Chapter 1

28 6 0
                                    

Nasa bahay ako ngayon nila Zeke dahil naglalaro kami

"Ano ba Zeke akin na nga yung teddy bear ko" pilit kong hinihila ang teddy bear ko na hawak nya

"Ayoko nga" tipid nyang sagot sabay hila nang teddy bear

"Bitawan mo na nga Zeke! Sige ka susumbong kita kay yaya" hindi sya sumagot at pilit na hinila ang teddy bear ko

"Zeke bitawan mo na nga" hinihila parin ni Zeke ang teddy bear ko hindi ito tumigil hanggang sa nawatak ang teddy bear sa dalawa

Agad namang tumulo ang luha ko dahil favorite ko ang teddy bear na iyon. Binitawan ko ang teddy bear at pumunta sa garden nila Zeke

Umupo ako sa bench at umiyak
"Isusumbong kita kay Naruto para i- rasengan ka nya. Tapos isusumbong din kita kay Sasuke para i-chidori ka nya" kinusot ko ang mga mata ko at patuloy na umiiyak

Naramdaman ko ang malaming na kamay ni Zeke sa Pig tail ko

"Sorry na, bibigyan nalang kita nng barbie at candy. Tsaka wag mo na akong ipabugbog sa kanila baka mawalan ka nang gwapong kaibigan sige ka" aniya sabay umupo sa tabi ko

"O sige na nga patatawarin na kita pero ipapabugbog parin kita" saad ko at tumigil sa pag iyak

"Maawa ka naman sa pogi kong muka" aniya sabay nang pa pogi

"Maaawa ako kung gwapo ka pero kamuka mo lang si Choji na may pagka Jiraiya" saad ko sa kanya at tumayo

"Cath, Zeke kumain na kayo nang meryenda. Zeke pinapatawag ka rin ni Mommy mo" sabi ni Yaya Kristina at saka pamasok sa loob nang bahay

Agad naman kaming tumayo ni Zeke dahil nagugutom na kaming dalawa. Pagka upo namin sa lamesa unang nakaakit sa mata namin ang Ice Cream at Bibingka

"Ice Cream!" Sigaw ni Zeke

"Bibingka!" Sigaw ko naman sabay tinusok ang bibingka na nasa platito

Sinubo ko nang malaki ito, ngayon ay parang malaking libo na ang bibig ko. Kumuha naman nang ice cream si Zeke sa container at inilagay sa baso saka humarap saakin natawa ako sa itsura nya dahil puro mantsa ang kanyang bibig agad naman syang tumawa pabalik saakin

"B-bakit ka tu-m-matawa h-ha?" Pilit kong ibinuka ang bibig ko dahil hindi ako makapagsalita dahil sa bibingka

"Y-yung muka mo" aniya sabay palo sa table at sinabayan nang pag tawa

"T-tsse" sabi ko sabay nguya nang mabuti. I lang segundo din ang nakalipas bago ko na lunok lahat nang iyon

Bumukas ang pintuan sa sala at ang Mommy ni Zeke iyon nakikita ko sa mga mata nya ang galit, lungkot, sakit at pagkadismaya. Agad siyang umupo sa tabi ni Zeke at pinapunta muna ako sa kwarto malapit sa sala. Itong kwartong ito ay kwarto ni Yaya Kristina nandito ang anak nyang babae na si Clarisse. Umupo nalang ako sa gilid nang pintuan. Natutulog si Clarisse kaya ako lang ang nakarinig sa usapan nila

"Zeke anak, nag-away kasi kami nang papa mo. Naghiwalay kami nang papa mo" sabi ni Tita Sherry at pinunasan ang kanyang mga luha "Anak sumama ka saakin papuntang Maynila doon na tayo maninirahan at doon ka na rin mag aaral"

Nagulat ako sa mga sinabi ni Tita Sherry. Bakit sila naghiwalay ni Tito Marc? Ayokong mawalan nang kaibigan

"Mommy paano mo si Daddy? Tsaka ayaw ko pong umalis dahil maiiwan si Cath" nagpupumilit na sabi ni Zeke

"Pero anak mamayang gabi na tayo luluwas papuntang Maynila. Pinaimpake ko na rin ang mga gamit mo kay Yaya Kristina, sige na mag meryenda na kayo ni Cath" tumayo na si Tita Sherry at umalis agad akong lumabas sa kwarto at pinuntahan si Zeke

Nakaharap ako ngayon kay Zeke
"Zeke aalis ka na talaga?" Tanong ko

"Oo Cath, sabi ni Mommy doon na ako mag- aaral at doon narin kami maninirahan" aniya

"Ang daya mo naman Zeke!! Sinira mo na nga yung teddey bear ko tapos aalis ka din" kinukusot ko ang mata ko dahil tumutulo na ang mga pinipigilan kong luha

"Tahan na" aniya at pinunasan ang mga luha ko "Huwag kang mag alala hindi kita makakalimutan. Wag mo din akong kalimutan ah" sabay gulo sa buhok ko

"Oo naman! Kain na nga tayo gutom pa ako eh" kinain ko ang natitirang bibingka at kinain din ni Zeke ang natitirang ice cream

Pagkatapos kumain ay tumayo ako at natulog sa kwarto ni Zeke. Nagising ako sa kabog nang pintuan. Binulat ko ang aking mga mata at lumabas nang kwarto. Nakita kong nakabihis na si Zeke at kumakain sa lamesa

"Zeke mag ingat kayo ah" nalulungkot kong sabi kay Zeke saka umupo

"Pupunta na daw mamaya si Mommy mo para sunduin ka" aniya

"Okay...... Zeke kelan ba kayo babalik dito?" Diretsong tanong ko kay Zeke

Huminga muna sya nang malalim bago sagutin ang tanong ko "Ang sabi ni mommy babalik daw ako kapag tapos na akong mag aral" aniya at pumasok sa kwarto at may kinuhang bagay hindi ko na iyon nakita dahil naka tingin lang ako sa mesa.

Hindi ko na nakausap si Zeke dahil tinatawag na sya ni Tita Grace para sumakay sa taxi kumaway nalang ako sa kanila at pinanood ang pag alis nang kotse sa bintana. Agad namang dumating si Mommy at hinatid ako pauwi.

Nagising ako sa ingay nang phone ko. Agad ko iyong pinatay at tinignan ang oras 5:45 palang naman. Biglang akong naliwanagan dahil naalala ko ang napaniginipan ko

"I dreamed about Zeke again" saad ko sabay tingin sa kisame

"I really miss him. And my dream it's so clear it feels like it just happened yesterday" bumangon ako sa kama at naligo. Kahit Saturday ngayon maaga parin akong nagising para paghandaan ang araw na ito dahil luluwas ako papuntang Manila para mag aral nang college . At hindi lang iyon ang pinunta ko. Pumunta ako para makita si Zeke

Mamayang gabi na ang alis ko papuntang Manila. Hindi ko kasama sila mommy at daddy dahil nasa States para sa Business kaya ako lang mag isa. Narinig kong tinatawag ako ni Yaya Kristina kaya't bumaba ako

"Sa iyo ba ito Catherine?" Aniya at may kinukuhang bagay na nasa drawer

A/N:
Hey! Tysm for reading i luv u sm! Please vote thank u!

The Day After ValentinesWhere stories live. Discover now