FLASHBACK I

7 0 0
                                    

Flashback: Franz

Sa buhay kase ng isang tao, hinding hindi maiiwasan ang umibig o mapaibig. Nandiyan na iyan. Pero bilang isang tao, kapag tayo nagmahal hindi na natin iniisip kung ano ba ang pwedeng mangyari, ano ba ang maganda at masamang idudulot nito sa atin. Pero para sakin, never ako naghangad ng pag ibig mula sa ibang tao, maliban na lang sa pagmamahal na nagmumula sa mga magulang ko. Ako kase yung tipo ng tao na kapag sinabi kong kelangan ko, kelangan ko, kapag ayaw ko naman, ayaw ko talaga. Ang laman lang ng isip ko eh to have a career or maging successful sa buhay. Kaya hindi ko akalain na malilinlang ako ng salitang tinatawag na pag ibig.

Simula nung makilala ko siya, wala na akong ibang ginawa kung hindi ang isipin siya at kung anong kaya kong gawin para sa kanya. Oo mukha akong walang kwentang tao pero kapag ginusto ko, makukuha ko. At ayun na, nakuha ko siya, naging kame at maraming nangyari. May mga bagay at pagkakataon na masaya na talaga namang iniingatan ko sa aking isip at hindi ko kayang malimutan. Pero kung sinasabi ko sa sarili ko na, hindi ko kayang kalimutan, kaya naman ng ibang tao na ipalimot lahat ng iyon para sa akin at yun ang pinakamasakit na katotohan pagdating sa pag ibig.

Gusto ko siyang ingatan kase akala ko masarap siyang ingatan.
Gusto ko siyang mahalin kase akala ko deserve niya yun.
Gusto ko siyang maging akin lang kase akala ko akin lang siya.
Sineryoso ko siya dahil ang akala ko seryoso rin siya sa amin.

Oo masarap magmahal at mahalin, pero kapag nandoon kana sa puntong hindi na kayo magkaintindihan dahil ang laman lang ng isip mo eh "mahal mo siya", para kang tangang naghahanap ng kasagutan sa tanong na wala namang tamang sagot.

Oo masarap magmahal, pero masusubok ang pagmamahal kapag dumating kana sa puntong kelangan monang pumili dahil alam mona sa sarili mo na unti-unti kanang nadudurog. Yung tipong nasa oras kana na kelangan mo lang ng isang kasagutan ngunit mayroon ka lamang dalawang pagpipilian;

A.) Ang ipaglaban pa ang pagmamahalan binuo ninyong dalawa ngunit walang kasiguraduhang tutulungan ka niya sa labang iyon.

B.) Ang lumisan at gibain ang bawat pundasyong pinaghirapan ninyong buuin at hayaang lamunin ng kalungkutan.

Diba, kahit anong piliin mo sa dalawang iyan, basta nagmahal ka, laging may consequences. Kase akala natin sa una, madali lang magmahal. Oo, madaling makahanap ng pagmamahal, ngunit mahirap itong panatiliin o patagalin.

Halos maglilimang taon na kame sa susunod na buwan pero kamakaylan lang, mga isang linggo lang ang nakakaraan, nagkaroon kami ng di pagkakaintindihan. (Insert 'nag-aaway na Franz at Lora' scene).

Pagkatapos ng isa, dalawang araw, nagkaayos kame. Tapos ayun, nag away ulit. Pinilit kong ayusin pero siguro nakatadhana na ako ang maging kawawa sa love story namin, or baka naman ako lang talaga yung nagmamahal ng lubusan kaya ako dapat yung masaktan.

Medyo mainit pa ulo namin sa isat isa, buti na lang ay may isa mga tropa namin ang nagpaparty sa kanyang bahay at doon muna kami nagpalamig ng mga ulo at damdamin. Kahit papaano naman naibsan yung galit o inis na nararamdaman ko. Nagkakasiyahan na sa party at hindi kami magkasama ng mga oras na iyon, naka upo ako sa sofa kasama ang mga ibang tropa samantalang siya naman ay kinakausap ng bestfriend niya.

Habang nakatitig lang ako sa kanya, hindi ko matatanggi na sobrang ganda niya, akin lang siya, iingatan ko siya, at doon na nga sumagi sa isip ko na itutuloy kopa ba yung gusto kong gawin? Dahil sa mga oras na yun ay pursigido na akong ayusin muli ang gusot at... magpropose na sana sa kanya. Ngunit sa sobrang saya ng party na iyon, medyo mabigat na ang ulo ko dahil napadami na rin yung nainom ko. Mabigat na ang mga talukap ng mga mata ko at para bang lumalabo at umiikot na ang aking paningin at sa hindi ko inaasahang pangyayari, napapikit na lamang ako at nahulog sa mahimbing na pagtulog.

Sana, hindi na ako gumising ng mga oras na iyon.
Sana, natulog na lang ako at nanaginip.
Sana, hindi na lang din ako uminom.
Sana, di na lang ako tumayo doon sa sofa.
Sana, pinigilan kona lang ang aking nasusukang sikmura.
Sana, di na lang ako umakyat ng hagdan.
Sana, hindi kona lang binuksan yung pinto doon sa kwartong iyon.

Edi sana, hindi ko sinasabi sa sarili ko na "Sana nagsawa na rin ako kaagad tulad ng pagkasawa niya sa relasyon namin." Dahil ang mga nakita ko roon ay ang pinaka ayaw na makita ng isang taong nagmamahal; ang makita ang taong mahal niya na may kasamang iba sa dilim.

Hindi nila ako nakita, dahil medyo busy nga yung mga 'hayup', at diko naman masyadong binuksan yung pinto kaya ayun, nagdesisyon na lang akong bumalik sa baba, naglakad palabas ng lugar na iyon, walang emosyon sa mukha, at may para bang matalim na bagay ang nakatusok sa aking dibdib habang ako ay naglalakad sa kalsada at tanging malamig na hangin lamang ang humahaplos sa aking balat, samantalang siya naman ay masaya at walang kaalam alam tungkol sa akin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako rito pero dahil tulad nga ng sabi ko, ako ang tinadhanang yakapin ng kamalasan sa aming love story, ayun, na saktuhan ako ng dalawang adik at binugbog ako. Hinayaan kona lang silang saktan ako, wala naman na akong pake. Hindi ko rin naman alam kung ano ang nararamdaman ko at kung ano ang dapat kong maramdaman, kaya heto ako ngayon, bugbog sarado ang katawan at wasak ang emosyon.

Hindi ko alam kung ayos lang ba ako o kelangan ko ng tulong. Ang alam ko lang, wala akong pake sa kahit ano at pagod na akong ipaglaban pa yung mga bagay na sa una pa lamang ay hindi na dapat pang pahalagahan. Alam kong iisipin mo na masyado akong OA pagdating sa mga nangyari sakin pero, may mga pagkakataon talaga na nakakatawa yung mga taong nagkakamali at nagpapakatanga.

Ngayong alam mona kung bakit andito, matatahimik kana ba?

Vin De Cerise // A Modern Florante At Laura StoryWhere stories live. Discover now