C

57 3 0
                                    

Kiko's POV

Nakakatamad naman ngayong araw, since first day ng school wala naman ganong gagawin. Inaantok na talaga ko, Zzzzzz..

*pak*

"Mr. Ramos! Sino nagsabi sayo na pwede kang matulog sa klase ko?" Sakit! Napingot tuloy ako.

"Uhmm ahh ehh mam, pasensya napo. Puyat po kasi ako" totoo naman eh puyat talaga ko.

"At bakit ka naman napuyat aber?"

"May trabaho po kasi ko tuwing gabi, tapos sa umaga pumapasok po ako" mukhang naniwala na si Ms. Rodriguez sa sinabi ko. Tumango tango siya saka bumalik sa unahan.

"Psst. Ok ka lang?" Tanong ng katabi ko. Ano nga pangalan nito? Ry yata.

"Ok lang" matipid kong sagot.

"Sungit! Pssh!"

"Hindi ako masungit, hindi lang kita feel kausap." Totoo naman hindi ko siya feel kausap saka inaantok kasi ko.

Akala ko tumahimik na siya.. pero akala ko lang pala yun.

"Araaaaaaaay!!!" Napasigaw ako sa sobrang sakit, kurutin ba naman daw ako?

"Ano ba! Bwisit naman oh!"

"Mr. Ramos and Ms. Monteverde!!!!!"

"Ms. etong siopao na to nangungurot!"

"Hoy Casper wag mo kong tawaging Siopao!!!"

"Enough! Both of you get out!!!" Tukneneng naman oh napalabas tuloy.

Nauna na kong lumabas sa inis ko, nananahimik na nga ako eh, hindi ko naman siya inaano. Tsk.

Ry's POV

SUCCESS!!! WOOOOHHHH!!! KANINA PA KO NAGUGUTOM! BUTI NALANG! Sorry na lang kay Casper nadamay siya. Hahahahahaha. Paglabas ko ng room nandun siya at mukhang inaabangan ako.

"Ano ba problema mo?" Mukhang galit siya. Patay kang bata ka.

"Sorry, nagugutom lang kasi ko kaya gusto kong lumabas"

"Pati ako dinamay mo? WOW!" Lagot ka ry! Mukhang galit talaga siya.

Naihilamos niya yung kamay niya sa mukha niya.

"Libre mo ko" huh?

"Ano? Tatanggi ka? Gutom narin ako, since ikaw ang dahilan kung bakit tayo napalabas, libre mo ko" nakatingin lang ako sa kanya.

"Sige na nga" no choice, ok lang naman ilibre ko siya, ang problema lang..

"Bakit ba sila nakatingin satin?" Lahat ng nadadaanan namin nakatingin samin.

"May bago na siyang boyfriend?" Chismosa 1

"Kung sabagay ikaw nga naman iwan agsfsdjhdekfj" chismosa 2

"Pero infairness ang gwapo ng bago niyang boyfriend" chismosa 3

Lumapit siya ng konti sakin, "huy tayo ba pinag-uusapan nila?" Ano ba sa tingin niya? Tss.

"Wag mo silang pansinin" dirediretso kong naglakad papuntang canteen.

Pinaorder ko na siya ng kung ano gusto niya, basta ko burger and fries lang. Pagdating niya, ANG DAMI!

"Pang 5 tao yang pagkain na yan ah!"

"Hehe sorry na! Gutom ako." Ngumiti pa siya. Tsk. Gwapo.

Umupo siya sa harap ko, hanggang sa canteen pinagchichismisan kami.

"Ngumingiti ka pala" sabay kagat ko sa burger.

"Oo naman tao parin ako"

"Eh kanina hindi mo kasi ko pinansin!"

"Inaantok ako."

"Sus" pinanuod ko siyang kumain, para siyang bata. Nakakaloka siya.

"Totoo bang nag tatrabaho ka sa gabi?"

"Ah oo, part time singer ako sa isang bar" singer siya? Omg! Hahaha. Turn on! Ay ry! Ano kaba! Erase erase!

"Talaga kumakanta ka?" Tumango siya habang nguya parin ng nguya.

"Teka bakit ba nila tayo pinagtitinginan?" Sabay turo niya sa isang group ng mga babae.

"Ah hindi lang sila sanay na may kasama kong ibang lalaki." Mukhang naguluhan siya.

"Huh?"

"Dati kasi, si Ki--- Teka! Bakit ang dami mong tanong??!!" Medyo napalakas boses ko kaya nagbulungan sila lalo.

"Kita mo? Ikaw tong masungit." Napapailing na sabi niya habang nguya pa rin ng nguya. Takaw naman nito.

"Bakit dito ka nag enroll?"

"Bakit masama ba?" Aba pilosopo to ah!

"Sakalin kaya kita jan? Bakit nga?"

Nilulon muna niya kinakain niya bago sumagot, ay nako nakakaturn off naman to. Tsk.

"May hinahanap kasi kong babae.." babae? "..babaeng makakasama ko habang buhay." Tumingin siya sakin saka ngumit. "At nandito siya ngayon sa harap ko." Kumindat pa siya. WTH!

*PAK*

"Aray ko naman!!!"

"Ako casper wag mo kong dinadaan sa ganyan!" Ibang klase tong lalaking to! Kinabahan ako dun ha.

"Di ka na mabiro" sabay himas niya sa ulo niya. Napalakas yata hampas ko.

"Teka diba sabi mo singer ka, kantahan mo naman ako please!" Nagpacute pa ko. Turn on kasi talaga ko sa mga lalaking magaganda boses. Sige ry pacute ka pa. Please gumana ka. Please!

Kahit papano palagay na loob ko sa kanya, mukhang mabait naman talaga siya. Masungit nga lang kung minsan.

"Sige na nga! Pero mahal talent fee ko."

"Libre ka na nga may talent fee pa?" He laughed then cleared his throat after.

"Oh, your eyes, your eyes

Make the stars look like they're not shinin'" OMG! Ang ganda nga ng boses niya!

"Your hair, your  hair

Falls perfectly without you  trying" hinawakan niya buhok ko.

"You're so beautiful

And I tell you everyday" ay lintek ngumiti siya! Wag mo kong daanin jan sa mga ngiti mo.

"Yeah I know, I know

When I compliment you,

You won't believe me

And it's so, it's so

Sad to think that you don't see what I see

But every time you asks me, "Do I look okay?" I say," Ry pakalmahin mo nga sarili mo! Teka nga kinikilig kaba? Ang arte mo Ry!

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo, hinawakan niya ang kamay ko saka pilit ako itinayo.

"When I see your face, there's nothing that i would change cause your amazing just the way you are"  Napangiti na ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang arte mo Ry! Ngayon lang kayo nagkakilala niyan! Pbb teens mga ganern? Aynako ha!

Nakatingin lang siya sakin ganun din ako, yung puso ko gusto ng lumabas sa dibdib ko. Ry 1st day of school palang kumekerengkeng ka na. Ganyan ba turo ng parents mo sayo.

Masisisi niyo ba ko, ang ganda ng boses niya eh! Sino ba namang hindi kikiligin!!

Ramdam ang tensyon sa loob ng canteen, alam kong lahat sila samin nakatingin.

Huminga siya ng malalim saka ngumiti.

"Bakit? Naiinlove ka na ba sakin?"

LIKE| VOTE | COMMENT

@jlouuuuu- Twitter/IG

Can love be sweeter the second time around?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon