Chapter Thirteen

5.4K 120 5
                                    

Chapter 13

Aldred's POV

Hindi ko pa din makalimutan iyong babaeng kasama ni Eimee kahapon sa grocery store.

The strange girl remind me of Yssa.

Iyong kutis nya, iyong kulay, iyong buhok. Her attributes such as height is similar to my best friend.

Pero alam ko namang impossible iyon. Hays. Sino kaya sya? Malaki na din ang tiyan noong babae.

Ganoon na din kaya ang kay Yssa? Maganda pa din kaya sya kahit malaki na ang tiyan? Ugh. Ano ba?!

Bakit ko pinagnanasahan si Yssa?

Wait, what? I'm not fantasizing her!

Iniisip ko lang sya. Langya!

Miss ko na sya. Pero tuwing naiisip ko ang maamong mukha ni Yssa, kasunod na no'n ay ang mukha ni Harry. That's the reality anyway.

Kinasal na kaya sila? Hindi. Imposible.

Ang sama naman kapag ganoon kasi alangan namang hindi man lang nila ako inimbitahan pati na si Ley? Magtatampo 'yon.

Magkakaibigan naman kami eh.

"Kuya, anong oras ka uuwi?" Tanong ni Ken matapos pumasok ng kwarto. Hati lang kasi kami sa kwarto pero dalawa ang kama. Tig-isa. Paano'y pareho kaming malikot matulog.

Tapos na nga pala ang bakasyon ko. I'm going back to Manila today.

"Alas tres. Bakit?" Tugon ko sa tanong nito.

"Hahatid pa ba kita sa terminal?" Tanong ulit nito habang nakatapat sa salamin namin na 'whole body size'. Kung todo ikot at pose pa ito.

"Anong tingin mo sa akin bata? First timer? Hwag na. May lakad ka na naman yata eh, hiya ko sayo." Puna ko base sa pinag-gagagawa nya. Hindi na na-pirmi sa bahay ang lokong 'to ah!

"Mabuti naman, bro. Akala ko kailangan pa kitang problemahin eh." Pagbibiro nito tsaka tumawa. Nagsusukat na ito ng sapatos mula sa koleksyon nya.

Gunggong talaga. Kapatid ko ba talaga 'to?

"Hoy, Ken? Ano, totoo ba lahat ng sinabi mo tungkol doon kay Eimee?"

"Oo nga. Pagkakulit. Siya na kaya ang tanungin mo." Kunwari ay napipikon na sabi nya tsaka ako sinulyapan na nakakunot ang kilay.

Naniniguro lang naman ako eh.

"Hindi, may nakita kasi akong babae na kasama nya. Tinawag nya ngang ate." Paliwanag ko naman.

"Hmm. Hindi ko yata alam iyon ah? Maganda ba? Ilang taon?" This time, sya naman ang nangungulit. Sira.

"Kasing edad ko yata. Hwag ka ng mangarap 'tol! Buntis na iyon. May asawa na siguro." Sabi ko na lang. That's my conclusion after all.

"Ah. Ganoon? Teka, bakit ba interesado ka kay Eimee? Sabi ko na type mo 'yon eh! Babae mo 'yon sa Maynila, ano? Lagot ka kay ate Ley!" Parang bata na litanya ni Ken.

Oo nga, kamusta na kaya 'yon? She never contact me. Ang tagal na!

"Gago! Nagtatanong lang ako. Sige, mag-aayos lang ako ng gamit."

Eimee's POV

@Tuy Public Transportation Terminal

2:45pm na at langya lang. Date? Dito? Wow ha? Grabe. Ang saya!

Sino bang hinihintay nitong si Emman. Badtrip na ako ha. Alam kong sa oras na 'to ay hindi na maipinta ang mukha ko. Argh!

"Emman! Sino ba talagang hinihintay natin dito?"

His Father Is My Best friend (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon