Chapter 4 Project Asclepius

12 0 10
                                    

Year 2030
Atlas

Ngawit na si Marcus kakagapang sa loob ng air vent pero sa wakas ay narating na din niya ang facility.

Mula sa pagitan ng mga grills ng vent cover ay naaninag niya ang dim lights mula sa kabilang kwarto.

Gamit ang multi tool  na nakuha sa crew quarters ay nataggal niya ang mga screws ng takip at gumapang palabas.

Malawak ang kwarto, parang dalawang basketball court na pinagtabi.

Ang tanging source ng ilaw ay ang

hele-helerang naglalakihang glass tubes na parang sinlaki ng fifty gallon water barrel na naglalabas ng greenish light.

May lamang tubig at bawat tube, may control panel at computer na nakakabit sa bawat isa.

May kung anong gumagalaw na nilalang din sa loob ng mga tubes na nagpakilabot kay Marcus.

Nang tignan ng malapitan ang mga ito ay halos hindi siya makapaniwala sa mga nakita.

Ang nasa loob ng mga glass tube ay mga living specimens ng mga creatures na matagal nang naiulat na extinct.

Samu't sari ang makikita.

May isang nabababalutan ng exoskeleton, ang isa'y mukang janitor fish na sinlaki ng tuna, mayroon ding mukang mga hermit crab subalit mukang squid naman ang sumisilip sa butas ng shell nito, may mga hugis alimango, hugis ahas at clams, ang iba ay mukang bato lamang na hindi gumagalaw at biolumenescent naman ang iba.

"Ammonites, Belemnites, Pholadomya....". Pagbasa ni Marcus sa ilan sa mga labels.

Bukod sa mga hayop ay may mga halamang dagat din.

Ang iba'y mukang seaweed, kelp o seagrass subalit hindi normal ang kulay ng dahon, may ibang kulay pula o puti, at mayroon ding bahagyang lumiliwanag.

Kakatinign, hindi niya namalayan na nasa dulo na pala siya ng kwarto at nakaharap sa isang steel door.

Napaisip siya sapagkat hindi niya alam ang lugar sa loob ng pintong ito dahil ayon sa blueprint na kabisado niya ay pader lang dapat ang nandito.

Wala ding label ang pintuan pero mukang secured at restricted door ito dahil sa sturdy steel door na nakaharang sa pasukan na kahit siguro hagisan ng pampasabog ay hindi masisira.

Lalo tuloy na curious si Marcus kaya agad niyang iniswipe ang security keycard niya sa scanner sa tabi ng pinto.

Umingay ng malakas, tunog ng mga metal gears at hydraulics, pagkatapos ay dahan dahang umangat ang makapal na steel door na parang ulo ng isang higanteng ibinubuka ang bibig nito.

Una niyang naaninag ang dim greenish light sa loob, pumasok siya at ang liwanag pa lang ito ay galing sa isang gigantic glass tube sa gitna ng isang circular na kwarto.

Mistulang dwende ang mga nakita niya kanina kung ikukumpara sa isang ito.

Mga five meter wide at kasing taas ng dalawang palapag na gusali, puno din ito ng murky greenish liquid gaya ng iba at nakapalibot din sa tube ang control panels at mga monitors.

At sa ibang parte ng kwarto ay may tabi tabing mesa na mayroong mga computers, microscope at iba't-ibang iba pang laboratory equipments.

Halatang dito nagaganap lahat ng experiments at pagsusuri ng mga specimen.

Pero nang tignan niya ang nasa loob ng gigantic tube ay nangatog siya sa pagkabigla at pagkatakot.

Akala niya noong una ay isang uri ng hayop subalit nang tignan niyang mabuti ay hugis tao ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Deep Descent (On Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon