Chapter Twelve

5.6K 108 6
                                    

Chapter 12

Yssa's POV

Aish. Umaatake pa din ang morning sickness ko ng sobra sobra, my gosh twins. Hwag nyo namang pahirapan si mommy.

Nakakatamad bumangon. Argh!

Pero, gusto kong lumabas ngayon ng bahay. Hmm, sakto namang pumasok si Eimee ng kwarto ko.

"Ate, good morning!" Masiglang bati nito. The usual her. Napaka-energetic.

I smile and;

"Good mor--"

Napatigil ako sa pagsasalita ko kahit si Eimee biglang napatitig sa akin na mukhang nagtataka eh.

Sabay tawa nya ng malakas. Oh sh*t!

"Hahaha. Ate, nag-concert ka ba?" Pang-aasar nya sa gitna ng pagtawa. No, hindi sya natawa. Nahalakhak actually. Bad li'l sissy.

Sinamaan ko lang sya ng tingin sa pabirong paraan.

Kaya pala medyo mahapdi ang throat ko. Ugh. Ang panget ng boses ko! May tonsilitis yata ako!

"Eimee!"

"Haha, grabe ate! Ang cute ng boses mo. Hahaha."

Okay. Sobrang saya nya ah? Bad. Hindi naman talaga panget ang boses ko pero kapag nadinig mo parang may mali.

"Eh naman! Ba't ka pala pumunta dito? Mang-aasar ka lang ba?"

Ngumiti naman sya ng ubod ng tamis. Whaa. Nang-gigigil na naman ako.

"Wala po. Hindi na ako tatawa, promise. Hmm, samahan kita sa clinic? Gusto mo?"

Tutal gusto kong mamasyal. Hmm, pwede na din.

"Okay. After lunch tayo ha."

"Okay po. Dadalahan na lang kita dito ng b'fast. Tsaka Strepsils. Sige, ate. Bye!"

Sabay talikod nya kasi nahalata nya yatang sobra na naman akong nakatitig sa kaniya. Exactly six months na ang baby ko at kahit tapos na ang trimester ko ay madalas maglihi pa din ako. Weird nga eh. Hahaha.

Kaya kawawa si Eimee kapag nang-gigil ako eh.

11:30am

"Ate! Tara na! Nakapag-paalam na din ako kay lola."

"Wait lang."

Tinitingnan ko pa kasi iyong stock of goods namin eh. Hmm. Madami na din palang kulang at wala, makapag-grocery na lang after check-up.

First time ko magtatagal ngayon sa labas kasi kapag napunta kami sa OB ko ay diretso uwi agad kami. Iwas chismis na din.

12:15pm

Natapos nang i-examine iyong tonsilitis ko. Dami pang ginawa. Tsk. OA ha?

"Ate? Uwi na tayo."

"Ahm Eimee, saan ba ang grocery dito?"

"Malapit lang, ate. May kailangan ka po?"

"Paubos na kasi stock natin eh. Bili tayo dali."

"Sige po. Game ako dyan! First time natin to mag-grocery together eh."

At sumakay na kami ng jeep.

Na-miss ko 'to. Na-miss ko din iyong kotse ko. Hays. Iyan, agaw atensyon tuloy kami dahil siguro mukha kaming unfamiliar? Tss.

Pumara si Eimee sa tapat ng medyo malaking grocery store.

Inalalayan lang nya ako sa braso at pumasok na kami.

His Father Is My Best friend (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon