1
Datapwat sino ang tatarok kaya
Sa mahal mong lihim, Diyos na Dakila
Walang mangyayari sa balat ng lupa
Di may kagalingang iyong ninanasa.2
O, pagsintang labis na makapangyarihan
Sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hahamaking lahat masunod ka lamang.3
At yuyurakan na ang lalong dakila,
Bait katuwira'y ipanganganyaya
Buong katungkula'y wawaling-bahala
Sampu ng hininga'y ipauubaya.4
Bihirang balita'y magtapat
Kung magkatotoo ma'y marami ang dagdag.5
At saka madalas ilala ng tapang
Ay ang guniguning takot ng kalaban
Ang isang gererong palaring magdiwang
Mababalita na at pangingilagan.6
Na kung maliligo'y sa tubig aagap
Nang di abutan ng tabsing sa dagat.7
Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis
Mamamaya'y sukat tibayan ng dibdib
Lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis
Anong ilalaban sa dahas ng sakit?Credits to: http://tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com/2011/09/mga-gintong-kaisipan-sa-florante-at.html?m=1
BINABASA MO ANG
Vin De Cerise // A Modern Florante At Laura Story
Short Story"Love is rare and sweet as cherry wine." - Hozier Ang istoryang ito ay hango sa klasikong obra maestra ng nag iisang Francisco Balagtas na pinamagatang Florante at Laura. Kung hindi ninyo pa nababasa ang istoryang iyon ay maaari pa rin kayong maka-'...