PROLOGUE

7 0 0
                                    

Ang isang tao, kapag nagmahal, kahit anong bagay ay susubukin para lamang sa taong bumihag sa kanyang puso. Pero kapag ang isang tao, nasubok ang pagmamahal, may dalawang bagay lamang siyang pagpipilian; ang lumaban o sumuko. Dahil sabi nga nila, "Kung sino pa yung taong mahal mo, yoon pa ang taong makakasakit sayo, at ang dudurog sa puso mo."

Sa pagmamahal, may mga bagay na dapat mong malaman, intindihin, at tanggapin. Isa rito ay ang Paglaban - ito ay ang isa sa pinakamahirap na gawin at isakatuparan sapagkat dapat mong malaman na sa pag ibig, hindi lahat ng bagay ay kinakailangang ipaglaban. Hindi mo dapat ipagpilitan ang bagay na hindi para sa inyo o para sa iyo. "Dahil kapag kayo talaga, kahit ang kalangitan ay sasang-ayon sa para sa inyo."

Pangalawa, ang Pagsuko - ito ay ang oras na ikaw ay namulat at naliwanagan sa mga bagay bagay. Ito ay ang pinakamasakit na parte sa pagibig sapagkat ito ang magpapakita sayo ng tunay na halaga ng isang bagay na nais mong makita at masilayan sa mga oras na ikaw ay nabubulag ng iyong damdamin. Sa oras na sumuko ka, doon mo lamang malalaman ang halaga ng isang bagay bago mo ito bitawan. Ang pagsuko ay hindi nangangahulugang ikaw ay mahina, bagkus, ang ibig sabihin nito ay handa ka nang simulang pagalingin ang sugat na nasa iyong puso at ang tanging nais mo lamang ay ang makabubuti sa inyong dalawa.

Ang huli ay ang Pagtanggap - ang pagtanggap ay nahahati sa tatlong kahulugan. Ang unang kahulugan ay ang pagtanggap sa pagkatao ng isang indibidwal, ang mga bagay na ginagawa niya, mga bagay na pinaniniwalaan niya, mga bagay na sa tingin niya ay tama, kasama na rito ang pagtanggap sa kanyang nakaraan.Ang pangalawang kahulugan ay tulad lamang ng paglaban ngunit dito, ikaw ay bulag sa katotohanang ang inyong nararamdaman ay nasa sa punto na ng unti-untinh paglaho ngunit nagpapakatatag ka na kaya mo pa, kaya niyo pa, kakayanin pa. Ang pangatlo ay ang pagtanggap sa kung ano mang kahihinatnan ng mga bagay na posibleng mangyari, mga bagay na sa ayaw at sa gusto mo ay mangyayari't mangyayari pa rin.

Sa madaling salita, ang pagibig ay hindi lamang isang salita at nararamdaman ng isang tao, nakapaloob rin rito ang iniisip, ninanais, at ginagawa ng isang tao para sa kanyang minamahal. Ang pagibig ay hindi isang madaling bagay na minamadali o kaya naman ay binabalewala. Ito ay isang bagay na kapag pinahalagahan ay maaaring maging isang malaking parte ng iyong buhay, ngunit kapag ito ay dinama at sinabi lamang maaari itong maging isang usok na madaling hipan at madaling maglaho. "Dahil ang pagibig ay hindi ginugusto o hinahangad, bagkus, dumadating ito ng kusa sa ating buhay ng hindi man lang natin namamalayan, kaya maaari rin itong mawala ng ganon ganon na lamang."

Ngayon, ang kwentong inyong makikita ay hindi isang kwentong pagibig, isang kwentong maglalahad ng pagmamahalan ng dalawang tao. Dahil, ang kwentong ito ay magkukwento lamang sa inyo tungkol sa kunh ano ang pagibig at ang nakatagong katotohanan sa anino ng makapangyarihang salitang iyon.

Vin De Cerise // A Modern Florante At Laura StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon