PROLOGUE

259 6 3
                                    

Naranasan mo na bang magmahal? Ako oo naranasan ko na.

Naranasan mo na bang masaktan ng taong minahal mo ng sobra? Ako oo naranasan ko na.

Sa di ko malamang dahilan yung taong minahal ko ng sobra ay iniwan ako.

Bakit?

Hindi ko alam.

Tapusin na natin to.

Hindi na ko masaya.

Kaya ayoko na.

Ang mga salitang huli niyang sinabi bago niya ko talikuran.

Oo masakit.

Oo nakakaiyak.

Oo nakakaloka.

Pero may magagawa ba ko kung ayaw na niya talaga?

Wala naman di ba? Kaya oo tinanggap ko kahit masakit.

Pinilit kong maging masaya kinalimutan ko lahat ng mga pangyayari, kasi naisip ko kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko, kahit na wala siya.

Pinilit ko.

Kinaya ko.

At

Nagawa ko.

Naayos na ang lahat, masaya nako ulit, hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko lagi silang anjan para suportahan ako, bumalik na ang dating ako. Akala ko tuloy tuloy na ang kasiyahan sa buhay ko. Hanggang sa..

Bumalik ako..

Hindi ko pala kaya ng wala ka..

I'm sorry..

Can you give me another chance?

Bumalik siya. Ano ko laruan? Na pag-sawa na iiwanan at babalikan nalang kung kelan mo gusto?!

Oo galit ako.

Sa di inaasahang pagkakataon ng muli ko siyang makita, muling bumilis ang tibok ng puso ko, traydor talaga. Kaso sa mga oras na to, may ibang tao ng nagpapangiti, nagpapasaya at nagmamahal sa akin.

Pipiliin ko ba ang taong una kong minahal at ang taong nagbigay din ng sobrang sakit sa akin?

O ang taong nandiyan sa mga panahong tinalikuran ako ng unang taong aking minahal?

Ipagpapatuloy ko ba ang naudlot naming pag-iibigan?

O magsisimula ng panibagong storya, para kalimutan ang mga masasakit na nakaraan?

Ako nga pala si Mary. Nagmahal ng sobra at bandang huli nasaktan din ng sobra, iniwan at ngayon ay binabalikan ulit.

May tanong lang ako..

Naniniwala ba kayo sa katagang "love is sweeter the second time around?"

Can love be sweeter the second time around?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon