Chapter 6

15 4 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas pero wala paring ginagawang masama si Carl saakin siguro nga duwag lang sya dahil hindi nya ako kayang banatan. Pero until now umiiyak parin si Cassandra naiintindihan ko sya dahil kapag naging badboy din si Zeke masasaktan ako dahil simula bata palang kilala ko na sya

Lunch time ngayon kaya't nandito kami ngayon sa canteen para kumain nag-order si Janella nang pagkain naming tatlo

Masaya ako dahil naging magkaibigan kaming tatlo. Kahit konti palang ang oras na magkakasama kami ang gaan na nang turing namin sa isa't isa. Nag-order si Janella nang tatlong sinigang at tatlong mountain dew. Kumuha nang kutsara si Cassandra at nagsimula na kaming kumain

"Sumasakit na naman yung mata ko" sabi ni Janella habang sumusubo nang kanin at sinigang. Malabo na kasi ang kanyang mga mata pero hindi pa naman sya bulag. "Ipacheck up mo kaya yan sa doktor" suggestion ko habang umiinom nang mountain dew

"Sige ipapacheck up ko mamaya or bukas" saad ni Janella. Magsasalita na sana si Cassandra pero dumaan si Carl sa table namin at nilapitan ako bigla akong nakaramdam nang excitement dahil alam kong babanatan nya na ako

Carl's POV
Siguro naghihintay na si Catherine para sa revenge ko sa kanya pwes ito ang tamang pagkakataon bibigyan ko sya nang 3 commandments. Tinanggal ko ang sintas nang sapatos ko at lumapit sa kanya nakita kong ngumiti sya sa akin at mas lalo akong nainis sa muka nya dahil sa kapangitan nya

"Catherine Santiago i command you to tie my shoes" first time ko lang ginamit ang 'command' na word sana galangin nya ako dahil ako ang president. Pero nagkamali ako tumawa lang sya nang tumawa sinara ko ang kamao ko para mapigilan ang pagkaasar sa kanya

"Sa tingin mo gagawin ko yan? Ano ako slave mo?" Tumawa sya nang tumawa na parang wala akong tainga, tumingin sya saakin at sinabi. "Nakakaawa ka naman hindi ka marunong magsintas nang sapatos siguro alagang alaga ka nang yaya mo noh" ngumiti sya at lumuhod para sintasin ang sapatos ko hindi ako makapaniwala sa ginawa nya

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil inaasar nya ako pero mission accomplished! Umalis ako nang canteen nang may ngiti sa aking labi. Lumapit sina Jacob at Kyle saakin "Bro! First time! Natuto ka na ding ngumiti!" pang-aasar ni Jacob saka ako inakbayan

"Tarantado" sabi ko sa kanya "Bakit ka nga pala nakangiti dyan?" Tanong ni Kyle saakin habang umiinom nang royal "Naalala nyo ba nung sinabi ko na bibigyan ko nang 3 commandments si Catherine? Nagawa ko na yung unang command ko" naramdaman kong napangiti si Jacob saakin "Nice one bro, ano ba yung pinagawa mo sa kanya?" Tanong ni Jacob

"Pinatali ko sa kanya yung sapatos ko at ginawa naman nya" pagmamalaki kong sabi muntik nang ibuga ni Kyle yung iniinom nyang royal sa muka ko "Hindi mo talaga sya pahihirapan bro? Ang laki nang ginawa nya sayo tapos pagsintas lang nang sapatos ang pinagawa mo malamang ang tingin nya na sayo isang totoy na hindi marunong magtali nang sapatos siguro tawa yun nang tawa" ani ni Kyle

Sabay silang tumawa at binatukan ko sila para tigilan na. Ang tanga ko rin eh bakit sa dinami daming utos na pwede kong ipagawa sa kanya pagtali pa nang sapatos ang napili ko hay nako

Naglakad kami hanggang makapunta sa park nang university, umupo kami sa puno. "Pano ko sya pahihirapan?" Tanong ko kila Jacob

"Tanongin mo si Jacob sya ang swak pag dating sa mga babae" suggestion si Kyle. Sa aming tatlo si Jacob ang pinaka habulin nang mga babae at take note wala pang babaeng nagtagal sa kanya dahil nagpapalit sya nang babae kada buwan. Pero kahit pinaka habulin sya nang mga babae ako parin ang pinaka gwapo! Hehehe

"Kilala mo naman si Catherine diba? At alam mong hard to get yung babaeng yun, nung sumayaw nga kami sa MAPEH wala akong naramdaman na umbok sa kanya tapos napaka sungit pa" hindi pa diretsuhin ni Jacob yung point nya naiinis na nga ako don sa babaenng yon

"Diretsuhin mo na Jacob" tinitigan ko sya nang masama at nag smirk lang sya. "Diba may 2 commandments ka pa?..." tumango ako at sumandal sa puno

"For the second commandment sabihin mo na gusto mong maging kaibigan sya" halos mapanganga na ako sa sinabi ni Jacob, hindi madali na maging kaibigan si Catherine at lalo na ngayon naiinis ako sa kanya

"Seryoso ka ba dyan Jacob? Alam mo namang hindi ko yan gagawin" sabi ko kay Jacob. "Oo seryoso ako, basta gawin mo lang ang sinasabi ko. For sure ayaw kang maging kaibigan ni Catherine tapos pipilitin mo sya para maging kaibigan mo. Pero dahil matalino si Catherine gagawin ka nyang slave para maging kaibigan mo sya. Yon ang second commandment"

"Paminsan minsan ginagamit mo rin palaa yung utak mo Jacob, yan tuloy ako nalang ang bobo dito sa magtrotropa" sabi ni Kyle habang tumatawa

"Minsan lang gamitin ni Jacob yung powers nya pagbigyan mo na" pang-aasar namin ni Kyle kay Jacob. Tumawa si Jacob saka kami kinutusan

"Bro, ano naman yung pangatlo kong command?" Biglang napaisip si Jacob at simandal sa puno. "Sabihin mo sa kanya na maging girlfriend mo sya for a week" halos mapanganga ako sa suggestion ni Jacob, sabay kaming napatawa ni Kyle sa suggestion ni Jacob

"Bro, mas gugustuhin ko pang magsuot nang kulay pink" sabi ko kay Jacob. "Ganito kasi ang plano.." lumapit sya saamin at bumilog kami nang tatlo

"Paiibigin mo sya for one week, pero syempre hindi sya papayag na maging nobyo ka kaya ang sabihin mo kabayaran nya yun sa suntok nya nung pumunta tayo sa bar. Pagnapaibig mo na sya doon mo sirain yung puso nya" naririnig ko palang yung plano halos manghinayang na ako dahil hindi ko kayang mahalin yung Catherine na yun at alam ko naman na hindi papayag si Catherine na maging boyfriend nya ako

Bahala na si Batman, ang mahalaga makaganti ako sayo Ms. Transferee

A/N:
Hey! Tysm for reading i luv u! Please vote thank you sm!

The Day After ValentinesOnde histórias criam vida. Descubra agora