Chapter 1. Past, Present, Future.

26 2 6
                                    

"Marcus, anak, buksan mo ang pinto!"

Sabi ng tinig ng kaniyang ina kasabay ng pagkalampag ng sealed door ng escape pod. Halata rin ang takot sa tono nito.

Pero nakaupo lang siya sa sulok ng sasakyan habang nakahawak sa kaniyang nagdurugong binti. Gusto niya silang pagbuksan ng pinto subalit pinipigilan siya ng matinding takot at pagaalinlangan.

"Marcus, papasukin mo kami, buksan mo to!"

Tinig naman ngayon ng ama niya ang narinig.

Subalit hindi parin umaalis sa pwesto si Marcus.

Nagsisimula na siyang manginig sa takot maisip pa lamang ang halimaw na muntikan nang pumatay sa kaniya na siyang sanhi ng nagdurugo at namimintig niyang braso.

Halimaw na walang hugis at porma, muka lang itong itim na likido na may mahahabang galamay na kahawig ng sa dikya.

"Papapunta na dito ang bagay na yon, Marcus!"

"Wag kang lalapit, wag!" Sigaw ng ina niya.

Palakas ng palakas ang pagkalampag at pagtawag nila, si Marcus ngayon ay nakapikit at umiiyak subalit hindi parin magawang makagalaw.

Hanggang sa isang malakas na tili na boses ng kaniyang ina ang narinig na nasundan ng malakas na kalabog sa pinto na parang binangga ito ng malaki at mabigat na bagay.



Napadilat ang mata ni Marcus.

Kinakapos ng hininga at malamig ang pawis sa tuwing maaalala niya ang nangyari noon na kahit sa panaginip ay hindi siya nilulubayan.

Hindi niya agad napansin na may tumatawag na pala sa kaniyang radyo.

"Anong problema Guile?"

"A Phantom Horde appeared, fifty meters, north of your location."

"Gano kadami, anong category?"

"A hundred, atleast. Small to medium category."

"Damn!" Napahampas siya sa mesa sa frustration.

"Alam ba nilang nandito tayo?"

"Oo, inaalam pa nila ang exact location natin."

Lumabas ng store si Marcus at inutusan ang mga kasama.

"We got company, aalis na tayo."

"Pero hindi pa nasisimot ang gas." Sabi ni Mia.

"Hayaan niyo na, may lumitaw na phantom horde, papalapit dito.

"Dan, tulungan mo si Mia na alisin at ipulupot ang hose."

Utos ni Marcus sa isang maitim at malaking lalaki na kasamahan niya.

Tumango lang ito.

Sa unang tingin mapagkakamalan mong bodybuilder dahil sa napaka maskulado niyang katawan at talagang nakakatakot tignan ang maitim nitong kulay.

Pero ang totoo, si Ben ay isang gentle giant at mahiyain, kung tutuusin nga, siya ang pinaka madaling pakiusapan sa grupo.

"Guys, wag kayong kabahan, ililigtas kayo ng insane driving skills ko mula sa mga phantoms na yan!"

Sabi ng overly-confident nilang driver na si Zac habang sinusuklay ang wavy brown hair nito.

"Magaling, umaasa ako sayo Zac." Sabi ni Marcus.

"S-syempre, a-akong bahala sayo."

Hindi inaasahan ni Zac na makatanggap ng compliment at nahihirapan siyang itago ang pagkatuwa dahil iniingatan niya ng husto ang kaniyang cool image.

Deep Descent (On Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon