CHAPTER 5

35K 1K 88
                                    

( HAYDEE POV )

Agad na napatayo kami ni Arriane na akala mo nakulong sa mahabang panahon at ngayon lang nakalaya nang matapos ang klase. Halos hindi kami magkadauga-uga sa paglabas ng room. E bakit ba ?! I miss my freedom ! Echos lang.

"At last !" Arriane said happily.

Oh diba? Sakal na sakal na kaming mag aral men ! Nakakalokaaa.
Teka? Nasaan kaya si Zaynah? Nasa dorm kaya siya? Sleeping? Sayang naman. Ito-tour pa naman namin siya.

Pero pareho kaming napatigil at para kaming naparalyze ni Arriane nang maramdaman namin iyon.

Gosh I can feel the cold aura again. This time dalawa. And I'm so freakin' very familiar with the one aura! Kyaaah so creepy !

" It's in the cafeteria" sambit ko.

Mabilis kaming pumunta sa canteen at doon nakita namin si Ace and Zaynah na nagpapatayan ng tingin.

Shit! Ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa. But we are all shocked the next thing happened.

Ace looked away which is not happening in my whole life. Damn! Even the great Ace can't risked to look at her eyes!

Wow just wow!

Ace Davids. The prince of Fire Kingdom and yeah, he's a fire user elementalist.
Like Zaynah, he's cold too. So elusive.
And you can't bear to look at his red deep eyes. He's a type of guy that is scary because he's damn strong. Siya ang makapangyarihan sa eskwelahang ito, hawak niya ang titulong Rank 1 sa ranking. At kaya ka niyang takutin gamit ang mga mata niya but now siya pa ang nag- iwas. That was pretty cool.

Sa una palang, alam kong may kakaiba na kay Zaynah. Sa aura palang mahihindik ka na talaga, ano pa kaya kung may gawin siya?

Zaynah Alisha Shin. I idolized you so much.



( ZAYNAH POV)

Bigla kong naimulat ang mata ng makarinig ako ng sunod-sunod na sigawan at maging iyak. Asar na kinuyom ko ang kamao. Hindi na yata ako makakahanap ng katahimikan kahit kailan king ina!

"Tama na Miranda! Nasasaktan akoo" dinig kong sabi ng isang babae na umiiyak. Kasunod no'n ay narinig ko ang impit na sigaw niya na para bang sinaktan siya.

Napabuntong-hininga ako at tumayo na mula sa pagkakahiga. Saka ko tinahak ang daan papunta sa kinaroroonan ng mga boses.

"You bitch! Ang kapal ng mukha mong humarang sa dinadaanan ko! Who are you to did that to me!?"

How shallow. Nang dahil lang sa dahilan na iyon ay mang-aapak na siya ng ibang tao. I really hate people like them. So childish.

Nang makarating ako ay nakita kong sinasakal niya ang babae na pilit kumakawala sa pagkakahawak niya. Lumapit ako sa kanila at basta ko lang na tinapik ng malakas ang babae dahilan para mabitawan niya ang babae.

"Kung mamimili ka rin lang naman ng kakantiin , ako nalang. Tutal inistorbo mo naman ang pagtulog ko at nandidilim ang paningin ko sayo"

"What the hell!? Ang lakas ng loob mong kalabanin ako!" Napaatras ako ng tinulak niya ako. Napangisi naman ako. Saka tumingin ulit sa babaeng hinahabol pa rin ang hininga

" Ganyan ba talaga kayo? Pinapatulan ang mas mahina sa inyo?" Malamig kong saad at tiningnan ko ulit siya na nanlilisik na ang paningin sa akin.

"Mas mahina ka kung gano'n. Iyon lang ang kaya mo eh" Nakangisi ko nang sabi sa kanya. Naningkit naman ang mata nito. Ayoko sa lahat ay 'yong may nakikita akong nabubully. At higit sa lahat ayokong may gumagambala sa pagtulog ko.

MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESSWhere stories live. Discover now