A

102 4 0
                                    

"MARIA!"

"LEONORA!"

"TERESA!"

Automatic na napakunot ang noo ko sa narinig ko, tumingin ako sa dalawang bwisita na kasama ko ngayon sa kwarto ko. At worst dito sila matutulog. Jusmiyo.

"Tsk. Tsk. Tsk. Ibang klase talaga si Tita." Naiiling na sabi ni Elle habang busy-ing busy sa pag kukutkot ng kuko.

"Kaya ngaaaa. She's always calling us like that!" Issa said as she rolled her eyes.

bago pa ko makasagot sa kanila, biglang bumukas na ang pinto.

"Maria, Leonora at Teresa bumaba na kayo at nakahanda na ang hapunan!"

"Ma, Mary not Maria, or Ry for short"

"Wala ngang basagan ng trip. Ay nako magsi tayo na kayo jan at kumain na tayo" etong Mommy ko kung humirit akala mo teenager pa. Tsk

Dahil hindi naman ako mananalo kay Mommy, sumunod nalang kami. Hindi ko malaman sa Mommy ko bakit ganun ang tawag niya sakin. Minsan nakakainis na eh. Tsk.

Nakahanda na ang pagkain pagkababa namin, nakaupo na rin si Daddy at si Kuya.

"Oh mga Hija andito pala kayo, umupo na kayo at ng makakain na." Nasa kwarto/opisina kasi si Daddy kanina kaya di niya napansing dumating ang dalawa.

Naguunahang pumunta sa bakanteng upuan katabi ng Kuya ko ang dalawa.

"Hep! Nauna ko!"

"Tantanan mo ko Teresa!"

"Magtigil ka jan Leonora!"

"Mas matanda ka kaya magpaubaya kana!"

"Jack en Poy na lang!"

Nako eto talagang dalawang to, minsan iniisip ko ako kaya talaga ang pinupuntahan nila dito o yung kuya ko.

Tawa lang ng tawa si Mommy at si Daddy.Nangingiti namang tumayo si kuya at lumipat sa bakanteng upuan sa tabi ko at doon na naupo.

"Elle at Issa" natigil sila ng biglang magsalita si Kuya. "Umupo na kayo para makakain na tayo" sabay ngiti.

"Oh bakit anjan kana nakaupo?" Tanong ni Elle kay Kuya.

"Ang baho mo daw kasi, tabi nga jan uupo na ko!"

"Nagsalita ang babaeng 2x a week kung maligo"

Para talagang aso at pusa tong si Elle at Issa. Di ko malaman kung bakit itong dalawang to ang kaibigan ko. Parehong baliw.

Kung nagtataka kayo kung bakit Leonora at Teresa ang tawag sa kanila ni Mommy, Elleonor ang real name Elle, samantalang si Issa ay Therese. Nakakaloka di ba?

By the way, high way di ko malaman kung bakit andito nga pala tong dalawang to.

"Bakit ba kayo andito?"

"Ang sungit mo naman Maria, ayaw mo bang andito kami?" Ay ang drama. "Tara na nga Teresa ayaw pala tayong makita ni Maria" akmang tatayo na tong si Elle.

"Edi umuwi kana, bakit isasama mo pa ko?" Hindi ko na napigilang tumawa.

*pok*

At nabatukan na nga ni Elle si Issa.

"ARAY AH!"

"Panira ka!"

Sabay sabay kaming tumawa. Napuno ng tawanan, asaran at kalokohan ang buong kusina. Minsan masaya din pag andito tong si Elle at Issa. Kahit sira ulo silang dalawang, mahal na mahal ko naman sila.

Pag katapos kumain umakyat na kami.

Pagkapasok namin sa kwarto, umupo kami sa kama ko.

"Pero seryoso na kasi. Bakit kayo andito?"

Issa held my hand and looked at me. Nagulat ako sa ginawa niya. "Kumusta ka na?"

Natawa ko sa tanong niya. "Anong klase bang tanong yan? Haha!"

"Wag na tayong maglokohan Ry, ok ka na ba? I mean naka move-on kana?" I let out a deep sigh.

"Elle, Issa, darating din ako jan. Ok lang ako" sana.

"It's been a year Ry. Ang tagal na."

"Alam ko Issa. Alam ko." Nakangiti kong sabi.

"Pasukan na bukas." May halong lungkot ang boses ni Elle.

Ngumiti ako bago magsalita. "Dapat sulitin nalang natin tong gabing to!" Sabay hampas ko ng unan sa dalawa.

*pak*

*boom*

*blag*

30 minutes passed..

Sabay sabay kaming napahiga. Hinihingal kami sa mga kalokohan namin. Naritong naghampasan ng unan, nagdaganan, nagwrestling at kung anu-ano pa. Nakakamiss din pala tong dalawang to.

"Buti nalang andiyan kayo. Salamat, kung wala kayo baka naloka na ko."

"Ang drama mo Maria!"

"Hahahahahahaahahahaha"sabay sabay kaming tumawa.

Lunes na bukas, pasukan na.

Dati pag pasukan sobrang excited ako kasi makikita at makakasama ko siya.

Siya.

Pero iba na ngayon.

Wala na siya.

Umalis na siya.

Kaya dapat lang na kalimutan na siya.

Can love be sweeter the second time around?Where stories live. Discover now