CHAPTER 16

28.9K 911 12
                                    

( ZAYNAH POV)

Nandito na naman kami sa arena dahil bigla nalang nag announce na may bisita raw. Sino ba 'yang bisita na 'yan at pinatawag ang lahat?

"GOOD EVENING EVERYONE! 
TOMORROW IS THE LEVELING RIGHT? " sigaw ng Headmistress. Napuno ng sigawan ang arena. And it sucks.

" THE QUESTION IS.. ARE YOU ALL READY?" tanong niya. And again mas lalong nagsigawan. Damn it! They're fucking noisy.

"Masanay ka na. "

Ace Davids. Psh. Sa tuwing nakikita ko siya ay nagdidilim ang paningin ko. I remember the k-- nvm. Goddamn it.

" You're gorgeous. " sambit niya pa.

Hindi ko nalang siya pinansin. Alam ko namang maganda ako. Since birth

[ Gossssshh! Xiara ! Grabe babagyo ba? ]


[ Hahahaha ssshh maririnig ka niya Hera. Palayasin ka pa sa katawan niya hihi]

Bwisit.

"BUT BEFORE THAT WE HAVE A VERY SPECIAL GUEST. DO YOU HAVE ANY IDEA ABOUT IT ? "

"NOOOO...." sigaw na naman nila.

" WELL THE ..KING AND QUEEN IS HERE!"

Mas naging triple ang ingay. Pero hindi ko na 'yon napansin nang may naramdaman akong kakaiba. King and Queen?

Biglang natahimik ang buong arena ng pumasok ang dalawang tao na nagpakabog sa dibdib ko. 
What was that ?

Everyone bow their heads except me. Nanatili akong nakatingin sa kanila kaya naman ay nakaagaw ako ng pansin. 
Napatingin sila sa akin na mas nakapagpatriple ng tibok ng puso ko.

 
I don't know but there's a part of me saying that we have connections to each other.


A part of me that is missing.

Nakaramdam ako agad ng lungkot sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Argh. It's confusing.

I bow my head when my senses are back. 
Shit! What have I done?
Damn it. Ano ang connection ko sa kanila. Bakit ko naramdaman 'yon? Are they part of my past?

All my life, Ngayon lang ako nacurious sa past ko. Because seriously? I don't know about my past. Aunt didn't tell a single word about it. 

Ramdam ko pa rin na nakatingin sakin ang Reyna. Napapikit ako dahil ang lakas na ng tibok ng puso ko.
Ipinakilala na ni Headmistress ang King and Queen. Mabuti nalang ay hindi na ito nakatingin sa akin. Pero ramdam ko ang isang tingin na 'yon. Napakapamilyar. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siya.

Napataas ang kilay ko ng ngumiti ito ng pagkalaki-laki. Tss. Lihim akong napangiti. Masaya ako na nandito siya at alam niya 'yon. Ramdam niya dahil siya lang ang nakasama ko buong buhay ko.

My Aunt Yna. Ang tanda na niya pero ang childish pa rin. Sabagay hindi naman halata na matanda na siya dahil parang dalaga lang siyang tingnan.

Nagulat ako nang nawala siya at bigla na lang bumulagta sa harap ko. Of course she wouldn't be here if she doesn't have a magic.

Napairap nalang ako sa katotohanang 'yon.

"Waaaaaahhh ang baby Zaynah ko , dalagang dalaga naaa!"

Napayuko ako sa hiya. Tss. Ang sarap niyang pektusan. I even heard Ace chuckled. I looked at him and give him a deadly pokerface. 'Yong tipong nakakatanga ang tawa niya. Tss. Tumigil naman ito.

"Hihi. Kumusta ka na ? Pinapakain ka ba nila dito nang--ehhem of course may cafeteria pala dito na mala'restaurant' . Eh nakakatulog ka ba nang maayos? Halata naman kasi ang laki-laki mo na ! Maayos ba ang trato nila sayo? Ahh oo nga pala. Takot lang nila sayo hihi. "

"Kumusta naman ang Question and Answer portion mo?"  Nakangising tanong ko. Parang tanga eh. Tanong niya, sagot niya. Napanguso ito pero nginitian agad ako. Tss.

Napatingin ulit ako sa Reyna dahil ramdam ko ang bigat ng mga tingin niya. Hinawakan ako ni Aunt Yna. At sa isang kurap ko lang nasa harap ko na ang Hari at Reyna.

"King Zerif  , My cousin Queen Emerald. This is my niece, na pamangkin mo rin hihi.  "

Pamangkin? Kaya ba naramdaman ko 'yon? Hmmm.

"Isa siya sa mga kambal ni Yrabel. You remember ? But sadly Zaynah is only the survivor on that war. "  malungkot na sabi pa nito

May kambal pala ako? Hays madami nga akong hindi alam tungkol sa past ko dahil wala naman akong balak na alamin pa. Nginitian lang ako nang Hari at Reyna.

At hindi ko na rin alam ang nangyayari .

Nagpaalam na ako kay Aunt.
And with that I quickly leave the arena.  Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko basta gusto ko lang na mapag- isa.

Hindi ko kaya ang mga nararamdaman ko 

Naguguluhan ako.

Sa hindi ko malaman na dahilan.

Dahil ba do'n sa nalaman ko?

May kakambal ako...

Pamangkin ako ng Hari at Reyna...

Yrabel ang pangalan ng ina ko...

Pero ba't gano'n? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang sakit?

Then they fell.


My tears...


I didn't notice...




That I'm actually crying.

MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESSWhere stories live. Discover now