Chapter 2

24 5 9
                                    

"Sa iyo ba ito Catherine?" Aniya at may kinukuhang bagay na nasa drawer

Hawak hawak ni yaya ang kalahati nang katawan ng teddy bear. Naalala ko ang lahat nang nangyari noong bata pa ako

"Yaya saakin po iyan pakilagay nalang sa kwarto ko" tumango si yaya at umakyat sa taas ako naman ay umupo sa lamesa at kumain

Bakit nanduon pa iyon? Ang akala ko ay tinapon na yon dahil sira na. Iyon lang ang natitirang alaala ko kay Zeke. The last memory i want to treasure

Aaminin ko first love ko si Zeke. Hanggang ngayon naghihintay ako sa pagdating nya dahil kahit sa isang sandali napasaya nya ako. I miss him so much, i miss how he talk to me, i miss every piece of him. I miss you Zeke. So much that i can't sleep without remembering you.

→→→
Nasa kotse na ako ngayon paluwas nang Pampanga at papuntang Manila. Ayaw kasi akong ipag-bus ni mommy at ni daddy kaya't sa kotse ako magbya-byahe.

Nakatingin ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga bituin na nasa kalangitan. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya't agad ko itong sinagot

"Hello?" Tanong ko sa tumatawag

"Hi Eli" narinig ko ang boses ni Aaron mula sa kabilang linya. Si Aaron ang naging kaibigan ko simula nang mawala si Zeke. Classmate ko sya dati nung elementary tapos simula noon naging magkaibigan na kami. Sya lang din ang tumatawag saakin sa second name ko

"Uy Aaron!! Na miss na kita kahit kakakita lang natin kanina" nagkita kasi kami kanina sa bahay para magpaalam ako sa kanya

"Ikaw talaga Eli! Kung nandyan lang ako ginulo ko na ang buhok mo" aniya

"Oo ikaw pa ba! Tsaka promise mo ah bibisitahin mo ako dito tuwing bakasyon. Malapit lang naman ang Pampanga sa Manila eh" pagbibiro kong sabi at humiga sa back seat nang kotse

"Oo promise ko yun wag kang mag alala. Tsaka saan ka maninirahan at mag aaral" nag iba ang tono nang boses ni Aaron at naging seryoso

"Tsshh wag kang mag alala pag dating namin sa Manila may bahay na akong tutuluyan tapos may University na rin akong papasukan yun yung San Fransico University. Maganda at magarbong paaralan yon. Next week na ang pasukan at nahanda ko na ang mga gagamitin sa paaralan kaya wag ka nang mag alala ma-iistress ka lang dyan eh" sabi ko para kumalma si Aaron. I'm sure mag aalala iyon saakin kapag hindi ready ang lahat

Ilang minuto rin ang tinagal nang usapan namin bago ko ibinaba ang telepeno. Nakaramdam ako nang antok kaya't natulog ako buong byahe

"Maam Catherine nandito na po tayo gising na po kayo" narinig ko si manong kaya't inulat ko ang mga mata ko at lumabas nang kotse

Kukunin ko na bag bag ko pero kinuha ito ni manong at binuhat "Maam Catherine kami na po ang bahala sa mga gamit ninyo" aniya

"Salamat manong mag almusal at magpahinga nadin kayo pagkababa nyo nang mga bagahe ko" saad ko kay manong at tuluyang pumasok sa bahay

Maganda at Malinis ang buong bahay agad namang bumungad sa harapan ko ang mga maids at bodyguards

"Magandang umaga po Maam Catherine" wika nang mga katulong at bodyguards

"Salamat po magandang umaga din. Cath nalang po itawag nyo saakin at huwag po kayong mahihiya kapag gusto nyo akong kausapin. At gusto ko rin po na sabay sabay tayong kumain" sabi ko sa mga katulong at bodyguards tumango naman sila at pinaakyat muna ako para magpahinga.

Pumasok ako sa kwarto ko at pinagmasdan ito. Kulay puti ang pader at sa gitna may king size bed sa bandang kaliwa naman ay mayroong bookshelf, closet at make up table. Sa bandang kanan naman ang banyo at malaking mirror na kita ang buong gusali

→→→
First day of school ngayon kaya't maaga akong nagising para mag ayos nang sarili. Naligo ako at kumain. Wala pang uniform dahil next week pa kailangan kaya ang suot ko ngayon ay jacket na crop top at ripped jeans. Ang kalahati naman nang buhok ko at nasa kaliwang braso at naglagay di ako nang liptint at blush on. Natural lang ang make up ko dahil ayoko nang makapal na make up.

Sinabi ko na rin sa driver na ako na ang magdri-drive mag isa at tatawagan ko nalang sya kapag may problema. Tumango naman si manong at pinagdrive na ako

Nakarating na ako sa University ay mangha na mangha talaga ako dahil sa laki at ganda nang paaralang ito. Hinanap ko muna ang room nang head mistress para kausapin sya. Ganoon daw kasi ang ginagawa nang mga mayayamang nag transfer dito.

Kumatok ako sa pintuan at pumasok dito. Nakita kong nakaupo ang head mistress kaya't umupo ako sa harapan nya

"Good Morning Ms. Santiago" aniya

"Good morning din po" nahihiya kong sagot

"Wag kang mahiya Ms. Santiago welcome na welcome ka dito sa school na ito. Paglabas mo nang room nandiyan si Janella para i-tour ka sa buong paaralan. At dumeretso narin kayo sa amphitheater para sa announcements" tumango ako sa head mistress at umalis nang faculty

Pagkalabas ko ay nakatayo ang isang babaeng maganda at nakangiti. Nakasuot din sya nang glasses

"Hi ako si Janella Barrios" nakipagkamay sya saakin at ngumiti

"Hi ako si Catherine Eli Santiago you can call me Cath" sabi ko at ngumiti

"Nice to meet you. Halika ituturo ko saiyo ang mga room dito sa University" aniya

Naglakad sya at sinundan ko naman sya. Sinabi nya na magkape muna daw kami dahil mas masaya daw na magtour nang may pagkain

Pumunta kami sa pinaka malapit na starbucks dito sa university. Nag order ako nang caramel macchiato at inorder naman ni Janella ay hazelnut cappuccino. Habang hinihintay namin ang order namin ay biglang umiyak si Janella. Nilagay ko ang kamay ko sa likod nya upang tumahan na sya

"Anong nangyari bakit ka umiiyak?" Tanong ko habang pinapatahan ko parin sya

Pinunasan nya ang mga luhang tumutulo galing sa mata nya at nagsalita "Naalala ko lang ang boyfriend ko lagi kasi kaming nagda-date dito. Kaso nga lang last last month nakipagbreak sya saakin nang hindi nalalaman ang katotohanan" pinipigilan nyang hindi umiyak pero isa isang tumulo ang mga luha nya

"Tahan na. Sino ba yong lalaking yon? Uupakan ko" pang-aasar ko para tumawa sya kahit konti. Ngumiti sya pero nabalot parin ito nang kalungkutan

"Si John Kyle. 4 years ang itinagal namin at dahil lang sa pagsisinungaling nang kaibigan nya nasira ang lahat" tumigil na sya sa pag-iyak at ngumiti. Isang masakit na ngiti

Kahit wala ako sa sitwasiyon nya nararamdaman ko ang sakit na iyon. "Nung gabing iyon nag-away kami kaya't hindi ako natulog sa condo nya. Wala akong mapupuntahan dahil ang mga magulang ko ay nasa states at simula nang naging kami ni John Kyle doon na ako tumira sa condo nya. Wala naman akong pera dahil iniwan ko ang bag ko doon sa condo nya. Ang pera ko lang na nasa bulsa ko ay sakto lang pamasahe. No choice kaya't nagtaxi ako papunta sa condo ni ......"

A/N:
Hey! Tysm for reading i luv u sm! Please vote thank u!

The Day After ValentinesWhere stories live. Discover now