DEEP DESCENT

51 2 28
                                    

Kulay kahel na ang kalangitan at lumalamig na, tahimik ang paligid maliban lang sa manaka nakang pagsipol ng hangin.

Nakaupo si Marcus sa ibabaw ng binabantayan niyang reinforced twelve meter long at kulay itim na fuel truck habang kinakargahan ito ng gasolina mula sa abandonadong gas station.

Isang five inches thick hose ang nakakabit sa gas tank ng truck habang ang kabilang dulo ay nasa butas sa sahig malapit sa mga gas terminal.

Lumilinga-linga sa paligid at alerto habang nakapatong sa mga binti niya ang kaniyang assault rifle na naka blend sa kulay ng suot niyang dark camo pants.

Hindi siya nag-iisa, may mga kasama siya na nakapalibot sa gas station at nagbabantay din bitbit ang kani kanilang baril.

May bugso ng hangin na gumugulo sa sa kaniyang maiksi at itim na buhok pero maliban doon ay tahimik ang paligid kahit na sila ay nasa gitna ng isang malaking city.

Tanda pa niya noong bata pa siya, ang mga siyudad kagaya nito ay punong puno ng mga tao at maliwanag kahit sa gabi pero kabaliktaran na ngayon.

Mistulang nagtataasang mga ruins na lamang ang nakapalibot sa kanila at sa kalsada nama'y hele-helerang mga kotseng matagal nang inabandona at ngayo'y ginagapangan na ng balag at kalawang.

Pinipilit niyang huwag maging pessimistic sa kabila ng sunod-sunod nilang kamalasan. Kung walang mangyayaring aberya, sa pakiwari niya'y magagawa nila ang objective na walang nangyayaring problema.

Pero gusto niyang makasiguro kaya kinuha niya ang kaniyang compact radio telephone na nakasukbit sa breast pocket ng kaniyang grey leather vest.

Tinawagan niya ang kanilang sniper at lookout na nasa rooftop ng isa sa mga gusali na malapit sa kanila.

"Guile, how's the perimeter?"

"All clear Sir." Sagot sa kabilang linya.

"Good, but stay alert, hindi natin alam kung saan sila lalabas."

Tumalon siya sa ibabaw ng truck at naglakad-lakad para mag patrol na pampawala ng inip.

Sinilip niya ang metro ng gas tank at nadismaya siya. Pangatlong gas station na nila ito pero almost thirty percent pa lang ng gas tank ang napupuno nila, dapit-hapon na rin kaya wala na silang oras maghanap ng iba pang station sapagkat mas mapangib dito sa gabi.

"Kahit titigan mo pa yan maghapon di yan dadami." Sabi ng boses sa likuran niya.

Pagkalingon, nakita niya ang kasamahang babae.

Red short hair hanggang balikat at hazel-colored eyes, ang mechanic ng kanilang mga sasakyan at makinarya, si Mia. Pero ngayon ang kinakalikot niya ay ang kaniyang bibig gamit ang philip screwdriver na ginagawa niyang toothpick.

Lean body pero hindi maskulado kaya natitipuhan siya kapuwa ng mga kalalakihan at kababaihan, boyish nga lang ang attitude at may pagka weirdo kung minsan kagaya ng ginagawa niya ngayon.

"Palayo ng palayo ang binabyahe natin para makukuha ng gas at ng iba pang resources pero kulang parin. Hanggang kailan pa kaya natin to magagawa?" Pagkabahala ni Marcus.

"Wag mo nang problemahin ang mangyayari bukas, ang dami na nga nating problema ngayon eh." Sabi ni Mia habang palabirong tinatapik ang balikat niya.

Kahit papaano ay napangiti naman siya sa positive attitude nito.

"Maiwan muna kita." Sabi ni Marcus at umalis.

Pumasok siya sa convenience store ng gasolinahan.

Simot na ang laman nito gaya ng inaasahan. Tabi-tabing shelves at racks na wala nang laman maliban sa makapal na alikabok.

Lumapit siya sa counter kung saan nakapatong ang kinakalawang at nakabukas na cash register at siyempre wala nang makukuha dito.

Sa pader sa likod ng counter ay nakita niya ang isang napakalumang kalendaryo na nakasabit sa pader.

Umupo siya sa stool chair sa tabi ng counter at sinuri ito.

Babaeng naka bikini ang calendar model na nasa picture subalit kupas na ito. Sa ibaba ay nakita ni Marcus ang taon ng kalendaryo.

"2040." Ang pagkabasa ni Marcus.

Muling bumalik sa isipan ni niya ang nangyari noong taong iyon. Sampung taon na ang nakaraan at labing-apat na taong gulang pa lang siya noon.

Nakabaon na sa isipan niya ang nangyari noong taong iyon.

Ang simula ng world-wide phantom invasion.

Ang insidenteng iyon na ikinamatay ng milyun-milyong tao at ikinasira ng mundo.

Pero ang lahat ng iyon ay nagsimula sa high-tech underwater laboratory.

Ang Atlas.

Nandoon siya nang mangyari iyon.

Hanggang ngayon ay binabangungot parin siya ng sigaw ng mga taong takot na takot habang nilalamon ng malaki at mala aninong halimaw na iyon.

Subalit higit sa lahat ay sinisisi niya ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang ginawa na ikinamatay ng kaniyang magulang ng araw na iyon.

- - -

© 2019 by Zelphynn. All Rights Reserved

No part of this book may be reproduced in any written and photocopying without written permission of the publisher or the author. The exception would be in the case of brief quotations embodied in the critical articles or reviews and pages where permission is specifically granted by the publisher or the author.

DISCLAIMER
Anumang larawang ginamit ko dito ay hindi ko pagmamay-ari. See the sources below:

https://www.wallpaperup.com/37180/Star_Wars_1313_street_cities_slums_video_games_sci_fi_science_futuristic_creatures_aliens_mood.html

Book Cover: CeresDilemma

Deep Descent (On Hold) Where stories live. Discover now