Chapter 5

17 4 0
                                    

Warning: Ang mga susunod na pangyayari ay nakakasama na sa mga bata. Enjoy the hotness!

Cath's POV
Binanggit nang head mistress ang pangalan ko para sa secretary. Hindi ko alam kung maiinis ako o kung matutuwa dahil isa akong secretary first time ko kasing makasali sa student councils dahil sa dati kong paaralan sa Pampanga hindi ako nakukuha bilang student council kaya wala akong karanasan para makihalubilo sa mga istudyante dito. At ang nakakainis pa kasama ko si Carl sa student council panigurado aasarin nya ako at uutos-utusan dahil kaya nyang gawin ang lahat. Umupo ako sa ikatlong upuan at pinagmasdan si Carl na nasa gilid ko

Muka palang napaka yabang na pano pa kaya ang ugali nya, for sure walang babaeng magmamahal sa kanya nang tunay. Isang dakilang badboy

Tinawag din nang head mistress ang pangalan ni Cassandra for treasurer. Tumayo kaming lahat at kumaway kaway sa mga istudyante pagkatapos non bumaba na kami sa stage at pumunta sa kaniya kaniyang klase. Buti nalang at hindi ko kaklase si Carl ngayon. Magkakaklase parin kami nila Janella at Cassandra

Narinig kong napamura nang mahina si Cassandra habang kinakalkal ang kanyang bag. "Huy anong nangyari?" Tanong ni Janella kay Cassandra na nasa tabi nya, nasa gitna namin ni Janella si Cassandra kaya't narinig nya ring napamura ito

"Nawawala yung libro ko, subject pa naman natin ngayon yung librong nawawala" mahinang paliwanag ni Cassandra saamin. "Isipin mo kung saan mo huling nilagay yung libro baka mamaya nasa tabi tabi lang yan" saad ko kay Cassandra at napaisip sya bigla

"Oo naiwan ko nga sa locker room! Doon ko huling nilagay bago tayo pumunta sa amphitheater" mahina paring sabi ni Cassandra pero bakas ang ngiti nya "Halika na kunin na natin yung libro mo" sabi ni Janella

Nagpaalam kami sa professor para kuhanin ang libro ni Cassandra, pero alam kong hindi papayag ang professor kaya't sinabi ko kukunin din namin ang mga pads namin, tumango ang professor at pinayagan kaming lumabas nang klase

Dumaan kami sa hallway at nakita namin si Kyle at Jacob na naglalakad nakita ko rin na sinamaan nang tingin ni Kyle si Janella at sinaman nya din ito pabalik tinuloy nalang ni Janella ang paglalakad. Pumunta kami sa locker room

Binuksan namin ang pinto pero nakalock ito nagtaka kaming lahat nang may narinig kaming sumisigaw mula sa pintuan, baka kailangsan nya nang tulong. Buti nalang alam ni Janella na may pintuan sa likod nang locker room. Hindi ito nakasarado kaya't binuksan ni Cassandra ang pintuan

Nagulat kaming tatlo sa nakita namin si Carl at ang babae na kasama nya ay nag-aano.......

Tinignan ko si Cassandra at nakita kong nakahawak sya sa kanyang bibig habang unti unting tumutulo ang kanyang mga luha

Tumigil si Carl sa ginagawa nya at tinignan si Cassandra tumakbo si Cassandra papalayo at sinara ni Janella ang pintuan saka hinabol si Cassandra, tinignan ko ang pinto nang locker for the last time at saka umalis

Carl Vance Montenegro, kahit hindi ako ang nasaktan mo kinamumuhian kita sa hindi ko malamang dahilan.

Sinundan ko si Janella at nakita namin si Cassandra sa garden nang school naaawa ako sa kanya dahil walang tigil ang pagluha nya

Kinomfort namin ni Janella si Cassandra at pinayuhan. "Pumunta kaya tayo sa bar para uminom, i'm sure gagaan ang pakiramdam mo" tumango si Cassandra at lumabas kami nang university, buti nalang natutulog ang mga guard dito sa front gate kaya't nakatakas kami nang maayos

Ang kotse ni Janella ang ginamit namin at ako ang nagdrive habang nasa byahe kami wala paring tigil ang pag-iyak ni Cassandra. "Ganon mo ba talaga kamahal si Carl? Kahit alam mong lolokohin ka lang nya?" Tanong ko kay Cassandra dahil naiinis ako kung bakit nya pinili si Carl kahit alam nyang badboy sya, pero alam kong minahal ni Cassandra si Carl dahil may dahilan sya

"Mamaya na-nalang a-ako mag e-explain.." naramdaman ko na gusto nyang ibuhos ang nararamdaman nya mamaya at kailangan nya munang makapag-isip. Nang nakarating na kami sa bar pinarada ko ang sasakyan sa gilid at umalis sa kotse. Buti nalang at naka civilian kami dahil next week pa ang paggamit nang uniform, pinapasok kami nang guard sa loob agad kaming pumunta sa counter at umorder nang drinks

"Isa ngang Jack Daniel's" sabi ni Cassandra

"Hoy seryoso ka ba sa Jack Daniel's na yan? Baka mamaya hindi ka pa umiinom nahihilo ka na" sabi ni Janella habang umuupo sa counter

"Dalawa pong San Miguel Apple" tumango naman ako dahil apple lang naman iyon nang dumating na ang drinks namin saka umiyak si Cassandra. "Oh ayan ka nanaman iyak ka nanaman nang iyak" ani ni Janella sabay hagod sa likod ni Cassandra

"Childhood best friends kami ni Carl, nung bata palang kami hanggang mag elementary sobrang bait ni Carl sobrang bait nya sa mga taong nakakasalamuha nya pero nang mag high school kami lumuwas ako sa ibang bansa dahil doon ako mag-aaral. Mahirap para saamin ni Carl na mag-adjust dahil may pagtingin na pala kami sa isa't isa, nalaman ko nalang na lumala na ang sitwasyon ni Carl dito sa Pilipinas, natuto na syang uminom, magyosi, makipagbarkada mambabae. Bumalik ako ngayon dito sa Pilipinas para magcollege at para maibalik ang dating Carl pero nagkamali ako. Kinamumuhian nya na ako ngayon dahil iniwan ko sya nung mga bata pa kami naiintindihan ko kung bakit nya iyon ginawa siguro nga ako ang may kasalanan nang lahat nang ito" pagkwekwento ni Cassandra habang umiinom nang isang baso nang alak, pinigilan namin ni Janella ang bawat pag-inom nya nang alak pero hindi namin nagawa.

Siguro kung nasa sitwasyon din ako ni Cassandra ito din ang gagawin ko kaya naiintindihan ko si Cassandra kung gusto nyang ilabas ang galit nya sa pag-inom nang alak

Nagpaalam si Cassandra na mag CR inalalayan namin sya papunta doon at bumalik kami sa counter. Habang umiinom kai nang SMA biglang may kumuha nang baso ni Janella at binato ito sa lapag

"Bakit ka umiinom nang ganyan? Natuto ka nang maglasing? Umuwi ka na" magkahalong galit at pag-aalala ang boses ni Kyle

"Tama na nga Kyle, una sa lahat malaya akong gawin ang lahat nang gusto ko dahil hindi mo ako pagmamayari, pangalawa hindi kita boyfriend para utusan akong umuwi sa bahay namin at pangatlo wala ka nang paki sa buhay ko at ganon na rin ako" kinuha ni Janella ang baso ko at ininom ito

Tumingin ako sa bandang kanan ni Kyle at nakita ko sina Jacob at Carl. Hindi na ako nakapagpigil at sinuntok ko ang muka ni Carl dahil hindi ko kayang makitang nasasaktan si Cassandra dahil lang sa isang dakilang badboy, hindi ko inaasahang matumba sya at mapahawak sa panga nya. Hindi ko naman binigyan nang buwelo yung suntok ko kanina sa kanya

Tumayo sya at tinignan ako nang masama feeling ko anytime sasabog na sya at ako ang bubugahan nya. Nalulusaw ako sa mga titig nya saakin

Sinimulan mo na to Catherine wala nang atrasan

Tumayo ako nang tuwid sa harap nya "Pahihirapan ko ang buhay mo Catherine" first time nyang binanggit ang pangalan ko pero wala parin akong takot na naramdaman sa kanya tumalikod sya pero hinila ko ang braso nya

Tumawa ako para mas lalo syang mainis at mas lalong uminit ang dugo nya saakin "Kung kaya mo. Eh hindi nga ako natatakot sa iyo eh, DUWAG" ngumiti ako at nakita ko ang tainga nyang umuusok sa galit at nakita ko ang pagsara nya nang kamao nya

Binitawan nya ako at umalis nang bar. Pagkaalis nila saktong lumabas sa CR si Cassandra pumunta sya sa counter namim at nakipag-inuman.
Konti lang ang ininom ko dahil ako ang magdridrive mamaya

Maraming nangyari ngayong araw na ito pero masaya ako kahit papaano.

A/N:
Salamat sa pag inspire saakin ate gurl Janella_Mariee. Ayieee nagkita na kayo ni JK dyan! Pero dont worry sa mga susunod na chapters sweet na kayo! BTW try nyo rin pong basahin yung mga libro nya for sure magugustuhan nyo po iyon. Tysm for reading! Please vote thank u!

The Day After ValentinesWhere stories live. Discover now