Chapter 5

19.5K 260 3
                                    


New day new life, well probably, panibagong araw na naman, at sana maging maayus ang takbo ng buhay ko ngayung araw. hays. drama ko no?? owh! by the way ako nga pala si Rhea Calipusan Dalawampot tatlong taong gulang. laking probensya, pero gandang pang Manila.

yup, sanay ako sa mga gawaing bahay at gawaing buhay, hahaha lahat naman kasi ng hirap halos nadaanan ko na, wanna know why? kasi simula bata palang ako, nag tatrabaho na ako, kahit anong raket na pwedeng makuha pinapatos ko, pagbebenta ng Kakanin, paglalaba at kung ano ano pa, matustusan lang ang pag aaral ng mga kapatid ko, may dalawa akong kapatid na lalaki at oo kambal ho sila, si andre at andro limang taong gulang pa lamang sila, at sa kasamaang palad e iniwan na kami ng pinakamamahal naming mga magulang, si mama namatay noong tatlong taon na ang nakakaraan at ang ama ko naman ay sumakabilang bahay. kaya napahinto ako sa pag aaral, nasa third year na sana ako ng mamatay si mama dahil sa sakit sa puso.

kaya ako at ang kuya kong si Daniel Calipusan ang tumutulong sa akin na buhayin ang kambal. mabuti nalang at si kuya ay nakapagtrabaho sa Dubai bilang isang factory worker kaya natutulungan niya kami sa pang kain dito sa bahay.

mama rhai! si andre sig panumbag (mama rhai nanuntok si andre) naiiyak na saad ni andro, nilapitan ko naman siya naiiyak siya na yumakap sa akin.

anong nangyari? nag aalala kong tanong, hindi na rin bago sa akin na nag aaway tong dalawa, dahil sa kanila so andre ang mas hyper samantalang si andro tahimik lang. pero nag kakasundo naman sila sa maraming bagay.


wala man siya nananghid mama rhai na mangiram ug dulaan (hindi siya nagpaalam na manghihiram ng laruan) naiiyak na saad ni andre, kaya niyakap ko na rin siya.

kayo talaga, diba anong sabi ko? dapat magbigayan kayo, kasi magkambal kayo dapat hindi nagsasakitan. tumango naman sila, niyakap ko sila pariho.

sorry po mama rhai, sorry rin kambal at ayun nagyakapan na ang dalawa. kahit kasi magkaaway yan sila agad rin naman nagbabati. kaya hindi ako nababahala na magkakasakitan pa sila lalo.

oh siya tayo nat makakain para maka duty nako. tumango naman sila. at nag unahan na makarating sa hapag. napaiking nalang ako sa kakulitan nila. kahit minsan hindi ko sinisi sila na hindi ako nakatapos ng pag aaral dahil handa akong magsakripisyo sa para sa kanila, sila na ang buhay ko at hindi ko hahayaan na mahirapan sila. kaya nga nagtatrabaho ako, minsan sinasama ko sila, pero minsan ay iniiwan ko siya sa tiyahin ko. kasi kadalasan napaka kulit nila kaya nahihiya ako sa amo ko.

pagkatapos kong mahatid ang kambal sa tiyahin ko ay dumiretso na ako sa tinatrabahoan ko, isa akong kasambahay sa isang kilalang pamilya dito sa Monkayo Davao de Oro. at napaka bait din ng mag asawa na yun, paminsan minsan dinadala ko rin ang kambal doon, at natutuwa naman sila kasi naaalala daw nila ang mga apo nila kina andre at andro, pero shempre nahihiya din ako, nandoon ako para magtrabaho kaya iniiwan ko ang kambal kina tiya.

pagdating ko sa mansyon ng mga Casas ay medyo nagkakagulo ang kapwa ko nga kasambahay, kaya agad akong pumasok sa may bandang likod ako dumaan at hinila si manang tata na daladala ang dalawang water glass.

anong meron manang tata bat nagkakataranta kayo?? may nangyari ba kina don Marcelino at doña felipa? nataranta na rin ako dahil sa sinasabi ko. nako, matanda na kaya yung mag asawa kaya kinakabahan ako para sa kalusugan nila.

nako ano kaba naman rhai hindi yun, may mga bisita kasi saad niya kaya nakahinga ako ng makuwag

sino ba ang bisita? at napaka balisa niyo? alam kong chismosa na ako, masisi ba niya ako eh sa gusto kong malaman kung sino ang nasa sala

ayy yung kambal tapos kasama ang mga kaibigan niya, actually kahapon pa yan sila. napatango naman ako. kilala ko na rin ang kambal na apo ng amo ko dahil nakapunta na yun sila dito, pero matagal na yun.

When Mr. Casanova Fall In LoveWhere stories live. Discover now