Chapter 2 Tartarus

24 0 21
                                    

Ten Years Ago.
Isengard Mansion.

Naisip ni Marcus na simulan na ang matagal niya nang pinlano.

Ang pagpunta sa workplace ng kaniyang mga magulang, sa isang hi-tech laboratory na nasa ilalim ng karagatan.

Ang Atlas.

Marine biologist ang kaniyang ama at paleontologist naman ang ina. Ginawa ang malaking laboratoryong iyon for the research and discovery of resources and marine life.

Subalit dahil narin doon ay halos lahat ng kanilang oras ay naubos na sa trabaho.

Lalo na nang mamatay si Marian, ang nakababata niyang kapatid na babae dahil sa isang aksidente.

Siyam na taong gulang pa lamang ito, at si Marcus naman ay labing isa nang maaksidente ang sinasakyang bus ni Marian papunta sa isang field trip.

Na comatose ito nang mahigit isang taon hanggang sa sabihin sa kaniya ng mga magulang niya na namatay na ito.

Mula noon ay naging subsob na sa pagtatrabaho ang kaniyang mga magulang, ni hindi na nga siya masabayang kumain ng mga ito.

Hanggang kalaunan ay nailipat ang kanilang workplace sa Atlas.

Lubos ding nalungkot si Marcus sa pagkamatay ng kapatid niya, ito ang pinakamatalik niyang kaibigan noong bata pa siya.

Pero mukang nakalimutan ng mga magulang niya na mayroon pa silang isang anak.

Madalas na naiiwan lang si Marcus magisa sa kanilang mansion na itinayo malapit sa dalampasigan.

Isang araw ipinuslit niya ang kaniyang sarili sa amphibious cabin cruiser na laging dumaraan sa bahay nila upang sunduin ang kaniyang mga magulang dahil alam niyang papunta ito sa laboratoryo.

Sinalisihan niya ang mga taga buhat ng gamit ng magulang niya at nagtago sa compartment room kasama ng mga gamit.

Ilang Sandali lang at narating na nila ang dalampasigan pero tuloy tuloy lang ito sa pagandar hanggang sa karagatan.

Nakasilip si Marcus sa bintana ng compartment area at tuwang-tuwa sapagkat matagal na din siyang hindi nakapunta sa ibang lugar.

Pero ilang minuto ang lumipas at biglang huminto ang sasakyan, pagkatapos ay biglang lumakas ang alon na humahampas sa boat kaya umuga ito at mayamaya ay bumulwak sa surface ng dagat ang isang itim at napakalaking submarine.

Muka itong isang higanteng itim na torpedong nakahiga at half sunken sa tubig.

Bumukas ang hydraulic door nito sa gitnang tagiliran at dahan dahang lumabas ang isang steel folded bridge na dahan dahang nababanat at tumutuwid na parang red carpet na binubulatlat hanggang sa maging isang tulay.

Nakita ni Marcus na bumaba ng cabin ang mga magulang niya at naglakad sa tulay papunta sa submarine pagkatapos ay lumabas ang mga crew ng submarine na naka navy blue jumpsuit.

Pumunta sila sa cabin at dinala ang mga gamit sa boat kasama ang pinagtataguan ni Marcus na isang sealed plastic container.

Pero kinalsuhan ni Marcus ang takip nito upang makahinga siya sa loob.

Sumilip siya sa nakaawang na takip nang maramdaman niyang nakaalis na ang mga nagbuhat ng bagahe, nasa loob na siya ng malaking storage room.

Nararamdaman na din niyang lumulubog na ang submarine sa kalaliman ng karagatan, Pakiramdam niya'y nasa elevator siya na pababa ng pababa, sayang nga lang at walang bintana doon na maaari niyang pagsilipan.

Deep Descent (On Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon