Chapter 3 Confrontation

14 0 8
                                    

Ten Years Ago.
Atlas.

Papalapit na si Marcus sa dulo ng bridge at sa entrance ng Atlas.

Nang ma-detect ng sensor na papalapit ang sinasakyan niyang buggy, umikot ang mga gears ng circular bulkhead door na nagsisilbing entrance, at ito ay bumukas.

Normally, madaming pagdaraanang scans at security inspections ang mga bagaheng ipinapasok at inilalabas sa lugar na ito ngunit exempted dito ang mga gamit ng mga high ranking personnel kagaya ng mga magulang niya na pumabor naman sa kaniya sapagkat mahuhuli siya pag nagkataon.

Pagkapasok sa loob ay agad niyang nakita ang maliwanag na hallway. Wala kang makikita miski katiting na anino sapagkat naiilawan ng sapat ang square-shaped hallway na ito.

Spotless white at makintab ang lahat mula sahig hanggang kisame kung saan nakasukbit ang tabi tabing mga lightings.

Dito lang napansin ni Marcus na wala palang nagmamaneho sa buggy, fully automated pala ito.

Naghintay pa siya ng kaunti hanggang sa madaanan ng buggy ang ang tabitabing square shaped door sa magkabilang panig ng dingding, ang personnel quarters.

Nang masigurong walang tao, ay agad na lumabas si Marcus sa pinagtataguang kahon at bumaba sa sasakyan at pinagmasdan niyang lumayo at lumiko ito sa isang pasilyo.

Pagkatapos may kinuha siyang manipis at parihabang bagay mula sa bulsa niya na sing laki ng credit card, ito ang spare level five keycard ng kaniyang ama.

Pinakamataas itong uri ng keycard kaya kung tumpak ang pagkakaalam niya ay may access ito sa lahat ng facilities at rooms dito sa Atlas.

Agad niya itong sinubukan sa kwarto sa tabi niya, pagkatapos ma-swipe ang card sa scanner ay naging kulay berde ang pulang ilaw sa pinto at nag-slide ang pinto pabukas.

Sa loob ay personal quarter ng isa sa mga staff. Maliit lang ang kwarto, mas malaki pa nga ang banyo nila sa mansyon kung tutuusin.

ay pagka minimalist urban modern ang theme, halos essentials lang ang nasa loob. May isang kama with white linens, tukador na may bedside lamp sa ibabaw at closet na may lamang ilang set ng navy blue baggy jumpsuit na may bulsa kung saan-saan kaya nalaman niyang isang maintenance crew ang tumutuloy dito.

Ang sahig ay may may grey carpet, ang dingding at kisame naman ay glossy white, sa kabilang panig naman ay ang pinto sa comfort room.

Ito ang itsura standard room dito para sa mga crew pero alam niyang mas luxurious pa ang kwarto ng mga matataas na opisyales.

Pero ang nakaagaw ng atensyon niya ay ang sealed porthole ng kwarto na kahawig sa bintana ng eroplano subalit ilang ulit na mas malaki.

Agad niyang inangat ang blind at tumingin sa labas. Bahagya niyang nakikita ng mas malapitan ang mga gusali dahil narin sa mga liwanag na nanggagaling sa mga bintana nito pero maliban doon ay may katahimikan at kadiliman lang sa paligid.

Ngayon pa lang nag sisink-in sa kaniya na talagang nasa kalaliman siya ng karagatan.

Umupo siya sa higaan at iniisip ang gagawin.

Deep Descent (On Hold) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora