INTRODUCTION

32 0 0
                                    

1
Datapwat sino ang tatarok kaya
Sa mahal mong lihim, Diyos na Dakila
Walang mangyayari sa balat ng lupa
Di may kagalingang iyong ninanasa.

2
O, pagsintang labis na makapangyarihan
Sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hahamaking lahat masunod ka lamang.

3
At yuyurakan na ang lalong dakila,
Bait katuwira'y ipanganganyaya
Buong katungkula'y wawaling-bahala
Sampu ng hininga'y ipauubaya.

4
Bihirang balita'y magtapat
Kung magkatotoo ma'y marami ang dagdag.

5
At saka madalas ilala ng tapang
Ay ang guniguning takot ng kalaban
Ang isang gererong palaring magdiwang
Mababalita na at pangingilagan.

6
Na kung maliligo'y sa tubig aagap
Nang di abutan ng tabsing sa dagat.

7
Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis
Mamamaya'y sukat tibayan ng dibdib
Lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis
Anong ilalaban sa dahas ng sakit?

Credits to: http://tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com/2011/09/mga-gintong-kaisipan-sa-florante-at.html?m=1

Vin De Cerise // A Modern Florante At Laura StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon