Chapter 27

212 0 0
                                    

Yaz feel be like

Walang pagsidlan ang aking saya,
Kaya naman niyakap ko s'ya,
Inaasar s'ya ni Maxpein,
Tinawag pa s'yang virgin.

Kanyang pamilya kinausap s'ya,
Nakaramdam tuloy s'ya ng hiya,
Namumula n'yang ay napansin,
'Di ko tuloy paano sasabihin.

Sinapak n'ya si Rem ang sagot n'ya,
Pinaalalahanan s'ya ng kanyang pamilya,
Kinausap ako ni mommy,
Kasal muna raw bago baby.

Nakokonsensya tuloy ako,
Alam ko ito ay sinuway ko,
Kay Maxwell malaki tiwala sa kanya,
Ng kanyang buong pamilya.

Sa pagkakahiga ay tinabihan ko s'ya,
Tinatanong ko ba't ang tahimik n'ya,
Naiinis daw s'ya at napipikon,
Ang cute n'ya natawa tuloy ako dahil don.

'Di pa rin ako makapaniwala sabi ko sa kanya,
Na ako talaga ay pakakasalan n'ya,
Dahil dati nararamdaman ko kanyang kinukuwestiyon,
Akala raw kasi ay trip ko lang s'ya noon.

Panay raw baby ang tawag ko sa kanya,
Iba naman daw binebaby ko, sagot n'ya,
Mabilis na umangal naman ako,
Si Maxrill daw kasi ang binebaby ko.

Sumobra raw ako sa pag-aalaga sa kanya,
Nainlove daw tuloy sa akin, dagdag pa n'ya,
Hindi raw ba 'yon nakikita o napapansin,
Sagot ko dapat iyon ay nararamdaman din.

Gusto raw maramdaman ganon,
Hindi ako makasagot dahil don,
'Wag na namin pag-usapan,
Ang other guy ko raw aming pag-usapan.

Alam ko si Rembrandt ang sinasabi n'ya,
Tinanong ko kung nagseselos ba s'ya,
Natural daw, sabi ko hindi ko na yun babalikan,
Hindi raw si Rem, si Maxrill ang kanyang pinagseselosan.

Ang sinabi ng parents namin ay sinabi ko sa kanya,
Kung buntis daw ako s'ya raw ang pinakamasaya,
Tinanghali kami ng gising kinabukasan,
Magsisimula na sana kami mananghalian.

Sabi ng maid ay may bisita raw ako,
Si Rembrandt ang dumating, napatayo ko,
Kaming dalawa ay nagkasagutan,
S'ya raw ang dapat kong pakasalan.

Sa sinabi n'ya ay nanlamig ako,
Kaya Maxwell ay mabilis nilingon ko,
Walang ekspresyon ang kanyang mukha,
Nasa pagkain ang mga paningin n'ya.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon