat iyon sa lahat. She probably needed all the help she could get anyway.

"Do you still love Danny?" diretsong tanong ni Acky kay Eva. Eva was speechless as she blushed. And right there and then Acky knew Eva was still in love with him because she couldn't look straight in her eyes, so Acky asked another question. "Would you like to marry him instead?"

Her hazel eyes widened. "Are you insane? Gusto mo bang magalit sina Lola Em?"

"No, they won't. I already convince her to acknowledge you as part of the family and she will, if you marry Danny."

"Teka lang, hindi ba puwedeng ibang babae na lang ang mapangasawa niya?" tanong ni Zack kay Acky.

Malapit na rin si Zack kay Eva—hindi lang dahil kahawig ito ni Daphne—dahil ilang beses ding nagkita ang mga ito sa ilang mga event na ino-organize o ina-attend-an ng kompanyang pinagtatrabahuhan ng pinsan niya.

"It should be her," Acky answered. "Both of our grandparents and his parents are already thrilled with the idea that the Fajardo and Ross will have something that links them."

"Pero alam ba ito ni Danny? Ano na lang ang sasabihin niya kung malalaman niya na ipinagkasundo na naman siya sa iba?" nag-aalalang tanong ni Eva.

"Trust me, he knows everything. In fact, I made a deal with him. Kailangan niya ng bagong babae na magpapanggap na mapapangasawa niya para maisalba ang reputasyon niya. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa kanya pero no'ng mag-usap kami ay mukhang problemado siya. I even told him I'm willing to help him and your name came up and he agreed."

Sandaling hindi umimik ang mga kausap ni Acky at tila may kanya-kanya nang iniisip. Sa ganoong tagpo sila inabutan ng Kuya Clint niya. Her half brother entered the room and kissed his fiancée on the cheek.

"Hi, Psyche!" bati ni Clint kay Ate Elise. "What's going on?"

"Nothing much, my dear Cupid," malambing na sagot ni Ate Elise. "Your sister was just plotting an arranged marriage."

"What?" gulat na tanong ng Kuya Clint niya na biglang napatingin sa kanya. Ikinuwento ni Ate Elise dito ang mga napag-usapan na nila pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kuya Clint.

"You plan to get Eva involved in this? No way!"

"I'll be marrying Danny then," sagot ni Acky. Wala siyang ibang pagpipilian kung sakali dahil tanging mula sa pamilya nila ang gusto ng mag-asawang Fajardo na mapangasawa ng anak ng mga ito.

Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now