HANGGANG KELAN

1.1K 21 0
                                    

Yaz feel be like

Hanggang kelan lolokohin ang sarili ko,
Hanggang kelan na ayos lang ako,
Kung minsan tinatanong na rin ang sarili,
Sitwasyon na pinasok ay hindi madali.

Minsan sa akin ay malambing s'ya,
'Di ko pa rin mabasa kung ano nasa isip n'ya,
Kinakabahan ako kapag s'ya ay seryoso,
Mga sinasabi n'ya ay nakakalito.

'Wag ko raw s'ya mahalin ng sobra,
Sa kapatid n'ya ayaw n'yang nakukumpara,
Pinaka ayaw pa n'ya ang  salitang better,
Sa salitang iyon tila s'ya'y sobrang bitter.

Hanggang kelan ko kaya matatagalan,
Ang sitwasyon naming 'di ko mapangalanan,
Kelan ko kaya maririnig mula sa kanya,
Na ako rin ay mahal din n'ya.

Patuloy pa rin na umaasa,
Napapaisip kapag nag-iisa,
Pareho kaya kami ng nararamdaman,
Dinadalangin na sana ay oo naman.

Hanggang kelan ko kayang maghintay,
Kung sa akin pala ay may matiyagang naghihintay,
Matatagalan ko pa kayang hintayin s'ya,
Kung may isang taong mas matiyaga pa kesa sa kanya.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now