Chapter 3: Enrollment

1.1K 61 0
                                    





Light POV

"Shit tol, ang daming magagandang chikas pala dito. Hindi manlang sinabi ni Thea saatin edi sana matagal na tayong lumipat dito" ngiting-ngiting sabi ni Silver habang palinga-linga sa mga dumadaan na babae na tinitignan din kami.


"Manahimik ka jan Silver. Mag tino-tino ka na. Hindi dapat niloloko ang mga babae" panenermon ko kaya etong katabi ko biglang simangot.


Andito kasi kami sa School kung saan nag aaral sila Ate. Ang Aphrodite Academy ang name ng paaralan, isa etong Elite school. Dito nag aaral ang mga anak ng mga businessman or kilala dito sa bansa kaya in short spoiled brat ang mga tao dito dahil puro mayaman. Siguro yung iba ay hindi. Pero kasi sa nakikita ko puro mga mamahalin na damit ang suot nila at nag yayabangan pa kung saan sila last nag bakasyon.

Enrollment kasi ngayon kaya madami ding tao dito sa school.


"Ang lawak pala ng school nila Thea." Manghang sabi ni Silver. Tama nga siya malawak etong school kaysa sa dati naming pinapasukan.


"Para kang shunga jan. Asan na ba si thea?" inip kong sabi habang palinga-linga.

"Ang sabi nya hintayin tayo sa canteen pero walangjo. Alam ba natin kung saan ang canteen na yan!?!" medyo iritang sabi din ni Silver. Kasi naman akala namin sasamahan kami pero eto kami ngayon hinahanap yung sasama saamin. -_-


Andito kami ngayon sa may hallway nag lalakad papunta kung saan pero biglang naman nahawi ang daan at tumagilid ang mga studyante. May nakita naman kaming tatlong dyosa na parang model at para ding asa Red carpet kung maglakad.


Bigla naman akong Siniko netong katabi ko at ngumuso sa tatlong Magagandang babae na papalapit saamin kaya napatingin din ako dito. Aaminin ko, magaganda silang tatlo pero napukaw ang tingin ko sa babaeng asa gitna nila.  Iba kasi ang ganda nya, para siyang Goddess of Olympus.


Mahaba't maitim ang buhok. Medyo singkit ang kanyang mga mata at matangos ang ilong. Napatingin naman ako sa labi nyang mapupula. Siguro ang sarap nyang halikan.



Napangiwi nalang ako sa iniisip ko.


"Excuse me" rinig kong sabi ng dyosang babaeng asa harapan namin. Hindi ko alam pero napatitig lang ako sakanya dahil iba talaga ang epekto nya saakin.


Napatigil lang ako sa pag iisip at kakatitig sa magandang taong asa harapan ko ng kalabitin ako ni Silver.


"Hoy, Light gilid ka na jan. Dadaan sila" rinig kong bulong ni Silver sabay pasimpleng nguso sa tatlong taong asa harapan ko. Kaya naman napatingin ako sa paligid ko na nakatingin din saamin at nag bubulong bulongan. hindi ko namamalayan na nakaharang pala ako sa daanan.



mabilis naman akong gumilid dahil nga nakaharang ako sa dinadaanan ng tatlong eto.


"S-sorry miss" nauutal kong sabi dahil natutunaw ako sa titig nya saakin.

Inirapan lang ako at flinip nya ang kanyang buhok tas umalis nalang sila basta kaya napakunot ng  nalang ulo at biglang nainis.


"Itchura mo" natatawang sabi ni Silver.


"Manahimik ka jan. Bat sila ba ang may ari ng daan at kailangan natin gumilid para lang makadaan sila? Ang lawak lawak ng daan talaga pang sa gitna pa sila nag lakad" naiinis kong sabi. Ngayon ko lang kasi narealize yung inasta nila kaya bigla din akong nainis.


"Hooh! Kung makatitig naman kasi yung isa jan" parinig ni Silver kaya binatukan ko lang siya at nauna ng mag lakad.

Napailing nalang ako sa isipan ko dahil hindi maalis ang itchura nya sa utak ko lalo na yung asa gitna.




FORELSKET (Sequel/BOOK 2)Where stories live. Discover now