Matalik na magkaibigan sina Trina at Ranz, hindi sila mapaghiwalay kahit pa man ng kanilang mga pamilya ngunit dahil sa isang trahedya ay nagbago ang mga buhay nila. Namatay si Ranz at pinipilit mang kalimutan ni Trina ang bestfriend ay hindi niya magawa kahit limang taon na ang nakararaan. At lalo na nang makita niya ang boss na kamukhang-kamukha ng nawalang kaibigan. Pero ibang-iba ang ugali ng mga ito dahil napakasuplado ng kaniyang boss at lagi lang silang hindi magkasundo. Samantala, umuwi si Zack sa Pilipinas upang siya na ang mamalakad sa kanilang kompanya at pati narin ang alamin kung bakit pakiramdam niya ay may kulang sa pagkatao niya. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit may lagi siyang napapanaginipang aksidente at isang babaing lagi niyang kasama pero hindi niya maaninag kung sino nga ba ito. Mayroon ngabang kulang sa pagkatao niya? O panaginip lang ang lahat? Read, vote, comment and enjoy!!! (FORGOTTEN BESTFRIEND) by msketcher1