UMAASA

1.6K 32 0
                                    

Maxrill feel be like

'Di ko inaakala na magbabago ang nararamdaman,
Naghahangad na sana ito'y iyong matugunan,
Umaasa na maging higit pa sa kaibigan.

Inaakala mo ako ay nagbibiro,
Himig  mo may kung anong tinatago,
Pansinin mo sana damdaming kong ito.

Mga salita ko at kilos ko ay 'di mo alintana,
Pero sa simpleng salita lang n'ya ay masaya ka na,
Gusto mo tawagin pa rin kitang noona.

Umaasa na iyong pagbibigyan,
Umaasa na iyong pagbubuksan,
Umaasa na iyong pakikinggan.

Mananatili pa ring nandito,
Tahimik na nakatingin sa 'yo,
Naghihintay na lapitan mo.

Makita mo sana na may hihigit pa sa kanya,
Na may iba na kaya kang maging masaya,
Palibhasa mga mata mo unang nakikita ay palaging s'ya.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now