CHAPTER 69

12.7K 379 13
                                    

(ARRIANE POV)

"FUCK ! FUCK !  " Patuloy na pagmumura niya. At dumampot na naman ng bagay at itinapon yun sa pader.

Napaigtad ako at umatras. Pilit siyang pinapatigil nina Zach at Ian pero ayaw nitong magpaawat.

Kagabi, kagabi lang nangyari yun pero halos hindi na namin siya makilala. Marami na siyang mga sugat sa katawan at ulo niya dahil inuuntog niya yun sa pader.
At simula kagabi hanggang ngayon na malapit na rin magdilim ay hindi pa rin siya tumitigil.

He was fucking hurt! Bloody hurt. Hindi rin matigil ang pag iyak niya.
Nakakaawa siya sobra.
Ni halos hindi na namin alam ang gagawin namin para lang matigil siya.

Akmang iuuntog niya na naman ang ulo niya nang gumawa na nang hakbang ang headmistress.
A barrier. May nakapalibot na barrier sa kanya at nakaposas na din ang mga kamay niya.
It's a barrier where you can't use magics.

Unti unti siyang napaluhod at napahawak sa mukha at umiyak na parang bata.
Gosh.
Mabilis na lumapit si Ian sakin at niyakap ako.
Naiyak na rin ako. Nakakahawa ang itsura niya ngayon. Parang dinudurog ang puso ko.

"Enough Ace. You've gone too much. End your agony and rest. " simpleng sabi lang ng Headmistress pero mas lalo lang naiyak si Ace

"I -I l-love her. I l-love her so much" basag ang boses na sabi nito.

Damn. Pero alam nating lahat na hanggang dun lang Ace.
Na hanggang dun ka nalang. Dahil sa una palang wala ka nang laban

***************************

(ZAYNAH POV)

Dahan - dahan na nililipad ng hangin ang buhok ko.
Naramdaman ko ang paglapit niya at pagtabi niya sakin. Pero hindi ko pa rin siya nilingon.
I isolated myself to them. As long as I can. I want to be alone.

It's been three days since it happened. Pero sariwa pa din sakin ang lahat. The scene, the pain, the longingness it's still here. Deep inside me. To my unfixable heart.

"It's funny to think how I can make other people happy but I can't even make it to myself"

I heard him sigh. Pero hindi ko pa rin siya nilingon.
Hindi ko maiwasang sisihin siya at ang sarili ko kung bakit ganito ang naging kalagayan ko.
If he's not a god, and If I'm not goddess. Definitely there will never be an us.

"I'm sorry" bulong niya.

"Your sorry can't change anything so stop it because it's useless" malamig na tugon ko.

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa.

"Bumaba na tayo. Sa tantiya ko tayo nalang ang hinihintay sa hapag kainan. Huwag mong sabihin na hindi ka kakain. Kung magmamatigas ka. Kung kinakailangan, pwersahan kitang ibababa."

Sinamaan ko siya ng tingin.
But he just smiled sadly na ikinagulat ko.

"Pangako, gagawa ako ng paraan para makita mo siya nang hindi ka pinaghihinalaan ng Mahal na Hari at Reyna"

Napatitig ako sa kanya nang sabihin niya yun. Kalaunan ay tumango ako.
At sabay na kaming bumaba.

Hindi ko mapigilang hindi maexcite sa katotohanan na yun.
Hindi kasi madali sakin ang makatakas. Palaging may nakabantay, palaging kailangan ang presensya ko at hindi ko yun pwedeng isawalang bahala. Isa pa ay hindi ko alam kung nasaan siya. Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko pero hindi ko siya mahagilap.

Nang makarating ay nandun na sila sa harap ng hapag kainan. Ang Hari at Reyna ,maging ang diyosang si Diana.

Pinaupo na ako ni Chris at umupo na din siya tabi ko.
Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa binasag yun ng Hari.

MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESSWhere stories live. Discover now