YAZWELL

12.4K 157 4
                                    

Ano ang tunay na nadarama,
Lalo na kapag ika'y kasama?
Nasa pagitan nga ba ko ng mali at tama.

Kontento na dati,
Kapag nakikita ka napapangiti,
Kahit sinusungitan mo lang parati.

Nahihirapan basahin ang iyong emosyon,
Sa buhay mo ano ba ko ngayon?
Dahil para sa  akin ika'y aking inspirasyon.

Ating relasyon ay hindi malinaw,
Babalik ba ko na masaya na sa pagtanaw,
Sana puso natin ay magtagpo at hindi maligaw.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now