Chapter 45

8.1K 150 0
                                    

RHEA CALIPUSAN POV:



ready na kayo??? tanong niya sa kambal na hindi na mapakali sa upuan ng sasakyan.



Opo/ Opo!! sabay saad ng dalawa kaya napangiti narin ako. pupunta kami ngayun sa mall, dahil nangako nga si ryan na ipapasyal niya daw ang dalawa kaya hito papunta na kami.


Nasa backseat ang kambal na kapwa naka setbealt. ako naman ay nasa passenger set. kung titingnan para kaming isang masayang pamilya.



halos limang araw ng nananatili si Ryan sa bahay, hindi siya unuuwi sa mansyon ng mga Casas, gusto daw kasi niyang sulitin ang mga araw na magkasama kami. kaya masaya din ako. pero sa susunod na araw ay uuwi  na din siya sa Manila, at hindi ko alam kung kilan na naman kami magkikita.


ang lalim naman ng iniisip ng prinsesa ko hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. nagmamaneho padin siya.


iniisip ko lang, dapat bilisan mo na diyan, kasi tingnan mo yung dalawa, mukhang gusto ng lumabas dito sa sasakyan natatawa kong saad. kaya mas binilisan naman niya ang pagpapatakbo. ang ginamit niyang sasakyan at yung kulay grey ng mga Casas. Sabi pa nga niya sa akin noong nakaraang araw ay bibili daw siya ng sasakyan, pero umayaw naman ako, aanhin naman niya ang sasakyan, eh sa babalik narin naman siya sa Manila. pero sabi niya, para may service daw kami ng kambal. kaya wala na akong nagawa. mas ok nga yun, pero shempre nahihiya ako. but he really insisted, kaya bukas daw ay bibili kami.


We're here! anunsiyo niya, nakita ko namang gumising si Andro at ginising si andre. nakatulog kasi sila sa byahe kanina.


Yey!! Andro tingnan mo ang Laki!! manghang saad ni andre habang naka tingin sa bintana ng sasakyan. bumaba naman ako at pinagbuksan sila ni ryan ng pinto.


hawak kamay kaming apat papasok sa mall, nakita ko namang subrang saya ng kambal.


Anong  una niyong gusto gawin? tanong niya sa dalawa.


Kain!! saad ni Andre kaya natawa kami, hindi pa kasi kami nakapag lunch kaya medyo gutom na din kami. dumiretso agad kami sa Jollibee, at habang kumakain, dal-dal ng dal-dal si andre minsan ay sinasaway siya ni andro. kaya napipikon ang kakambal niya.


Sunod ay dinala namin sila sa Kidzania upang maglaro muna doon. kompleto din naman ang mganlaruan nila, at tiyak akong mag eenjoy ang kambal, marami ding mga bata na kagaya nila doon.



Dito muna kayo ha,  mag enjoy lang kayo, dahil mag dadate muna kami ni Mama rhai niyo tumango naman si andre at andro. dumiretso na si ryan sa counter para mag check in sa kambal.



Basta pag may kailangan kayo, mag sabi lang kayo sa mga crew dito ha bilin ko uli sa dalawa.


opo mama  rhai tela excited na saad ni andre. hays. niyakap ko sila pariho at hinalikan sa noo.


ng maka balik si ryan ay may dala na itong dalawang pares ng medyas, kinuha ko naman ang isa para isuot kay andro, at siya naman abg nag suot kay andre.


ng natapos naming maisuot sa iambal ang medyas ay pinapasok na namin sila sa loob. tiningnan ko naman sila. at ayun si andre, nag dive sa maraming bola kasabay ang ibang bata. kita ko ang saya sa kanyang mata kaya napangiti ako
si andro naman ay don napunta sa, slide. bigla naman akong napatingin sa katabi ko ng akbayan niya ako.


lets go? we have two hours date, kaya we better go now. ngumiti naman ako tyaka tumango

When Mr. Casanova Fall In LoveWhere stories live. Discover now