FB1: Shocking

6 1 0
                                    

"Ranz Isaac Fortez!! Bakit mo ba ako iniwan ha?! Di ba nangako ka na kahit kailan hindi tayo magkakalayo?. Matatanggap ko pa kung lumayo ka lang sakin pero...alam kong hindi mo na ako mababalikan kahit kailan...kasi...wala ka na..patay ka na eh.." Sigaw ni Trina sa bangin

"Sorry Parekoy dahil umiiyak ako lagi, alam ko namang ayaw mo akong umiiyak pero hindi talaga kita makalimutan eh..huhuhu!" Mas lalo pa siyang humagulhol ng iyak sa tulay kung saan naganap ang aksidente na nangyare noon.

Sa tulay kung saan namatay ang bestfriend niya dahil nahulog ito sa banging nasa ilalim nito, limang taon na ang nakararaan.

Hindi parin niya matanggap ang mga nangyare at hindi parin niya makalimutan ang bestfriend parekoy niya. Higit pa kasi sa isang matalik na magkaibigan ang mayroon sila dati.

Napansin niyang kanina pa tumutunog ang Cellphone kaya sinagot niya na ito. Si Marie lang pala na kaibigan niya.

"Hello?”

" Hello Trina?! Asaan ka ba ngayon? Bakit wala ka sa apartment mo? Huwag mong sabihing andiyan ka nanaman sa may tulay at nag-iiiyak ka nanaman diyan dahil sa nawala mong bestfriend?”
Hindi siya sumagot dahil tama ang hinala nito.

"Mag-move on ka na nga! May good news ako sayo! Tanggap tayo sa interview!! At sa makalawa na tayo mag-uumpisa sa trabaho!!”

" Talaga?!" Medyo nabuhayan naman siya sa natanggap na balita.

"Oo nga!! Kaya umuwi ka na bilis!! Kahit 1000x ka pang bumalik sa bangin na yan hindi na mabubuhay yung bestfriend mo noh!!"

"Oo na!!"

******

Sa isang banda, Si Zack ay sinundo sa airport ng kaibigan niyang si Vince dahil kagagaling lang niya sa Unites States. Umuwi siya rito pala i-manage ang Companya nila.

Pero bago umuwi sa bahay nila ay nagpapasama muna si Vince sa isang business meeting nito sa Bicol.

"Finally you're here in the Philippines, Zack. Mabuti at pinayagan ka na ng mommy mo na umuwi rito!" Wika ni Vince sa kanya.

"She didn't want too, but I said that I will manage our business here!"

"Talaga?! Magandang palusot yon Pre!"

"Hindi yon palusot! totoo ang sinabi ko. Anong halaga pa ng pinag-aralan ko doon sa US kong di ko gagamitin di ba?”

"Oo alam ko naman iyon pero ang ibig kong sabihin ay baka sa pag-uwi mo rito ay may maalala ka naman kahit konti sa dati mong buhay bago ka maaksidente"

"Pwedi rin pero ano pa bang dapat kong malaman? Sinabi naman ni mommy ang lahat-lahat sakin"

"Sa bagay..."

Napatingin siya sa dinadaanan nila. Nasa isang tulay sila ngayon at may napansin siyang isang babae na parang baliw na sumisigaw sa hangin sa gilid ng tulay.

"Ano bang problema ng babaing yon? Is she crazy? Sa tingin niya ba sasagot ang hangin sa kaniya?" Tanong niya sa sarili.

"Type mo ba ang babaing yon? Alam mo bang halos mabali na yung leeg mo bro! Sabihin mo lang at hihinto tayo ngayon.." Ani Vince sa kaniya. Napansin ata siya nito.

"What?! Baliw na nga yong babae nayon dadagdag ka pa! Ayusin mo nga pagmaneho mo, parang iba ang pakiramdam ko rito. Parang may masamang nangyare sa tulay na ito dati.." aniya

******

Unang araw na nga ng trabaho ng magkaibigang sina Trina at Marie sa ZF Group of Companies. Kaya sinigurado nilang hindi sila male-late. Grumaduate silang magkaibigan sa kursong Business Administration.

"Okay! Kayong dalawa ay tutulong sa pagpre-pare at pag-ayus sa Office ng CEO" Turan ni manager Cruz.

" Ano?! Tagalinis lang pala tayo dito? Kung alam ko lang di na tayo nag-apply rito.." Bulong ni Marie sa kaniya.

"Actually Ikaw Trina ay naka-assign sa Design Team at ikaw naman Marie ay sa Marketing Team base on your qualifications but this time, kailangan niyo munang sa pag-ayos sa CEO's office dahil darating na si Sir Zack Emmanuel Zavellien, ang new CEO natin!" Dagdag pa nito.

"Understand new staffs?” Tingin nito sa kanilang dalawa.

" Yes ma'am.."

Hindi naman ito mukhang masungit na manager kaya sumunod nga sila.

"Sana mapansin ako ni sir Zack sa pagdating niya rito..ayiee!!" Parang nakikilig na wika ng isa sa staffs na kasama nila sa pag-aayos ng mga gamit.

"Bakit naman parang kilig na kilig ka diyan ate?” tanong ni Trina sa kasama nila

" Kasi super duper gwapo at napaka-hot ni sir Zack sa mga pictures niya syempre lalong-lalo na sa personal!! Sana nga ngayon na siya pumunta rito para makita ko na siya. Hindi ko pa kasi siya nakita kahit kailan!"

"Talaga?! As in?!” napukaw naman ang pansin ni Marie rito. Ito talagang kaibigan niya basta't makarinig ng salitang gwapo humahaba ang tenga.

" Oh Marie ikaw ha? Umiiral nanaman yang kalandian mo. Take note! Trabaho habol natin rito!" Paalala niya.

"Bakit bawal bang makakita ng gwapo? Sabagay yung nawala mo lang namang bestfriend ang pinakagwapo sa paningin mo!"

Naalala nanaman niya tuloy ang parekoy niya kaya nalungkot nanaman siya.

"Sorry besh.." Hinding tawad ni Marie sa kaniya

"Ayos lang yon" aniya

"At alam niyo ba na kauuwi pa lang niya galing US dahil siya na ang magpapatakbo nitong kompanya natin, dati kasi ang mommy niya yon, ang dating CEO. Balita ko rin doon sa States nag-aral si Sir kaya sure akong napakagaling niyang boss." Dagdag pa ng chismosa nilang katrabaho.

"Sana pumunta na siya rito.." Excited na sabi ni Marie. Parang na-excite rin siya ewan niya kung bakit?

Pagkatapos nilang mag-ayos at maglinis sa opisina ng darating nilang boss ay nagsabay-sabay na silang mag-lunch. Si Shela pala ang babaing naging bagong kaibigan nila na panay ang kwento ng kung anu-ano. Dalawang taon narin itong nagtratrabaho sa bagong kompanya na pinasukan nila. Nakilala rin nila ang mga staffs roon.

Nang hapon na ay nagpaalam na sila sa isa't-isa. Nagpaalam rin si Marie sa kaniya dahil may pupuntahan pa raw ito kaya mag-isa na lang siyang sumakay. Wala kasing taxing dumadaan kaya nag-jeep nalang siya.

Nasa pinakadulo siya ng jeep kaya nang biglang huminto ito dahil may pumara ay nauntog siya hawakan.

"Ouch naman..si Manong driver naman di nag-iingat.." Mahinang sabi niya sa sarili

"Sakay na po Sir!” wika ng konduktor sa lalaking pumara.

Nanlaki naman ang kaniyang mga mata at sobra siyang nagulat nang makita ang lalaking sumakay. Tumaas ang kilay nito nang makita siyang nakatingin rito. Tumabi naman ito sa kaniya dahil wala ng pweding maupuan pa.

"Imposible...Totoo ba ito?"gulat paring sabi niya at hindi makapaniwala.

~End of this Chapter..

######

Sino kaya ang lalaki na iyon? Bakit ganun nalang ang reaksyon ni Trina ng makita ito?

Forgotten BestfriendWhere stories live. Discover now