FB: Prologue

9 1 0
                                    

PROLOGUE

"Sigurado bang gusto mong sumama sakinParekoy? Malayo ang pupuntahan ko at baka magalit nanaman yung mommy mo.” wika ni Trina sa matalik na kaibigang si Ranz. Matagal na silang magkaibigan kahit na magkaaway ang mga pamilya nila.

" Hindi yun magagalit. Hindi kita hahayaang pumunta mag-isa ron baka kung anong  pang mangyare sayo, Parekoy.."

Wala na ngang nagawa si Trina para pigilan pa ang bestfriend sa pagsama nito sa kaniya. Kotse rin nila Ranz ang ginamit nila. Gusto niya kasing dalawin ang puntod ng lolo't lola niya sa Bicol.

Nasa isang tulay sila nang biglang may kotse na nasa direksyon nila kaya dahil sa bilis ay hindi na nila nagawa pang umiwas kayat nagsalpukan ang dalawang kotse.

Napatilapon ang magkaibigan sa labas at bigla namang sumabog ang kotse nila.

Malapit nang mahulog si Ranz sa tulay ngunit buti nalang ay mayroon siyang nakapitan pero mahirap parin ang kinalalagyan niya ngayon.

Nagkamalay naman si Trina na maraming sugat at kahit hirap ay hinanap niya parin ang parekoy niya.

"Parekoy!! Asaan ka na?!!"

Nakita naman niyang nasa gilid ng tulay ito at nakahawak sa semento. Agad siyang pumunta roon at pilit na inaabot ang kamay ni Ranz.

"Kumapit ka sa kamay ko Parekoy! Bilis!!”

" Pero...Hindi maaari...dahil kapag kumapit ako sayo baka dalawa pa tayong mahulog sa bangin"

"Huwag mong sabihin yan! Maliligtas ka at hindi mo ako iiwan! Di ba nangako tayo sa isa't-isa na walang iwanan?!” pilit niyang inaabot ang kamay ni Ranz.

"Hindi ko kakayanin kong pati ikaw mapapahamak..mas mabuti kung ako nalang.."

"Ano?! Hindi maaari yun!! Kasalanan ko naman kung bakit ito nangyare eh!" Naaabot na nga niya ang kamay nito at nahihirapan na rin silang dalawa

"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Patawad...Parekoy.. Mahihirapan ka lang kaya bitawan mo na ako. Huwag kang ma-alala dahil ipinapangako ko paring hindi kita iiwan...Pangako tutuparin ko iyon"

Tinanggal nito ay kamay niya kaya nabitawan na niya ito nang tuluyan.

"Pangako kahit kailan hindi kita iiwan!!!!" yun nalang ang mga katagang narinig niya mula sa matalik niyang kaibigan at nahulog na ng ito sa bangin.

"HINDI!!!! PAREKOY!!!!"

Dahil sa lakas ng kaniyang sigaw, ay nawalan siya ng lakas at nawalan narin siya ng malay.



******


Warning: This story is a product of the authors imagination. Do not plagiarized. Thank You!

A/N: Hello po! Ano pong reaksiyon niyo sa prologue? Sorry pala for wrong grammar, typos,  etc. kasi nagkakamali po minsan. Salamat!!

"Forgotten Bestfriend" story by msketcher1

Forgotten BestfriendWhere stories live. Discover now