ENCOUNTER

9 0 0
                                    

Introduction:

Sa pagdilat ng aking mga mata, dama ko pa rin ang sakit at hapding nararamdaman ko sa aking labi. "Ayos ka lang ba?" Tanong ng isang lalake na hindi ko maaninag ang mukha. Sinubukan kong hawakan at lapatan ng daliri ang aking labi ngunit agad kong ininda ang sakit nito. "Huy! Ayos ka lang ba pre?" Pumikit ako ng madiin nang sa ganoon ay luminaw ang aking paningin. -Allan

Nang luminaw na ang aking paningin, nakita ko sa mukha ng lalaking nakatayo ang pag-alala at kyuryosidad. Sinubukan niya akong itayo ngunit agad kong tinapik at inalis ang kanyang mga kamay sa aking balikat. "Ayos lang ako. Hindi ko kaylangan ng tulong mo." Pagpapanggap ko. -Franz

"Pero mukha kang nabugbog—" -Allan

"Actually hindi, ipagpalagay na nating 'nagpabugbog' ako. Masaya kana?" Tumayo ako kahit medyo nahihilo pa mula sa mga suntok ng mga kung sino mang mga gago yung nambugbog sa akin. Nang makatayo na ako gamit ang aking mga paa, naglakad ako malapit sa isang puno, medyo masakit pa ang aking kalamnan mula sa mga sipang natanggap ko kani-kanina lang. Sinubukan kong maglakad papunta sa isang lugar kung saan mayroong mga bench para makaupo ng maayos. -Franz

Ang totoo, galit ako. Sa lahat. Wala akong pake sa kahit anong bagay sa mga oras na ito. Kaya naaasar ako nang maaninag kopa rin ang lalake na nakatitig sakin at pinagmamasdan ang aking mga kilos. "Ang sabi ko, ayos lang ako. Umalis kana rito. Huwag mona akong pakielaman." Tumingin lang siya sakin at nagkibit balikat. -Franz

Nagsimula siyang maglakad ngunit mukhang hindi niya maiwasan ang lumingon-lingon sa akin. Nag buntong hininga na lamang ako at pinikit muli ang aking mga mata, nang sa gayon ay maibsan ang sakit na nadarama ko sa paraan ng pag iisip ng mga magagandang bagay na mayroon kami dati. Mga masasayang bagay na unti-unti ng nasisira at nawawala. Mga bagay na sa isip ko na lamang mararanasan at makikita. (Insert short clips).

"Gusto mo ba dalhin kita sa hospital?" -Allan

Medyo nagulat ako at napatalon ng kaonti nang bigla na namang sumulpot yung lalake sa tabi ko, kita pa rin sa mukha niya ang pag-aalala. Sa totoo lang, buo na ang loob ko na sapakin siya sa mukha sa mga oras na ito.

"Ano bang sabi ko? Ang sabi ko ayos lang ako—" -Franz

"Oo narinig ko naman yun. Pero iba yung sinasabi lang sa mismong nararamdaman." Napatigil ako sa mga sinabi niya. Sinasadya niya ba yun o naisip niya lang sabihin yun? "Kase sa hitsura mong yan, hindi ka okay eh." -Allan

"Anong hitsura ba ng 'okay', ha? Sige nga, sabihin mo. I-define mo sakin kung ano yung 'okay'?" Nanggigilaiting tanong ko. -Franz

"Okay..." Halata sa mukha niya na nag iisip siya ng tamang salitang dapat sabihin. Sa sandaling iyon, tanging katahimikan lamang ang naririnig ko. Yung uri ng katahimikan na nakakabingi, yung katahimikan na ayaw mo. Yung katahimikang sumisigaw at nagdadala ng sakit at tumatagos sa iyong bungo. Lumingon ang lalaki sa akin at sinabing, "Gusto lang naman sana kitang tulungan." At nang sinabi niya iyon, parang gumalaw ng kaonti ang tinik na nakatusok sa aking dibdib. "Hindi ko lang alam kung sa paanong paraan." -Allan

Tinignan ko siya, sinuri at hinusgahan. Ngunit di ko mapigilang matawa sa mga sinabi niya at alam kong hindi ako masaya at sa mga oras ring iyon, alam kona na hindi rin siya masaya. Nakita ko sa mukha niya ang pagkalito, bakit nga ba ako tumatawa?

"Nakakatawa lang isipin na yung isang taong nakita mo lang na nakahandusay sa damuhan, ni hindi mo man lang alam ang pangalan, ni hindi mo man lang alam ang nangyari, gusto mona akong tulungan?" Kahit ako, hindi ko alam kung anong saysay ng tanong na iyon, ngunit nasa sa isip ko na yun ang gusto kong itanong. -Franz

"Natural lang iyon. Dapat lang kitang tulungan dahil kelangan mo ng tulong." Sabi niya. -Allan

"Kelangan ko nga, gusto ko ba?" Nakita ko sa mukha niya ang pagkadismaya. "Narinig moba akong sumisigaw at humihingi ng tulong? Pero hindi rin naman kita masisisi kung nais mo talaga tumulong." -Franz

Katahimikan muli ang nasa paligid at damang dama ko ang bigat na nakapatong sa aking balikat, hapdi ng putok kong labi, at mga pasa sa aking katawan.

"So, bakit ka nga nandito? Nagpabugbog lang ganon? Trip mo lang? Adik ka?" Tanong niya, ngunit hindi siya nakatingin sa akin habang binabanggit ang mga salitang iyon. -Allan

"Tangina ang kulit mo din eh no?" Napailing na lamang ako. Bakit ba nagpupumilit parin siyang tumulong? Bakit ba ayaw niya na lang akong lubayan? "Pag sinabi ko ba, aalis kana at titigilan mona ako? Kase nakukulitan na ako sayo eh. Ang gusto ko lang naman sana eh ang mapag isa sa mga oras na to. Ano bang gusto mo talagang malaman?" -Franz

"Oo, nakikita ko yung mga sugat at mga pasa sa katawan mo, pero nararamdaman kong yang pisikal na sakit na yan, walang wala sa sakit na nararamdaman mo sa kaloob-looban mo." -Allan

"Wow, lalim mo din eh no?" -Franz

"Wala naman kaseng matino ang 'mag papabugbog' na lang ng walang dahilan." -Allan

Dahil wala na akong ibang pagpipilian at mukha talagang hindi niya ako titigilan hanggat di ako nagsasabi ng kung anong nangyari sakin. At sa palagay ko, sa pagbuntong hininga ko, alam kong tama ang ginawa ko sa paglabas ng sama ng loob.

Vin De Cerise // A Modern Florante At Laura StoryWhere stories live. Discover now