CHAPTER 70

13K 469 19
                                    

(ZAYNAH POV)

"Nandito na tayo" biglang usal ni Haydee na nasa tabi ko.

Hinawi ni Arriane ang mga halaman na nagsisilbing harang sa lugar.
At dun tumambad sakin ang mga lahi ng dwarves at elves.
Natanaw ko rin ang mga maliliit na bahay na palagay ko ay siyang tinutuluyan nila.
Namangha ako sa ganda ng lugar. Napakalinis nito at ang cute pang tingnan. Sa gilid naman ay may natanaw akong falls. At may mga naglalarong mga dwarf at elf dun.

Lahat natigilan sa ginagawa at napako ang paningin nila sakin.
Saka taranta silang nagtitipon at agad na lumuhod sa harapan ko.
Nagulat naman ako dun.

"Mahal na Prinsesa. Kinalulugod po namin na nandito kayo. Pasensya na po at hindi kami nakapaghanda sa pagdating niyo" maya maya ay usal ng isang matandang dwarf na nasa gitna.
Tinanguan ko lang ito sa kawalan ng sasabihin.

"Naku, Pinuno. Biglaan lang talaga hehe" napapakamot sa ulo na sabi ni Haydee.
"At nandito po siya para.." Saka siya may sinenyas na agad namang naintindihan ng matanda

"Ganoon po ba Mahal na Prinsesa? Nandoon po siya sa bahaging yun" saka niya itinuro ang mataas na lugar na nasa kaliwang bahagi ko

"Ahm Zaynah.."

"Pupuntahan ko na siya"

Hindi ko na hinintay na sumagot pa sila at agad tinahak ang daan papunta sa kinaroroonan niya.

***********************

Napabuntong hininga ako nang makita ko na siya. Ramdam na ramdam ko ang malungkot na aura niya at hindi ko yun kaya.

Kumuha na naman siya ng bato at binato yun sa kawalan.

Sa tatlong araw na lumipas, parang hindi na siya ang Ace na nakilala ko.
Bukod pa dun ay may pasa pa siya. Bakit hindi niya yun pinagamot?

Unti unti akong lumapit sa kanya.

Natatakot ako na baka galit siya sakin. Natatakot ako na baka ayaw niya na akong makita.

"Ace.." Sa wakas nabanggit ko na rin

Napahinto ito at nagsimula akong kabahan nang marahas itong lumingon sakin.
Pero agad ding nawala nang makita ko ang kabuuan ng itsura niya.

Damn. Ano bang nagawa ko? Kasalanan ko ba talaga?
Unti unting namasa ang mga mata ko at biglang nanlambot ang mga tuhod ko.
Pero nagawa ko pa rin maihakbang ang mga paa ko papalapit sa kanya.

Nang ilang dipa na lang ang layo namin. Dun ko lang nagawang tumingin ng diretsyo sa kanya.
Sadness, longingness, pain and love is visible in his eyes.
And the moment I touch his face,
Dun na tuluyang tumulo ang mga luha ko.

"Zaynah" basag ang boses na usal niya sa pangalan ko.

Umiiyak na hinawakan niya ang kamay ko at
Pinaglandas ko ang mga kamay namin sa mukha niya na maraming pasa.

"I'm sorry" naiiyak pa rin na sabi ko.
Instead of answering, he just stared at me with his teary eyes.

"Nandito ka.. Nandito ka nga" maya maya'y usal niya at mahigpit akong niyakap.
Panay lang ang hagulhol niya sa balikat ko at nadadala ako dun. Hindi na rin matigil ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Mas lalong humigpit ang yakap niya pero hindi yun ang pinagtuunan ko ng pansin.

His cries. It fvcking hurts me.
Lalo na at ako pa ang dahilan.

Kumalas siya sa yakap namin at hinalikan ako sa noo. Matagal.
Napapikit ako at mas lalo lang naiyak.

Mariing hinawakan niya ang kamay ko at pinagtagpo ang mga paningin namin.

"Please let it be me " emosyonal na sabi niya

Nakagat ko ang labi ko. At unti unting napailing.

Kung pwede lang Ace. Kung pwede lang

"I'm willing to die f-for y-you" unti unting nabasag ang boses niya habang sinasabi niya yun.
"F-for the last moment of my life, I want it to be y-you. Because I love you. I fvcking love you Zaynah Alisha Shin."

Pinilit kong bumitaw sa pagkakahawak niya at umiling.

"Don't waste your lif-"

"Wala akong pakialam! Handa akong mamatay kung ikaw ang magiging kapalit. You're my everything. Its no life at all if without you. "

Agad akong lumapit sa kanya nang mapaluhod na ito.
Unti unti akong nawawasak sa nakikita at nararamdaman ko.

"Ace please listen to me. Wag mong gawin to please. Makakaya kong malayo sayo pero yung mawala ka.. Hindi ko kaya" halos hindi na talaga ako makahinga nang sabihin ko yun sa kanya.
Unti unting sumisikip ang dibdib ko dahil sa sakit.

"I want to be with you. Hindi ko kayang wala ka "

Umiling ulit ako.

"Hindi pwede. Kahit gustuhin natin pareho. Hindi talaga pwede. Ayokong mawala ka Ace. Please makinig ka naman. Ayokong isakripisyo ka"

"Bakit nandito ka kung ayaw mo?" Nabigla ako nang medyo tumaas ang boses niya

Pero napatigil ako nang itanong niya yun.
Bakit nga ba?

Napatayo ako at napalayo sa kanya.

"Bakit nandito ka? "


Tinalikuran ko siya at inignora ang tanong niya dahil maging ako hindi ko alam ang dahilan.

Tama naman siya. Bakit pa ako nandito kung hindi ko lang naman ipaglalaban?

"Bakit nandito ka!? "

Napaharap ako sa kanya.

"Gusto kitang makita. G-Gusto kong humingi ng tawad" hindi ako makatingin ng diretso sa kanya ng sabihin ko yun


Dahil mahal kita Ace. Mahal na mahal kita. Pero pareho nating alam na kapag lumabag tayo , buhay mo ang magiging kapalit at ayokong mangyari yun. Ayokong mawala ka. Hindi ko na makakaya




Napakagat ako sa labi ko at pilit hinahabol ang kumakawalang hininga ko

"Yun lang? " mahinang sabi niya at napatungo na naman siya.
Gumalaw ang mga balikat niya senyales na umiiyak na naman siya.
Gusto ko siyang lapitan pero natatakot ako. Ayoko nang palalain yung sitwasyon namin. Mas lalo lang kaming mahihirapan


"Ace j-just forget m-me " at ako pa rin ang nasaktan sa sinabi ko. Para akong sinaksak ng paulit ulit.

Hindi pa rin siya umimik at patuloy lang na umiiyak.
Napatungo ako at pinahid ang mga luha ko.

Sinulyapan ko siya ulit at saka na tumalikod.
Napahawak na ako sa dibdib ko at hindi ko na napigilan ang pag iyak ulit.

At laking pasasalamat ko nang magawa ko nang maihakbang ang paa ko palayo sa kanya.

Para to sa'min diba? Damn it Zaynah. Don't hurt him anymore

Napatigil ako sa paglalakad nang may humiklit sa braso ko. At ang kamay niya ay ipinalibot yun sa baywang ko.
And the next thing I knew. He pressed his lips to mine.

I cried between his kisses. It's full of love. It is shouting for me.
I put my arms around his neck and respond to his kisses.
Ang kaninang mababaw na halik ay naging malalim.

His hand is travelling around my body but I let him. Unti unti din bumababa ang halik niya sa leeg ko.
But again. I let him.


Just this once. Makagawa ako ng pagkakamali para sa taong mahal na mahal ko.
Just this once.


I gave myself to him and I never regret it. Not even a single thing. And this is my sweetest mistake.

MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESSWhere stories live. Discover now