Chapter Nine

2.4K 53 0
                                    

The tournament ended well despite the shocking announcement Zack made. Tapos na ang programa para sa araw na iyon at nakaalis na rin halos ang lahat ng bisita ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ng conference room si Acky at ang pamilya nito. Nakita ni Zack na sumunod doon ang mga magulang nina Acky at Clint. Marahil ay nagkaroon na ng pagtitipon sa loob at pinagtutulungan na ng mga ito si Acky dahil sa kagagawan niya.

Dahil hindi marinig ni Zack ang pinag-uusapan sa loob ay para siyang tanga na palakad-lakad lang habang nasa tapat ng pinto ng conference room na nais niyang tawagin na "torture chamber." Nais ni Zack na murahin ang sarili nang paulit-ulit dahil nagpadalos-dalos na naman siya. Hindi niya napigilang sabihin kung ano ang gusto niyang mangyari dala ng mga pangyayari kanina.

Nang malaman ni Zack ang panlolokong ginawa ni Acky sa kanya ay nagalit siya ngunit humupa rin agad iyon dahil naiintindihan niya ang dahilan ni Acky kaya nagawa ni Acky iyon sa kanya. Alam niyang hindi ito puwedeng makipagrelasyon sa kung sino-sino lang na hindi aprubado ng pamilya nito.

Pero pakiramdam ni Zack ay nanikip ang kanyang dibdib nang malaman din niya mula kay Clint na may pinagpipilian na palang mga lalaki si Acky mula sa listahan na ibinigay ng lolo at lola ng mga ito. At wala roon ang pangalan niya. Kaya bigla siyang nataranta.

Hindi alam ni Zack na may ganoong proseso pala ang pamilya Ross at hindi man lang sinabi iyon ni Acky sa kanya. Kunsabagay, bakit nga ba sasabihin pa ni Acky iyon? Pero kung noon ay ayos lang kay Zack na sabihin na magkaibigan lang sila ni Acky ngayon ay tila gusto niyang maiyak dahil sa itinagal-tagal ng panahon na magkasama sila ay naging magkaibigan nga lang sila nito.

Bakit ganoon? Bakit kung kailan gahol na siya sa oras ay saka niya naiisip ang mga bagay na sana ay napuna na niya dati pa. Una na roon ang sinabi ng mga magulang niya na mahal niya si Acky mula pa lang noong una niya itong makilala. Kaya lang ay nagkaroon si Zack ng malaking takot kay Acky.

Hindi niya alam iyon noon, hindi niya alam na may malaking takot na pala siyang naramdaman nang hampasin siya ni Acky ng manyika nito noon—bagaman nagkasundo uli sila—tumatak sa isip ni Zack na kayang-kaya siya nitong saktan sa anumang paraan na naisin nito kaya mas pinili niyang maging magkaibigan na lang sila.

Habang lumalaki sila ay naging saksi si Zack sa mga pambabasted ni Acky sa kahit sinong lalaki na nagtatangkang manligaw o kahit makipagkaibigan lang dito. Naisip nga ni Zack noon na masuwerte pa pala siya at magkaibigan ang mga magulang nila kaya nagawa niyang kaibiganin si Acky. He thought his position was probably the best that he could have until he finally admitted to himself that he wanted more.

Sawa na si Zack sa kaunting panahon na iniuukol ni Acky sa kanya. Sawa na si Zack sa kakasubok na magmahal uli ng iba pagkatapos sa bandang huli pala ay si Acky pa rin ang mamahalin niya. Sawa na si Zack na matakot at kabahan sa maaaring sabihin ni Acky kapag nalaman nito ang totoong nararamdaman niya. At kaya nasabi ni Zack sa harap ng maraming tao ang nais niya ay dahil sa takot na mawala na si Acky nang tuluyan sa kanya. Wala na siyang pakialam kung magmukha siyang tanga o kung sasabihin ni Acky na ayaw nito sa kanya. Ang mahalaga ay masabi niya kay Acky ang mga katagang "mahal kita."

Noong una ay ayaw ni Zack na magpakasal si Acky kay Danny dahil hindi talaga siya sang-ayon na iyon ang lalaking pipiliin nitong makasama sa mga susunod na taon ng buhay nito. Pero kung tatanungin si Zack ngayon kung bakit nga ba siya tutol sa kasal ay isang diretsahang sagot na ang masasabi niya; iyon ay dahil ayaw niyang mapunta si Acky sa iba.

Hindi niya iyon matanggap noon dahil ang akala ni Zack ay nagiging maramot lang siya. Na naiisip lang niya iyon dahil nasanay na siyang palagi silang magkasama. Na kahit hindi man sila araw-araw na nagkikita ni Acky ay alam niya kung saan ito pupuntahan at nandoon lang din siya para kay Acky.

Sa wakas ay bumukas ang pinto na matagal ng tinititigan ni Zack. Mula roon ay lumabas ang pamilya Ross pero hindi niya nagawang lumapit kay Acky dahil hinarang siya ni Clint.

"I don't think it's the best time to talk to my sister, Zack."

"Why? Is she okay? Is she mad at me? Ano ba'ng nangyari?"

"You'll know soon enough. But for now let's just say it feels very uncomfortable for her when somebody she likes happens to like her more than he used to. I salute you for taking the risk when you did that move a while ago but I don't think it would work again this time."

"W-why?" kinakabahang tanong ni Zack. Sa tono kasi ng boses ni Clint ay tila may nangyaring hindi maganda. Pero lakas-loob na hinintay ni Zack ang kasunod na sasabihin ni Clint sa kanya. Mukhang nag-aalangan din si Clint ngunit mas pinili nitong sabihin iyon sa kanya.

Clint took a deep breath. "Nakapili na ng mapapangasawa si Acky."

Tila nabingi si Zack pagkatapos niyang marinig ang sinabing iyon ni Clint. At nakumpirma niya ang sinabi nito nang makita niya si Acky na lumapit sa kinaroroonan ni Dexter. Ang hula ni Zack ay isa ito sa mga lalaking pinagpipilian ni Acky.

Nag-iwas si Zack ng tingin. Ang totoo ay hindi siya interesadong malaman pa kung sino ang lalaking pinili ni Acky. Dahil kahit sino pa ang lalaking iyon ay hindi siya papayag na mawala si Acky sa kanya.

Cupid's ArrowМесто, где живут истории. Откройте их для себя