Chapter 7

18 4 0
                                    

Cath's POV
Nandito kami ngayon sa park nang university at nagkwekwentuhan "Uy kailangan ko na nang boyfriend lumalaos na yung beauty ko!" Saad ni Janella napatawa nalang kami ni Cassandra dahil kakabreak lang nila Janella at Kyle last month tapos magbo-boyfriend nanaman si Janella

"Ikaw talaga loko kang babae ka! Kaka break nyo lang tapos magbo-boyfriend ka nanaman" sabi ni Cassandra habang kumakain nang chips, inagaw ko ang chips kay Cassandra at nagsalita "Hayaan na natin sya basta kapag nabuntis yan kami ninang ha!" Pang-aasar ko kay Janella habang tinapik ang balikat nya

Ngumuso si Janella at napacute pa, saaming tatlo si Janella ang pinaka magaling magpacute kaya wala na kaming nagawa ni Cassandra at tumango nalang sa kanya "Sige na nga hahanapan kita nang ka-blind date" ngumiti si Janella at nagtatatalon talon

Biglang napaupo si Janella nang dumating si Carl at umupo sa tabi ko bumulong sya saakin at may sinabi "Cath, pwede ba kitang maging kaibigan?" Muntik ko nang maibuga ang chips na kinakain ko nang sabihin nya yon. Tumawa kaming tatlo dahil sa ginawa ko "Seryoso ka ba dyan Carl? Baka may sakit ka na dyan ha" tinapik ko ang balikat ni Carl at tinuloy ang pagtawa

"Ano yun Cath?" Tanong ni Janella saakin tumingin ako sa direksyon ni Cassandra para makita kung naaapektuhan pa sya kay Carl pero ngumiti sya saakin na parang sinasabi ang 'don't worry naka move on na ako' tumawa ako sa huling beses at nagsalita "Sabi kasi ni Carl gusto nya daw akong maging kaibigan" tumatawa silang dalawa habang kausap ko si Carl

"Hindi ako papayag na maging kaibigan ang isang tulad mo noh" sabi ko kay Carl napatingin nalang sya saakin at mukang nagtitimpi sya nang galit nya "Ouch..." napahawak sya sa dibdib nya at umarte "Gusto ko lang naman maging magkaibigan tayo" napangiti nalang ako nang paasar sa kanya

"Dahil nagpupumulit ka, magiging kaibigan kita pero sa isang kundisyon" napapikit nalang si Carl sa sinabi ko at pilit na ngumiti "Sige, ang mahalaga maging kaibigan kita" sincere na sabi nya pero kahit maging magkaibigan kami hindi ko parin sya papansinin "Maging slave kita for 1 week" alam ko na ang isasagot ko kaya't mabilis ko itong sinabi sa kanya

Bakas ang gulat sa mata nya pati narin sina Janella dahil narinig nila ang conversation namin "S-seryoso ka Cath?" Nanginginig na sabi nya siguro natatakot sya saakin dahil alam nyang pahihirapan ko sya pero chill lang Carl hindi kita sasaktan, tatakutin lang kita "Magsisimula ka mamayang uwian"

Napapikit nalang si Carl at sumandal sa upuan "Hanapan mo ako nang ka-blind date mamaya ah" sabi ni Janella saakin. Bigla akong napangiti dahil may binabalak akong masama kay Carl ito ang unang utos ko sayo hehe

"Carl" umayos sya nang upo at tumingin saakin "Hmm?" Malambing na sabi nya. Yuck kadiri eww disgusting lahat na ata nang kadiri sinabi ko na sa kanya kanina pa pero mabait ako kaya hindi na "Dahil slave kita hanapan mo nang ka blind date si Janella tutal lagi ka namang nasa bar at marami kang kilalang lalaki kaya hanapan mo sya nang ka blind date"

Napalunok si Carl at pilit na ngumiti "Ahh? S-sigurado ka? Kelan ko sya ha-h-hanapan?" Nauutal na sabi ni Carl tinignan ko si Janella at hindi maipinta ang kanyang muka "Hanapan mo sya mamaya nang ka-date siguraduhin mo lang na matino yung lalaking ipapakilala mo dyan ha. Tapos bukas dalhin mo yung lalaki sa isang restaurant sasabihin ko nalang sa iyo yung address" tinapik ko yung balikat ni Carl senyales na maghanap na sya nang ka date ni Janella

"Dapat gwapo, macho, at virgin ah" muntik na syang tumawa sa luhi kong sinabi tumango nalang sya at umalis sa parke

"Yey! May kaa blind date na ako!" Sigaw ni Janella saamin "Maganda rin pala na naging slave mo si Carl nagkaron na tuloy nang blind date itong si Janella" nakangiting sabi ni Cassandra habang tumatayo

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Janella habang hinihila ang kamay ni Cassandra para umupo "May klase pa kasi ako eh mamaya nalang ulit tayo mag-usap usap" sagot ni Cassandra

Kinuha nya ang bag nya at saka umalis "Pasok narin tayo sa klase natin" tumayo kami ni Janella at pumunta sa klase namin iba kasi ang course ni Cassandra kaya't iba din kami nang klase magkaparehas lang kami sa science, math, at psychology. Nang makarating kami sa klase umupo kami at hinintay dumating ang professor

Carl's POV
Nakakainis dahil ginawa pa talaga akong slave ni Catherine at gusto nya pang hanapan ko nang kablind date si Janella may maghahabol bang lalaki dun sa pangit na yun malamang kapag nasa blind date na sila masusuka yung lalaki sa muka nya. Cute lang sya pero hindi sya maganda hindi ko nga alam kung anong nakita ni Kyle doon eh. Mamaya ko na yun proproblemahim dahil nandito kami sa bar at nag-eenjoy kasama ang mga babae

"Hoy Carl! Kwentuhan mo naman kami kung anong nangyari kanina sa inyo ni Catherine!" sigaw ni Jacob dahil masyadong malakas sa bar kaya hindi kami magkaintindihan lumapit ako sa kanya para marinig nya ang mga sinasabi ko "Bro ginawa nya akong slave for 1 week eh kilala mo naman yun baka kung anong iutos saakin bwiset talaga" sabi ko habang umiinom nang alak

"Bro tama lang yang ginagawa mo pag naging kaibigan ka nya paibigin mo tapos sirain mo ang puso nya para makaganti ka" sabi ni Jacob habang hinahalikan yung babaeng kakakilala nya lang kanina "At malala pa dahil inutusan nya ako para hanapan nang ka blind date si Janella" naubos ko na ang bote nang alak kaya binuksan ko ulit ang ilang alak at ininom ito

Tumingin ako kay Jacob at nakita ko syang tumango. Masyado kasing busy sa kalibugan eh biglang dumating si Kyle at umupo sa tabi ko para uminom. Nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito

From: 0906********
Bukas sa Katherine's Cafe, 3:00 pm lagyan mo pala nang takip yung mata nang ipapablind date mo kay Janella

-your master

Fvck. Bukas na pala yun nakalimutan ko pa! Tsaka pano nya nalaman yung phone number ko? Stalker ko ata sya eh! Tumingin ako sa direksyon ni Kyle at ngumisi "Kyle naghahanap ka ba nang chicks? Gusto mo iblind date kita?" Biglang natigilan si Kyle sa pag inom nang alak at ngumiti saakin

"Basta chicks go ako" sabi ko na nga ba papayag to eh. Basta chicks go lang sa kanya. Alam kong mali na i-bli-blind date ko sya sa ex nya pero no choice na ako dahil bukas na yon at wala na akong kakilala na gustong makipagblind date

Bahala na bukas...

A/N:
Hey! Salamat dahil naka-abot ka dito. Tysm for reading i luv u!

The Day After ValentinesWhere stories live. Discover now