CHAPTER 42

22.4K 740 7
                                    

(THIRD PERSON POV )

Her eyes were bloodshot. Her hands was formed into fist. Watching her parents covered by blood, her sanity was slowly drifting away from her.

Wala siyang ibang maramdaman kundi galit at paghihiganti!

Then she shouted with so much anger. Her shouts covered the whole Magiczard. Lahat nasindak sa malakas na pagyanig. Lahat ay kanya-kanyang isinalba ang sarili mula sa lupang gumuho. Sa sobrang lakas ng lindol ay halos matanggal na ang lupa at umaapaw na ang apoy sa ilalim nito.

Dahil sa pagkasira ng lupa ay mabilis na nagtipon-tipon ang mga elementalist at gumawa ng portal para malipat sa ibang dimensyon. Nang magawa ay hindi na nagsayang ng oras si Zaynah.

Ang mga gumuhong lupa ay lumutang sa ere pati na rin ang bato at naporma itong mga patalim. Sa dami nito ay napaatras si Vlad at halatang takot ito at hindi alam ang gagawin.
 
Puno na rin nang sigawan ang buong paligid pero ang ikinasindak ng lahat ay ang biglang pagkawatak-watak ng mga Dark Shadows.

Hanggang sila na lang ni Vlad ang natira.

Mas lalong nakaramdam ng takot si Vlad ng makita ang pagbabago ni Zaynah. Her face change, her hair and eyes from black to violet eyes.

She's showing the sign of a royalty. Na dugong bughaw ang nananalaytay sa katawan niya. Even her black dress change into a violet dress. A strapless, violet dress with detachable chiffon organza off-the-shoulder cape and a royal crown made of diamond and gold on her head.

Biglang lumabas ang lahat ng kapangyarihan niya at pinalibutan siya including the Dark and Light Crystal and the four Elemental Magics. Hera and Xiara get out of her body and turn into a dragon and even the dragons in each element showed up. 

Pagkatapos ay sumabog ang liwanag sa buong lugar ng sabay-sabay na pumasok ang lahat ng kapangyarihang mayroon siya at pumasok sa katawan niya.

Malakas na sigaw niya ang pumailinlang sa ere kasabay ng pagsabog ng mga bulkan at pagkawasak ng lahat na natitira sa lupa.

Patuloy ang ingay na bumalot sa buong lugar dahil sa kakaibang sakit na nararamdaman niya sa likod at sa hita niya.

Samantalang hindi makapaniwalang nakatitig si Vlad na nakalutang sa ere at tulalang nakatitig lang kay Zaynah na iniinda pa rin ang sakit.

Tuluyan nang naparalisa sa pagkabigla si Vlad nang masaksihan niya ang markang akala niya ay hindi niya makikita.

Ang markang patunay na siya ang nawawalang Prinsesa. The Legendary Princess that was said on the prophecy.

Ang Prinsesang sinasabi sa propesiya na siyang tatapos sa buhay niya.

Bumalot ang sobrang takot sa pagkatao niya nang mapatingin sa kanya ang Prinsesa. Anumang oras ay parang gusto niya nalang maglaho at hindi na bumalik. Na mas gugustuhin niyang patayin ang sarili kaysa ang Prinsesa ang maghatol sa kanya.

Labis ang pagkagulat niya at pagkataranta ng biglang sa isang iglap ay nasa harapan niya na si Zaynah na walang kaemo-emosyon ang mukha at sobrang lamig ng tingin.

Mabilis siyang nagpakawala ng atake pero nagpatuloy lang sa paglapit si Zaynah na tilang walang nangyari ni kahit ang pag-iwas ay hindi niya ginawa. Sinasalubong njya lang ang bawat atake sa kanya ni Vlad.

Sunod-sunod na tira ang ginawa niya habang napapaatras siya at sindak na sindak sa nakikita niya. Pero napatigil siya ng mawala ito sa harapan niya.

Samantala ay pinagtutulungan nina Xiara at Hera ang Six-headed legendary demon kasama na ang mga dragon sa bawat elemento na pinakawalan ni Zaynah. Malalakas na atake ang pinakawalan ng dalawang panig. Ang lakas ng six-headed demon ay kapantay sa lakas ng anim na dragon kaya natatagalan silang patumbahin ito.

Hanggang sa napagdesisyunan ni Hera at Xiara na magsanib gamit ang dalawang Crystal. Nang magawa ay sinugod nila ulit ang demon at pinagtulungan nila ito pero mabilis silang napatigil ng may guma

Samantalang natutuliro na si Vlad dahil hindi niya mahagip si Zaynah. Napayuko naman siya ng biglang yumanig ng malakas at agad na napatingin sa taas nang makarinig siya ng pagsabog.

Nanlaki ang mata niya nang makita si Zaynah at kung paano niya pinagwatak-watak ang katawan ng six-headed sa pamamagitan lang ng espada.

Napamaang siya at hindi makapaniwalang basta lang na natalo ang alas niya. Para naman siyang napako sa kinatatayuan ng malamig siyang tiningnan ni Zaynah.

Hanggang sa naramdaman niya nalang ang likidong dumaloy pababa sa paa niya. Gulat siyang napatingin sa tiyan niyang may nakatarak na espada. Napabagsak siya sa lupa.

Napainda siya sa sakit nang hablutin niya ito at galit na napatingin kay Zaynah. Gumawa siya ng malaking Dark ball at pinakawalan ito sa direksyon niya. Naglikha iyon ng malaking butas at pagsabog.

Nang mawala ang usok ay tuluyan na siyang napaluhod at napatawa ng malakas nang makitang wala man lang itong galos na natamo sa ginawa niyang atake.

"Ikaw nga ang Prinsesa." natatawang aniya, nawawala sa sarili. Unti-unting lumapit si Zaynah at nagsalita sa malamig na boses.

"I already warned you not to hurt them or I will kill you.  But you did. Now, are you ready to face your verdict?"

"Hahaha! Nagpapatawa ka ba? I'm immortal! Kahit pa ikaw ang pinakamalakas sa lahat! You can't kill me! " sigaw niya ng malakas kay Zaynah. Biglang nagsi-taasan ang balahibo niya ng ngumisi si Zaynah ng malademonyo sa kanya.

"You're clever but you don't know how to play tricks." she smirked. Nanlaki ang mata nito at hindi makapaniwalang nakatitig lamang kay Zaynah.

"I'm the Princess Vlad. The most powerful of all.  Anong silbi ng kapangyarihan ko kung hindi ko ginagamit ang utak ko?"

"Hindi ito maaari! Ikaw ang nagpakawala sa tatlong magkakapatid!" galit na sigaw niya kay Zaynah.

"Now, say goodbye. Hindi na kita hahayaang mabuhay pa ng matagal kung kaya naman kitang burahin sa mundong ito ngayon mismo." nakangising sabi ni Zaynah kay Vlad na nahihintakutan.

Nanlaki ang mata niya nang ilabas nito lahat ng kapangyarihan niya, creating a very strong force. Lalong lumakas ang hangin at pagyanig ng lupa na ngayon ay halos wala ng puno at maging ang palasyo ay gumuho na din at wala ng natira.

"M-Maawa k-ka " humagulhol si Vlad, nagmamakaawa kay Zaynah.

She smirked. Itinapat niya ang kamay sa nagmamakaawang si Vlad.

"Farewell"

MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora