B

72 5 4
                                    

"Ry!" Nagulat ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Ry!" Yung boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali, kilala ko ang may ari ng boses na yun.

"Ry.." at bago pa ko makalingon may humawak na sa braso ko.

Pag harap ko...

Nakangiti siya. Oo nakangiti siya. Yung hawak niya sa braso ko unti-unting bumababa sa kamay ko.

Ngumiti ako ng ubod ng tamis. Hinawakan ko ang mukha niya. Pakshet ang gwapo niya talaga.

Biglang kumulog at bumuhos ang malakas na ulan.

Kinuha ko mula sa bag ang payong ko.

Pagka bukas ng payong ko..

Lingon sa kaliwa..

Lingon sa kanan..

Nawala siya.

Tumakbo ko para hanapin siya..

Nakita ko siya..

Pero may kasama, at pinapayungan na siyang iba. Mula sa kinatatayuan ko naririnig ko ang tawanan nila.

Nanlumo ako, kanina lang ako ang kasama niya tapos ngayon iba na?

Unti unti silang lumakad, palayo sa akin..

"Teka!" Lumingon sila sa akin..

Nakangiti lang silang dalawa sa akin. Pagkatapos lumakad na sila ulit.

Tumakbo ako para habulin sila, kaso sa bawat hakbang ko parang mas lalo silang lumalayo..

"Teka!!!!" Sumigaw ako ng ubod ng lakas.

Sobrang bilis ng takbo ko, sa sobrang bilis pwede na kong madapa..

*blag*

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAH" tumayo ako sa kama habang hinihimas ang puwet ko.

"Bwahahahaha. Ano nahuli  mo friend?"

"Baka palaka? Hahahahahahah" etong dalawang to makatawa kala mo mga di mo kaibigan.

"Grabe kayo sakin! Nahulog na nga yung tao pinagtatawanan niyo pa!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH ang likot mo kasi matulog" nag-apir at sabay pang tumawa yung dalawa. Abnormal. -__-

Umupo ako sa kama,

Panaginip.

Pati sa panaginip ko ginugulo niya ko. Bwisit pano ko makaka move-on nito? Aynako!

Tumingin ako sa dalawang abnormal at nanlaki ang mga mata ko.

"BAKIT NAKABIHIS NA KAYO?!" Tumingin ako sa orasan, Ay anak ka ng pitumput-pitong tupa. 7am na pala.

Dali dali akong tumakbo papuntang C.R. bwisit na mga to hindi manlang ako ginising mga walang pakunswelo, nakitulog na nga dito eh. Naririnig kong tumatawa nanaman yung dalawa.

"Dahan-dahan ry! Baka madap---" *blag*

"Kasasabi ko lang baka madapa ka e HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" aray! Nadapa na nga ako sa panaginip tapos nadapa na naman ako. Hay buhay parang life.

Binilisan ko na lang maligo, usually 30mins to 1hour ako naliligo pero ngayon 1 minute! Talo-talo na to! Mamaya nalang ako babawi ng ligo pag uwi.

Habang nasa sasakyan kami, wala parin tigil ang dalawa sa kadadakdak. Hindi na uubusan ng kwento! Hanggang sa mapunta na naman sakin ang usapan..

"Friend ibang klase! Wisik-wisik lang ang nagyari?" Nagsisimula na naman tong si Elle.

"Bwahahaha. Sira ulo ka talaga Elle pag si Ry napuno. Lagot ka." Eto namang si Issa kunyari pa. Pero tawa din naman ng tawa.

Can love be sweeter the second time around?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon